MAG-UUMAGA na’y hindi pa rin makatulog si Karen. At hindi niya maintindihan bakit sa dami ng puwedeng gumulo sa isip niya ay si Trivor pa. Iniisip na lang niya na dahil iyon sa awkward nilang eksena sa dating apartment ni James. Nakaluklok siya sa gilid ng kama habang ginuguhit ang mukha ni Trivor sa papel. Nag-mukha itong monster sa drawing na nilagyan pa niya ng sungay.
“Trivor, Trivor, Trivor…” bigkas niya habang nakasubsob ang mukha sa papel na ginuhitan niya. Nayayamot na siya.
Maya-maya rin ay hindi niya namalayan na nakakatulog na siya.
DAHIL hindi nagtagumpay si Karen na makakuha ng buhok ni James, ay hindi na siya bumalik kay Rosing. Ika niya’y mag-iisip na muna siya ng paraan kung paano makapaghiganti kay James. Pagpasok niya sa ospital ay agad siyang napasugod sa trabaho. May emergency kasi. Dalawang buntis kaagad ang manganganak nang ka-aga-aga.
Habang nag-a-asist siya sa doktor na sumasagawa ng cesarean operation, umiikot lamang ang isip niya sa babaeng buntis na inu-operahan. Pakiwari niya’y nasa thirty pataas o forty na ang edad ng babae. Bigla niyang naisip ang edad niya. Malapit na rin siyang lumagpas sa kalendaryo.
“Ayan kasi, hinintay pang lumampas sa kalendaryo ang edad bago naisip mag-anak,” wika ni Dr. Rosario, matapos matagumpay na mailabas nila ang sanggol sa sinampupunan ng pasyente.
Nasanay na siya kay Doktora, talagang matalak ito sa pasyente lalo na mga pasaway. Naisip niya ulit ang edad niya. Dalawang taon na lang lalampas na sa kalendaryo ang edad niya.
Diyos ko po! Kailangan ko na palang mag-asawa at magkaanak! nahihibang na paalala niya sa sarili.
Naalala niya, halos lahat ng mga pinsan niya na kaedaran niya o mas bata sa kanya ay may mga asawa’t anak na. Sa batch din nila sa nursing ay siya na lang ang dalaga. Bigla siyang kinilabutan sa naisip niya. Natatakot siya na maranasan ang hirap sa panganganak. Legit na mahirap nang manganak kapag lagpas thirty na ang edad. Marami siyang na-encounter na ganoong pasyente na na-assist niya sa ospital.
“Makunat na si ate kaya hirap nang ilabas ang sanggol,” sabi ni Lily nang inaasikaso na nila ang mga ginamit ng doktor sa delivery room. Nailipat na rin sa ward ang pasyente.
Thirty-nine years old na pala ang babaeng nanganak at first baby pa nito. Talagang mahirap na kaya CS at may hypertension pa. Kapag ganoong age na kasi, naglalabasan na ang mga karamdamang epekto ng aging.
“Ikaw ba, Lily, hindi ka ba nahirapan sa panganganak, e ‘di ba thirty ka na nanganak sa panganay mo?” mamaya’y tanong niya sa kasama.
“Hindi, ah. Ang bilis ko nga mailabas ang sanggol. Athletic kasi ako noon at wala naman akong problema sa kalusugan ko,” tugon nito.
“Ganoon ba ‘yon?”
“Oo, kapag banat kasi ang muscles mo mula noong bata, hindi basta kukunat ang mga muscles natin. Flexible pa rin ito kahit nagkakaedad na. Kaya ikaw, maghanap ka na ng matinong lalaki. Huwag mo nang hintayin si Mr. Right. Huwag ka na rin maghintay kung kailan ka pakakasalan ng lalaki. Isipin mo na kailangan magkaanak ka. Mahirap tumandang walang anak, ano. Walang mag-aalaga sa iyo at magpapalibing pagdating ng takdang oras.” Pumalatak na si Lily.
