MAKIKITA ang pagtalsik ng katawan ng mga kasama ni Laxus dahil sa malakas na weapon skill na iyon. Lahat sila ay tumatakbo palayo para isalba ang kanilang mga sarili mula sa atakeng iyon. Sa pagkawala ng malakas na pagsabog ay doon na rin nawala sa paningin ng binata ang mga kasamahan niya na nakikita niyang nais iligtas ang kanilang mga sarili. Sumabog ang kalahating bahagi ng battle arena at gumuho ito pababa na naging dahilan upang sina Laxus ay mapasama sa pagbagsak noon. Napakalakas din na pagyanig ang dinulot noon sa paligid at nabalot ng makapal na usok ang buong lugar dahil sa skill na pinakawalan ni Medusa. Makikita nga sa AI ang paghingal dahil sa paggamit niya ng regeneration ability kanina. Dahil sa healing ability niya ay nabawasan ang kanyang damage at defensive stats dahil