Chapter 4

2614 Words
BAGO sumikat ang araw ay nakabalik na si Trivor sa mansiyon ni Dario sa Cagayan De Oro. Naabutan pa niyang nagpupulong ang ilang miyembro sa pangunguna ng pinuno nilang si Dario. Ang paksa ng mga ito ay tungkol pa rin kay Dr. Dreel at sa mga plano nito. Hindi na siya humabol dahil alam naman niya ang gagawin. May sarili siyang diskarte. Nasalubong niya si Erron sa may hallway patungo sana siya sa kuwartong inuukupa niya. Mabuti na lang nagawa nang baguhin ni Erron ang sarili nito. Malaking tulong sa pagbabago nito si Natalya. “Nabawi ko na ang panyo ko kay Natalya,” sabi nito nang huminto ito sa tapat niya. “Did you found the code?” he asked. Dinukot ni Erron sa bulsa ng pantalon nito ang nakatuping panyo saka inabot sa kanya. Pagkakuha sa panyo ay kaagad niya itong iniladlad. “Napatakan ko na ng dugo ko ang panyo kaya visible na ang code. Take it,” anito. Lumitaw na nga sa panyo ang code na kailangan niya. Late na niyang nalaman na nasa panyong iyon pala isinulat noong matandang nakakaalam sa code na makakapagbukas sa piitan ng labi ng kanyang ama. Kinuha niya kay Erron ang panyong iyon noong nangpanggap siyang miyembro ng mga black blood vampire upang makapasok sa teretoryo ng mga ito. Sa puder kasi ng mga ito naninirahan ang namumuno sa piitan ng mga namatay na bampira. Sa panyong iyong naisulat ng matanda ang code gamit ang invisible ink-na magiging visible lamang kapag napatakan ng dugo ng isang black blood vampire. Nagkagulo na noon at hindi makapagsalita ang matanda kaya hindi niya napansin na isinulat pala sa panyo ang code. Napunta ang panyo kay Natalya, noong gamitin niya itong panali sa sugat nitong nakagat ni Erron. Bata pa noon si Natalya. Kaya gusto niya na magsilbi si Erron kay Natalya upang makabawi sa kasalanan nito. Hindi naman niya inaasahan na magkakamabutihan ng loob ang dalawa. He was against at first, but lately, Erron proved that he could change and he did. He’s proud to his friend. Since napadpad sila sa Pilipinas, si Erron ang unang nakapalagayan niya ng loob. Maliban sa ito ang nag-introduce sa kanya kay Dario, ito rin ang tumulong sa kanya upang makapasok siya sa teretoryo ng mga ito at makausap ang tagapangalaga ng piitan ng kanyang ama. “Makukuha mo na ang bangkay ng iyong ama,” sabi ni Erron. Kinabisado lang niya ang code na combination ng dalawang litra at apat na numero. “Thanks,” aniya. Ibinalik din niya kay Erron ang panyo. “Matutulog muna ako. Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa misyon,” sabi nito saka tinapik siya sa balikat. Dumeretso naman siya sa kanyang kuwarto. Hindi na siya nagulat nang madatnan niya roon si Marco na nakahiga sa kanyang kama ay kumakain ng ice cream. Marco can’t live without ice or cold surface in his surrounding. Ito ang tagapangalaga ng mga legendary ocean katulad na lamang ng Red Sea sa Middle East. “I thought you’re not going to stay here. I have your permission to use your room,” wika nito. Ang weird nitong kumain ng ice cream, kinakamay nito kahit may kutsara naman. Kapag hawak nito ang ice cream, hindi ito nalulusaw kahit matagal nitong ubusin. Nagpu-produce ng yelo ang katawan nito. Kaya nitong gawing snow land ang buong lugaw. “Wala akong duty sa law firm,” tugon niya. Naghubad siya ng lahat ng saplot niya sa katawan. Gusto na niyang maligo. “I smell something famine from you. Nakipag-s*x ka sa babae, ‘tama?” pilyong puna nito sa kanya. Nag-iinit ang ulo niya sa tuwing iniisip ng mga kasama niya na bumalik ang obsession niya sa s*x. “Wala na akong panahon sa mga babae,” aniya. “Pero amoy ko ang babae sa katawan mo,” giit nito. Ang talas talaga ng pang-amoy nito. “Tinulungan ko lang ‘yong pinsan ni Natalya na malapit nang mapahamak sa bar.” Umupo nang maayos si Marco. “Ah, si Karen?” tumbok nito. “Yeah. She’s drunk.” “Maganda ‘yon, ano?” Pilyo ang ngiti ni Marco. Kahit kailan talaga