Lumabi siya. “Bumigay naman ako noon kay Ian, ah. Akala ko nga mabubuntis na ako,” aniya.
“Baka naman wala kang matris.”
Hinampas niya ng dextrose na walang laman sa likod si Lily. Tumawa lang ito.
“Sira! Hindi naman lahat ng first time mo makakabuo na kaagad! Bakit kasi ang malas ko?” pagmamaktol niya. Naalala na naman niya si Ian. Hindi pa rin malinaw sa kanya kung ano ba tlaga ang ikinagalit ni Ian.
Hanggang sa panahong iyon ay pinag-iisipan pa rin niya ang nangyari. Paano ba niya iyon pinagtaksilan? Iginiit pa ni Ian na hinti raw ito ang nakatalik niya noon. Ayaw niyang paniwalaan iyon. Wala naman siyang maalala na nagtaksil siya rito. Minsan na niyang naisip na baka nga dahil hindi talaga ito ang nakatalik niya noon? Pero imposible.
“Alam mo, girl, may mga dahilan ang mga lalaki bakit nila iniiwan ang babae. Maaring hindi ka na mahal, maaring nakatagpo siya ng higit pa sa iyo. Puwede rin na mayroon kang nagawang hindi niya nagustuhan or maybe, he made a mistake and guilt triggered him. Alin man sa mga iyon ang dahilan, parte ito ng isang relasyon. Kung ikaw namang tanga na hindi iyon matanggap, aba’y tanga kang talaga,” litanya ni Lily saka dinutdot ang noo niya.
“Oo na, minsan na akong naging tanga dahil hindi ko alam na matagal na akong niloloko ni James,” sabi naman niya. “Malay ko bang ganoon pala siya kabilis magsawa? At malay ko rin na baka magbago ang isip niya.”
“Ayan!” Dinutdot nitong muli ang noo niya. “Madaming natatanga sa mga Malay na iyan!”
Napapaatras na siya para makaiwas sa kakadutdot nito sa noo niya. “Last na talaga ito. Kapag may lalaking poporma sa akin, sasagutin ko kaagad,” aniya.
“Oo, tapos magpakatanga ka ulit, ha?”
Ngumuso siya. “Grabe rin. Malay mo, sure na talaga ito. Kahit hindi na kaguwapuhan.”
“Paano ka makakahanap niyang kung para kang nagluluksa? Panay ang pa-cute mo sa mga single doctors pero dedma.”
“Mamayang gabi, susugod ako sa bar. Malay mo, may magkamaling yayain akong makipag-date,” sabi niya.
Malayo na siya’y hinabol pa rin ni Lily ang noo niya saka dinutdot ng daliri. “Ayan! Diyan ka talaga magaling, mag-bar, pagkatapos ay malalasing, mawawala sa sarili!” sermon nito.
Bumuntong-hininga siya. “Liquor is my temporary pain reliever.”
“Gaga! Atay mo naman ang mama-marinate niyan! Mag-asawa ka na nang mabago ang lifestyle mo.”
“Fine.” Tumalikod siya at naghubad ng hospital gown.
She knew she’s not an ideal woman. She’s a brat, easy-go-lucky, and trying hard to be independent. Sadyang mapusok lang talaga siya pagdating sa lalaki. Pero kahit ganoon siya, ma-effort siya pagdating sa relasyon.
Kaya masakit kapag niloloko siya ng lalaki. Ang unfair.
HINDI nagbibiro si Karen sa sinabi niya. Nang gabi ngang iyon pagkatapos ng duty niya ay nagtungo siya sa bar na malapit sa dating apartment ni James. Katunayan ay doon sila nagkakilala ni James. Dati ay kasama niya ang mga barkada na pumupunta sa bar, pero since nagsipag-asawa na ang mga iyon ay mag-isa na lamang siya.
