“ITO ANG Helius Forest, karamihan ng AIs dito ay liquid form kaya mahirap silang patayin ng mga normal hits. Ang weakness nila ay skills, at ang madalas na may mas malaking damage sa kanila ay mga magic skills,” wika ni Cruxade nang nasa harapan na nila ang isang kagubatan na may mga mahahabang katawan na puno na may bungkos ng mga dahon na puro pabilog ang hugis. Maririnig nga rin mula roon ang mga sigaw at huni ng mga kung ano-anong AI na naninirahan dito. “Ano ang average levels ng mga AIs diyan?” tanong naman ni Laxus na nakakaramdam na ng excitement sa pagpasok sa area na ito matapos ang ilang oras nilang paglalakad. “Level 10 ang pinakamahina at minsan ay may mga lumilitaw na level 15,” sagot naman ni Saki na seryosong nakatingin kay Laxus. Kasama na rin sa pitong araw na paglalakb