ay mabilis itong ma-attract sa magagandang babae. “Wala akong interest sa pisikal niyang katangian,” sabi niya. “Then, anong’ng ginawa mo sa bar kung saan mo siya nakita?” usig nito. “I am searching for vampires. Lately, most of the victims are found in a bar. Iniimbestigahan ko rin ang bar na iyon dahil sa report na natanggap ko. Isang bampira raw ang owner ng bar na iyon.” Dinila-dilaan ni Marco ang kamay nitong may ice cream. “You’re a busy person, yeah. But I know, sometimes you are yearning with s*x,” sabi pa nito. “I didn’t mind that.” Lumapit na siya sa banyo. “Mukhang hindi maganda ang last s****l experience mo. Na-trauma ka ba?” Natigilan siya. Marco has a point. Yes, na-trauma siya dahil sa maling babaeng nakatalik niya. Hindi na lamang siya kumibo. Bubuksan na sana niya ang pinto. “Sayang ‘yang manhood mo, maganda ang hubog, maraming mapapaligayang babae ‘yan. Ilang taon mo na bang hindi nagagamit ‘yan? Baka barado na iyan,” sabi pa ni Marco, obvious na gusto siyang asarin. Konti na lang ay dudurugin na niya ang bituka nito. Binato niya ito ng mahayap na tingin. “Do you know how to manage a stomach pain with bleeding inside?” napipikong sabi niya rito. “Relax, Triv. I’m just bored, you know,” anito. “f**k you!” Tinalikuran na niya ito. Pumasok siya sa banyo at naligo.     “DRACULA? Ikaw ba ‘yan?” nakakalokong tanong ni Karen kay Trivor. Emotionless na tumingin lang sa kanya si Trivor. Ito ang nadatnan niya sa kuwarto ni Devey. Naroon siya sa bahay ng pinsan niyang si Martina para sunduin sana ang pamangkin niya. Nakahiga kasi si Trivor sa kama ni Devey. Tuwid na tuwid pa ang pagkakahiga nito at tanging itim na boxer ang suot. “Do you know how to knock on the door?” tanong nito sa matigas na tinig. “Ah, eh…” napalunok siya nang maglakbay ang paningin niya sa flat na puson ni Trivor na mayroong nagkaparte-parteng muscles. “Bakit kasi narito ka? Nasaan si Devey?” pagkuwan ay tanong niya rito. “Binabantayan ko si Devey,” sagot nito. Nakatitig na ito sa kisame. “Nasaan ba kasi si Devey?” naiinip niyang tanong. Nakatayo pa rin siya sa bukana ng pinto at nakapamaywang. “Nasa toilet, may diarrhea,” tugon nito. Napasugod kaagad siya sa banyo ni Devey. Naroon na rin ang toilet. Nakapo sa trono ang sampung taong gulang niyang pamangkin. “Tita Karen! What are you doing, huh?” inis na sabi ni Devey. “Uy, uminom ka ng gamot! Mamayang gabi pa uuwi ang Mommy at Daddy mo dahil kailangan obserbahan si Deniella sa mansiyon!” palatak niya. Tumawag kasi sa kanya si Martina na kunin muna si Devey at dalhin sa bahay niya after ng duty niya sa ospital. May sakit kasi ang anak ni Martina na babae at dinala sa mansiyon ni Dario upang gamutin sa proseso ng mga bampira. Biglaan ang nangyari. Three years old pa lang si Deniella at mahina ang katawan. “Nabigyan na ako ni Tito Trivor ng gamot!” nayayamot na sabi ng bata. “Anong gamot ‘yon?” nakapamaywang na tanong niya. “I don’t know. It didn’t work,” reklamo nito. Binalikan niya si Trivor. Nakapikit na ito. Kinalabit niya ang dibdib nito. Dibdib talaga? Nagmulat naman ito ng mga mata. “Anong gamot ang pinainom mo sa pamangkin ko, ha?” nakapamaywang na tanong niya rito. “Nakalimutan ko ang pangalan. Si Martina ang nagbigay sa akin,” tipid nitong sagot. “Nako! Baka hindi iyon puwede sa bata! May pagkaalinganga pa naman minsan si Martina kapag natataranta!” Palakad-lakad siya sa tabi ng kama. “Baka may nakain na kung ano ang mga bata kaya nagkakasakit. Itong si Martina kasi, may pagka-engot din, eh. Dalawa na ang anak, parang hindi pa kabisado maging ina,” palatak niya. “Ang ingay mo,” reklamo ni Trivor. Lumuklok siya sa paanan nito. “Kanina ka pa ba rito?” pagkuwan ay tanong niya rito. “I’m just arrived,” tipid nitong sagot. “Hindi mo ba alam kung ano ang nakain ng mga bata?” “Nope.” “Baka naman-” “Nagkakasakit sila dahil hindi sila nakakainom ng dugo,” putol