Pagpasok pa lamang niya sa bar ay kaagad sumariwa sa isip niya ang mga sandaling kasama niya si James sa lugar na iyon, noong una siyang lapitan ng lalaki. Lasing siya noon. Todo alalay sa kanya ang lalaki hanggang sa magkakuwentuhan sila, nagbigayan ng contact number at niyaya siyang mag-date. Katunayan ay isang buwan lang nanligaw sa kanya si James at kaagad niyang sinagot. Palibhasa matagal din siyang naging single after Ian. Uhaw siya sa pakikipagrelasyon.
Umupo siya sa stool chair sa tapat ng counter at nag-order ng tequila. Marami nang tao sa loob. Mabuti nakapagbihis siya ng pulang dress at two inches red sandals. Palagi siyang may baong damit kapag nagdu-duty kasi hindi inaasahang may pupuntahan siyang party.
Nakatatlong baso na siya ng tequila at nahihilo na siya. Mabilis siyang malasing pero nakakaya na niyang mag-kontrol. Dumodoble na ang paningin niya nang igala niya ang kanyang paningin sa paligid. Pagtingin niya sa drance floor ay nahagip ng paningin niya ang pamilyar na bulto ng lalaki. Nakasuot ito ng itim na leader jacket at itim na pants. May isang dangkal ang haba ng buhok nito na hinabi sa iisang direksiyon palikod ang mga hibla. May iilang hibla lamang na nakatakip sa kaliwang mata nito.
May kadiliman sa bahaging iyon at tanging disco light ang nagsisilbing liwanag. Lalo siyang naduling sa likot ng mga ilaw. Kumabog ang dibdib niya nang magawi sa direksiyon niya ang paningin ng lalaki. Hindi siya mapakali. Talagang pamilyar sa kanya ang bulto nito.
Binayaran niya ang kanyang nainom saka siya pasuray-suray na naglakad patungo sa dance floor. Nakipagsiksikan siya sa mga babaeng mahaharot sumayaw. Minsan pa siyang maitulak ng isa pero binalewala niya. Malapit na siya sa lalaking tinitingnan niya nang maglakad ito patungo sa hagdan at umakyat.
Sinundan pa rin niya ito. Sa second floor ay mya mga nag-iinumang by group. Mga VIP kung tawagin. Pinagtitinginan siya ng mga tao roon. Nahihilo lalo siya sa amoy ng sigarilyo at halo-halong alak. Nakita niya ang lalaki na umakyat sa isa pang hagdan. Sinundan pa rin niya ito.
Nasa roof top na siya. Medyo madilim doon pero namataan niya ang lalaki na tumalon. Wait, tumalon? Kumurap-kurap siya. Napasugod siya sa gilid ng rooftop na may railing na bakal. Ang taas na niyon. Kung tumalon doon ang lalaki, siguradong patay ito. Wala naman siyang makitang katawan sa baba.
Kumislot siya nang may malakas na kamay na humaklit sa kanang braso niya. Marahas niya itong hinarap. Naningkit ang mga mata niya habang inaaninag ang mukha ng lalaking nakasuot ng itim na polo at denim pants. Isa lang ang sigurado niya, lasing ito at hindi mapagkakatiwalaan ang mukha.
“Nag-iisa ka ata, Miss. Sumama ka sa akin, paliligayahin kita,” pangahas na sabi nito.
Pilit niyang iwinawaksi ang kamay nito ngunit malakas ito. “Ano ba! Bitiwan mo ‘ko!” asik niya. Lalo siyang nahihilo sa tuwing gagalaw siya.
“Huwag ka nang mag-inarte!” anito at marahas siyang hinatak palapit dito.
Sumubsob siya sa matigas nitong dibdib pero lalo siyang nahilo sa amoy nito. Amoy panis na alak ito at parang hindi ata naligo. Amoy bulok na sibuyas ang gago.
“Pwe! Ang bantot mo!” angal niya. Nagpumiglas siya ngunit lalo lamang siya nitong ginapos.
“Bitiwan mo ‘ko!” asik niya ngunit wala siyang lakas upang makalaya.
“Huwag ka nang magpumilit, hindi ka makakatakas. Huwag kang mag-alala, masisiyahan ka rin. Ang ganda mo pa naman,” anito at akmang hahalikan siya ngunit in-head bat niya ang mukha nito.
“Ugh!” daing nito ngunit hindi siya tuluyang nabitawan. Lalong humigpit ang kapit nito sa braso niya.
Hindi na niya malaman ang kanyang gagawin. “Tulong!” sigaw niya ngunit tinakpan ng kamay nito ang bibig niya. Ginapos siya nitong muli at kinaladkad patungo sa mas madilim na lugar.
She can’t scream. She just felt panic knowing that this guy was about to slay her. Napaiyak siya nang itulak siya nito padikit sa matigas na dingding. Hindi ganoon ang gusto niyang mangyari sa bar na iyon. She’s hoping that she would find a guy like Ian and James, but it ended a nightmare.
Akmang hahalikan siya ng lalaki pero bigla itong tumalsik. Napapikit pa siya at napasalampak sa sahig nang manlumo ang mga tuhod niya. Hinang-hina siya dahil sa epekto ng alak sa katawan niya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay namataan niya ang lapastangang lalaki na nakahandusay sa sahig at duguan ang mukha.
Napatingin siya sa matangkad na lalaking nakatalikod. Nakasuot ito ng itim na turtle neck jacket at itim na pantalong maong. Sa takot na saktan din siya nito ay napatakbo siya na walang direksiyon. Natataranta siya. Natigilan siya nang mamalayang nasa railing na siya ng rooftop at malapit nang mahulog. Mabuti na lang may malakas na kamay na sumalo sa dibdib niya.
Wait, bakit sa dibdib pa niya ito nakahawak? Pansamantala siyang nahimasmasan. Kaagad naman nitong naibaba ang kamay sa kanyang baywang at tuluyang siyang hinatak palayo sa railing. Pagpihit niya paharap dito ay mukha ni Trivor ang nakita niya. Kumurap-kurap siya.
“Hey boy! Are you a joke?” wala sa huwisyong tanong niya rito.
“Shut up!” asik nito at walang nau-ano’y binuhat siya nito.
Nagpupumiglas siya ngunit balewala ang lakas niya sa lakas nito. Pinagsusuntok niya ito sa dibdib pero parang bato sa tigas ang dibdib nito.
“s**t! Ang sarap ng tigas!” nahihibang na bulong pa niya.
Paglabas ng bar ay inihagis siya ni Trivor sa loob ng backseat ng kotse nito. Lalabas pa sana siya pero nai-lock nito ang pinto.
Pagkuwan ay sumakay na rin ito at kaagad na binuhay ang makina ng sasakyan.
“Hey! Saan mo ako dadalhin?” tanong niya rito sa malumanay na tinig.
“Sa mental hospital,” seryosong sagot nito.
Umangat siya at pilit itong abutin. “Ibaba mo ako!” asik niya habang hinahaklit ang balikat nito.
Wala lang itong kibo. Naka-focus ito sa pagmamaneho. Nang hindi pa rin siya nito pansinin ay kinagat niya ang balikat nito.
“s**t!” he cursed.
Napilitan itong ihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Pinilit naman niyang mabuksan ang pinto pero ayaw talaga.
“Ano ba? Buksan mo naman ‘to!” nayayamot na sabi niya rito.
“I’ll bring you home,” sabi nito.
“Bakit ba nakikialam ka?”
“You’re careless. Kung hindi ako dumating, baka nahalay ka na ng walanghiyang lalaking ‘yon,” anito na nagpatahimik sa kanya.
Ganoon pala ang nangyari. Tinulungan siya nitong makaligtas sa manyakis na lalaking iyon. Pero nagtataka siya bakit natunton sila ni Trivor? Ano naman ang ginagawa nito sa bar?
“So, nagkautang pa pala ako sa ‘yo ngayon,” aniya saka humalukipkip.
“Stay there,” sabi lang nito saka muling pinausad ang sasakyan.
Tahimik na rin siya dahil ginugupo na siya ng antok.
NAKATULOG na si Karen. Mabuti naalala pa ni Trivor ang bahay nito. Minsan na siyang nakarating doon noong hinatid niya si Martina. Hinanap niya ang susi sa bag nito. Nang makuha ang kumpol ng susi ay binuksan na niya ang gate.
Pagbukas niya ng gate ay nahagip ng paningin niya ang kalilipad na malaking itim na ibon. Nakaramdam siya ng presensiya ng isang bampira. Hinalughog niya ang bakuran. Nakaalis na ito. Hindi siya sigurado kung ano ang pakay ng bampira na ‘yon. Matagal nang naglipana ang masasamang bampira sa lugar na iyon.
Hindi ligtas si Karen sa tahanan nito lalo at mag-isa lang ito roon. He decided to stay with her until late morning, just to secure the area. Alam niyang babalik ang bampirang iyon kung talagang pakay nito ang dalaga.
Ipinasok na lamang niya ang kanyang kotse sa loob ng bakuran. Pagkuwan ay dinala na niya ang nahimbing na dalaga sa kuwarto nito. Maraming kuwarto pero siyempre, alam niya kung saan ito nagkukuwarto dahil sa amoy ng silid. Naamoy niya ang amoy nito sa silid na iyon. At iyon lamang ang kuwartong maraming kagamitan.
Habang tulog ito ay paikot-ikot lang siya sa bakuran. Once bumalik ang bampirang iyon, siguradong hindi lang ito basta napadpad, talagang pakay nito si Karen. He must be aware of those kind of vampires. Malamang ay alagad ito ni Dr. Dreel na nangongolekta pa rin ng dugo.
Last week, may isang blood bank na nilusob ng mga bampira at kinuha ang mga stock na dugo. Hindi pa rin nila mapigil ang mga ito. Patuloy pa rin ang pagpaslang ng mga ito sa mga tao at kinukuha ang mga lalaki.
Nang matiyak na payapa na sa labas ay binalikan niya sa kuwarto si Karen. Hindi na niya ito pinakialaman kahit naliligo ito sa pawis. Aalis na sana siya nang biglang umungol ang babae. Nilingon niya ito.
“Ian…” sambit nito.
May kung anong sumalpok sa dibdib niya. Noon na muli niya naisip si Ian, ang kaibigan na pinagtaksilan niya. His guilt triggered him, that’s why he doesn’t want any commitment with Karen. Sa part ni Ian siya naduwag. He made an unexpected mistake na hanggang sa panahong iyon ay inuusig siya. It’s a big deal for him.
Hindi naman kasi siya ang tipo na nakikialam sa buhay ng mga tao. He was also an independent vampire. He doesn’t care about the issue of a different families. Only his father fights for their freedom and that fact tortured his conscience.
Duwag naman talaga siya dahil dinalikuran niya ang kanyang ama na mag-isang nakipaglaban para sa kalayaan nila sa kamay ng abusadong pinuno ng kanilang angkan. Namatay ang kanyang ama na wala siya sa tabi nito. Dahil mas pinili niyang mahanap ang kanyang ina na matagal na palang namatay. May dugong pinoy ang kanyang ina na isang gabi lamang nakasama ng kanyang ama.
Late na niyang na-realize na mali ang desisyon niya na umalis sa puder ng kanyang ama. Namatay iyon na walang kalaban-laban. Kaya gusto niya itong buhayin muli at iparanas dito ang payapang pamumuhay.