NAYANIG ang buong kagubatan ng Helius nang mula sa nagdidilim na kalangitan ay biglang bumagsak ang mga kidlat na mula sa skills ng dalawang AI ni Laxus na Elektrikes. Nabigyan nito ng critical damages ang karamihan ng mga Slimy AIs na ngayon ay nakapalibot sa kanila nina Wind, Herald at Sora. Kanina pa nga nagsimula ang labanan at kung sa simula nga ay dehado sila, nang gamitin na nga ng player na may dilaw na buhok ang kanyang God’s Ability ay doon na mabilis na nabaligtad ang laban. Nakikita na nga ngayon ng mga players ng Axis Domain na unti-unting umuusad ang pwersa ng mga kasama nila laban sa mga AIs ng kagubatang ito. Nasasaksihan nila ang isa-isang pagbagsak ng mga ito. “Boss? P-paano ito nangyari? Parang napaka-overpowered ng ability na iyan?” bulalas ni Coco sa katabi niyang si