nito sa pagsasalita niya. Sinipat niya si Trivor. Sa halip na sa mukha nito siya titingin at sumabit ang paningin niya sa nakabukol sa pagitan ng mga hita nito. Shit ang laki! Napalunok siya. Napako na roon ang paningin niya. “You can stay here. Huwag mo nang dalhin kung saan si Devey,” sabi nito saka ito umupo. Awtomatikong umangat ang tingin niya sa nangangalit nitong abs. Pakiramdam niya’y idinadarang siya sa apoy. Umisod pa palapit sa kanya si Trivor kaya mas malapitan niyang napagmamasdan ang katawan nito. “Ang hot, s**t!” bulalas niya at kunwari ay naiinitan. Pinaypayan niya ng kamay ang kanyang sariling mukha. “Stay here with him. Magtatrabaho lang ako,” he said in a husky voice. Lalo siyang nag-init. Sa tagal niyang nakikita si Trivor, ngayon lang ito uminit sa paningin niya. Though he was naturally hot and handsome, she didn’t appreciate this because of his dark side. Ayaw talaga niya sa bampira, ever since na nag-exist ang mga ito. Puwera na lang kay Dario na ini-insist na niyang normal lang na tao. Pumantay sa kanya si Trivor. Dinampot nito ang hinubad nitong kasuotan saka doon mismo sa tabi niya nagbihis. Lalo siyang naparalisa habang pasimpleng pinagmamasdan ito. Nakatago na ang sandata nito. Nasinghot niya ang matapang na manly perfume nito. Ang macho pati pabango. Hug me, Attorney! Sigaw ng malandi niyang isip. Nagsusuot na ng itim nitong polo si Trivor. Ngali-ngali niyang sabihin na siya na lamang ang magbotones ng polo nito. Pakiramdam niya’y nalalasing siya sa amoy nito at hotness. Nakasunod ang tingin niya rito kahit nang tumayo na ito. “Take care of him. Babalik ako mamaya before midnight,” habilin nito sa kanya. Kumurap-kurap siya. Hindi man lang siya nakapagsalita hanggang sa makaalis na ito. “Tita Karen!” sigaw ni Devey mula sa banyo. Kumislot siya. Bumalikwas siya nang tayo at patakbong sumugod sa banyo. Nakaupo pa rin sa inidoro si Devey. Nanlalata na ito. Mukhang na-dehydrate na. “Ayaw pa ring tumigil,” reklamo nito. “Uh, wait.” Iniwan niya ito. Tumakbo siya sa kusina at naghanap ng prutas na maaring makatulong. May nakita siyang malaking bayabas. Hiniwa niya ito at inalis ang buto. Pagkuwan ay inilagay niya ito sa blender. Pagbalik niya sa kuwarto ni Devey ay nadatnan niya itong nakaupo sa kama habang puting brief lang ang suot. Namumutla ito at hinang-hina. Pinainom niya ito ng guava shakes. Uminom naman ito. Pinainom din niya ito ng maraming tubig. Hindi naman ito nagreklamo. Humiga lang ito sa kama. Naka-off ang air-con kaya pala ang init. Makalipas ang isang oras na nakatulog na si Devey. Nakahinga siya nang maluwag. Alas-otso na ng gabi. Nakialam na siya sa kusina ng mga Rivas. Mukhang doon na siya magpapalipas ng gabi. Hindi niya puwedeng iwan si Devey. Hindi bale, day off naman niya kinabukasan sa ospital. As always, may baon siyang damit. Dahil wala naman siyang ibang lakad, puting blouse lang dala niya at itim na skinny pants. Mabuti na lang maraming stock na karne at mga gulay sa refrigerator. Siguradong maghahanap ng pagkain si Devey pagkagising nito. Nagluto siya ng nilagang baka. Aware siya na hindi puwede sa bawang ang mga bampira at wala rin naman siyang makitang bawang sa kusina. Gumawa rin siya ng fruit and vegetable salad, apple, lettuce and cucumber. Kahit papano ay marami siyang alam na lutuin. Dahil pinanindigan niyang maging independent, nag-aral din siyang magluto. Nakapagsaing na siya. Walang katulong si Martina kaya palaging magulo ang bahay nito. Naaawa siya sa kanyang pinsan. Hands on itong ina kahit may trabaho ito sa ospital. Mabuti medyo malayo ang age gap nila Devey at Deniella. Pero sadyang masipag lang si Dario. Nasabi ni Martina na parang naglilihi na naman ito. Ang tagal magising ni Devey. Nauna na siyang kumain. Nailigpit na niya ang mga kalat. Nakaupo na lang siya sa couch sa sala habang nanonood ng movie sa telebisyon. May