IPINAKILALA na nga ni Cruxade ang kanyang malalakas na kasamahan sa Axis at nagpakilala na nga rin sina Laxus sa mga ito. Ito ay bilang tanda ng kanilang pag-aalyansa sa isa’t isa. Agad nga ring ipina-upgrade ni Cruxade ang lahat ng weapons ng mga kasamahan ni Laxus para ang maging maximum levels ng kanilang mga sandata ay level 30. Noong una nga ay ayaw pa sana itong tanggapin nina Herald kasi parang hindi raw nila pinaghirapan ang pagbili ng mga rare items sa Gladius Village, kaso, nang si Laxus na ang magsalita ay wala na silang nagawa kundi ang tanggapin iyon. “Tanggapin na ninyo… Mas magiging malakas ang mga sandata ninyo dahil diyan at isipin na lang ninyo na rewards sa game ang binigay nila,” seryosong winika ni Laxus habang seryosong tumitingin ng mga panindang items sa loob ng s