KINABUKASAN ay maaga ngang gumising sina Laxus at habang sila nga ay kumakain sa isang restaurant sa Haze Village ay alerto pa rin sila habang nakamasid sa paligid. Matapos kasi ang ginawa ni Laxus kay Hax kahapon ay alam nila na pwedeng may mangyaring hindi maganda sa kanila mula sa mga members ng North Triangle Guild anumang oras. May mga members ng guild na iyon sa paligid at pansin nila na parang nakamasid ang mga ito sa kanila kaya nga agad silang nagmadaling umalis mula sa village na iyon. Dito na nga nila unang nakasagupa ang unang grupo ng guild na iyon na naglakas ng loob na sila ay harangin bago tumuloy sa Mist Mountain. Wala naman ito sa level ng malalakas pero ang weapons ng mga ito ay masasabing malalakas na rin dahil lampas sa level 10 ang mga ito. Dito na nga umabante sina