pinapapak siyang popcorn na niluto niya. The movie was suspenseful. Mahilig siya sa ganoong palabas pero ang pinapanood niya ay may halong malalaswang senaryo. Karamihan talaga sa mga foreign suspense movie ay may halong s*x scene. Seryoso siya nang hinahabol na ng killer ang babae. Ito na ‘yong part na suspense talaga. “How’s Devey?” Pumiksi si Karen at naitapon niya ang popcorn dahil sa pagkagulat. Bigla kasing sumulpot sa harapan niya si Trivor at nagsalita. “Ano ba?!” asik niya sabay tayo. Para siyang aatakehin sa puso. Umiling lang si Trivor at tinalikuran siya. Paakyat na ito sa hagdan. Inis na inis siya. In-off na lamang niya ang telebisyon dahil nag-aakyatan na ang mga litra. ‘Tapos na pala ang palabas. Hindi man lang niya nakita kung paano sinaksak ang huling babae. Mamaya ay bumaba ulit si Trivor. “May naluto ka bang pagkain?” tanong nito sa kanya. “Oo,” masungit niyang sagot. “Nagising na si Devey. Dalhan mo na lang daw siya ng pagkain,” anito. “I know.” Tinalikuran niya ito. Pumasok siya sa kusina at pinainit ang nilagang baka. “Ano’ng niluto mo?” Kamuntik na niyang mabitawan ang hawak niyang bowl. Marahas niyang nilingon si Trivor. “Bakit ba pasulpot-sulpot ka na lang at biglang nagsasalita? Papatayin mo ako sa gulat!” asik niya. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Trivor. Seryosong nakatitig lang ito sa kanya. “Malalambot na pagkain lang muna ang ipakain mo sa kanya,” sabi nito. “I know. Sabaw lang at kaunting kainin,” aniya. Hinila ni Trivor ang silya sa tapat ng lamesa. Saka niya naisip na baka nagugutom na rin ito. Pero binawi niya ang concern nang maalala na bampira pala ito. Dugo ang kailangan nito. “Kumain ka na ba?” mamaya ay tanong nito. Natigilan siya. Hindi niya mawari ang damdaming umalipin sa kanya. May something sa tanong nito na tila ba humahagod sa puso niya. Kumalma ang inis niya rito. “Tapos na,” sagot niya sa matigas na tinig. “Ako hindi pa,” sabi nito. Tumikwas ang isang kilay niya. “So? Do you want me to serve your food?” sarkastikong gagad niya. “I didn’t ask you and I don’t want to. Pero kung bibigyan mo ako ng niluto mo, kakain ako. You don’t need to serve me.” Sinipat niya ito na nanlalaki ang mga mata. “Seriously pogi? Carry mong kumain ng niluto ko?” aniya. “Why not? I trust you. I know you won’t put poison on my food,” he said teasingly. Aba’t iba na ‘to, ah. Bagaman seryoso si Trivor pero aywan niya bakit parang ang transparent na nito sa kanya. But wait, it’s not a good sign. Ang bilis pa naman niyang ma-hook sa mga lalaking seryoso, medyo masungit pero may sweetness na hindi obvious pero dama. “Bakit mo naman naisip na maglalagay ako ng lason sa pagkain mo, aber?” usig niya rito. “You obviously hate my guts.” “Because you’re snub. Sa lahat ng kaibigan ni Dario, ikaw lang ang killjoy.” “You’re just lack of attention,” giit nito. Pinagdilatan niya ito ng mga mata. Malamang igigiit na naman nito na KSP siya, kulang sa pansin. Namaywang siya. “Excuse me, gusto ko ng atensiyon pero hindi mula sa ‘yo. Boring ka kayang kasama,” prangkang sabi niya. “Bored but you love gazing at me from behind.” Napatda siya. Paano nito nalaman? Matabang siyang ngumiti nang maalala na may mga special ability pala ang mga bampira. Malamang nalalaman nito ang kilos niya kahit hindi siya nito tingnan. “Tinitingnan kita kasi nawewerduhan ako sa ‘yo,” rason niya. “And what do you think of me?” “Nothing.” Kumibit-balikat siya. “I just hate you the way you ignore your surrounding,” she said. “That’s my nature. Just ignore me too if you don’t like me. Keep doing that.” Napalunok siya. Kakaiba nga talaga itong si Trivor. Tinalikuran niya ito. Kumuha na siya ng sabaw para kay Devey. Pagkuwan ay iniwan niya roon si Trivor. Bahala na itong pagsilbihan ang sarili. Pamangkin lang naman niya ang ipinunta niya roon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD