“O, bakit napadalaw ka? May ipapakulam ka ba?” tanong ni Rosing kay Karen, nang sadyain niya ito sa bahay nito sa Lapu-lapu City.
Nakilala niya ito noong high school siya. Madalas kasi siyang nagpapahula rito. May kakayahan itong gumamit ng black magic. Marami na itong napatunayan sa mga naging kliyente nito. May mga hula na rin ito sa kanya na nagkatotoo, tulad na lamang ng karanasan niya kay Ian—ang lalaking unang minahal niya ng lubos ngunit iniwan siya. Nang dahil kay Ian ay minsan na niyang tinangkang magpakamatay ngunit may pakialamerong sumagip sa kanya habang nalulunod siya sa dagat. Hanggang sa panahong iyon ay hindi pa rin niya nakilala ang nagligtas sa kanya lalo at hindi niya nakita ang mukha dahil kaagad iyong tumikod. Nahihilo pa siya noon.
“Iniwan ka na naman ng lalaki, ano?” hula kaagad ni Rosing sa kanya.
“Bakit mo alam?” aniya nang makaupo na sila sa papag sa kuwarto nito.
“Hm, kilala na kita, day. Sa hitsura mo palang alam ko nang depress ka. Wala ka naman ibang inintindi kundi mga lalaki. Hindi ka pa rin talaga natuto,” anito at kaagad naglitanya.
“Malas na ba ako?” nakabusangot na tanong niya.
“Nagkataon lang na ipinanganak kang tanga,” walang abog na sabi nito.
Inirapan niya ito. “Huwag mo na akong insultuhin,” angal niya. “Oo, nandito ako dahil may gusto akong ipakulam,” aniya pagkuwan.
“Ang lalaking nanloko sa iyo, iyon ba ang ipapakulam mo?”
“Oo. Kasuklam-suklam ang ginawa niya sa akin kaya hindi puwedeng ako lang ang magdusa.”
“Sigurado ka na ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Rosing. Bumuntong-hininga ito. “Pinapaalala ko sa iyo, hindi madali ang ipinapagawa mo sa akin. Posibleng mapatay mo ang lalaking iyon.”
“Ganoon talaga ang gusto kong mangyari sa kanya, Rosing!” desididong sabi niya.
“E bakit hindi mo na lang siya lasunin?”
Umangat ang sulok ng labi niya. “Hindi gano’n. Gusto ko ‘yong hindi niya alam na ako ang may gawa,” sabi niya.
“Uh, o sige. Pero kailangan mong bumunot ng ilang hibla ng buhok sa ulo niya.”
Napangiwi siya. “Ano? Paano ko gagawin iyon, e wala na nga kami, ‘di ba?”
“Basta gumawa ka ng paraan para makuhaan siya ng buhok kung talagang gusto mo siyang ipakulam.”
Hindi na lamang siya kumontra. “O sige. Maghahanap ako ng tiyempo.”
Kinabukasan ng gabi ay nagsadya si Karen sa apartment na tinutuluyan ni James. Alam niya naroroon pa ito. Wala naman itong bahay roon dahil taga-Mactan ito. Wala ang may-ari ng apartment kaya hindi niya natanong pero sabi naman ng boarder na natanong niya ay nakita pa nito noong isang araw si James. Sinadya niyang sumugod ng alas-onse ng gabi nang masigurong tulog na ito.
Nasa kanya pa rin ang duplicate ng susi ng unit nito na ibinigay nito sa kanya noon. Kilala siya ng mga boarders at may-ari ng apartment dahil madalas siya roon noong sila pa ni James. Pagpasok niya sa loob ay nakapatay na ang ilaw sa sala. Pagkuwa’y dahan-dahan siyang pumasok sa kuwarto na madilim na rin ngunit naaninag niya ang bulto ng lalaki na nakadapa sa kama at mukhang mahimbing na ang tulog.
Siniguro muna niya na mahimbing na ang tulog nito. Pagkuwan ay mahinhin siyang humakbang palapit dito. Hindi na siya namili ng buhok na bubunutin niya. Mabuti na lang at medyo mahaba ang buhok nito at madali nang bunutin.
Hindi siya natatakot na baka magising ang lalaki. Kilala kasi niya si James kapag natutulog, para itong mantika na kahit saktan ang balat ay mahirap gisingin. Ngunit isang hibla pa lamang ng buhok ang nabunot niya ay biglang bumangon ang lalaki. Nagulat siya at hindi na nagawang magtago nang bigla itong bumaba ng kama at binuksan ang ilaw.
Boom! Huli!
Teka, wait, sino ‘to? Hindi ang walanghiyang ex niya ang nasa harapan niya!
Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa lalaking walang ibang suot kundi itim na boxer short. Gulat na gulat din ito nang makita siya.
“Ano’ng ginagawa mo rito?!” nagkasabay pang tanong nila sa isa’t-isa.
Nagimbal si Karen nang makita si Trivor sa kuwarto ng dati niyang nobyo. Bakit ito naroroon? Kilala ba nito si James? Pinagpapawisan siya ng malamig. Nanunuyot ang kanyang lalamunan. Hindi niya nasaway ang sarili na suyurin ng tingin ang kabuoan ng lalaki. Halos perpekto ang hubog ng katawan nito, mula sa matipunong dibdib at mga braso maging sa puson na may nagkaparte-parteng abs na nalalatagan ng pinong balahibo.
Nang tumalikod ang lalaki upang damputing ang itim na kamesita nito sa silya ay natulala siya. Nasilayan niya ang pamilyar na tattoo sa likod nito, isang imahe ng isang alakdan. May tattoo rin itong sa kaliwang braso na mga litrang nakasulat sa Arabic. Kilala niya ang Arabic letter dahil may kaklase siya noong magaling mag-lettering pero hindi niya kabisado ang alphabet ng mga ito. Litrang ‘A’ at ‘T’ lang ang kilala niya.
Napaisip siya sabay gunita kung saan nga ba niya nakita ang ganoong tattoo. Hindi na niya maalala pero pamilyar sa kanya. Nang humarap ulit sa kanya si Trivor ay nagsuot na ito ng damit. Napansin niya ang maliit na tattoo nito sa kaliwang kamay na may imahe ng half moon na may mata sa gitna. Nakita rin niya ang ganoong tattoo sa kamay ni Dario. Simbolo ata iyon ng sangre organization.
“You’re trespassing, lady. What the hell are you doing here, huh?” masungit na tanong nito.
Kumislot siya nang marinig niya ang baritonong boses ni Trivor. Nakalimutan na niya ang gumugulo sa isip niya.
“Uhm.. kuwan… Teka nga! Bakit ako ang tinatanong mo?” aniya nang ma-realize ang nangyayari. “Ikaw, ano ang ginagawa mo rito sa apartment ng boyfriend ko?” tanong niya rin dito.
“Kuwarto ng boyfriend mo?” kunoot-noong untag nito
“Oo, boy—” Bigla niyang naisip na hindi na pala niya boyfriend si James dahil ipinagpalit na siya nito sa iba. “I mean… ex-boyfriend ko,” pagtatama niya.
Napalunok siya nang mahagip muli ng paningin niya ang naghihimutok na mga abas ni Trivor na hindi natakpan ng damit nito dahil nakalukot ang laylayan. Saka lamang nito iyon inayos nang siguro’y mapansing nakatingin siya sa puson nito. Pa-virgin lang boy?
“Wala akong pakialam sa ex-boyfriend mo. It’s my room,” anito nang maisuot ng maayos ang damit.
“Your room?” aniya. Balisang iginala niya ang paningin sa paligid. Tama ito, kuwarto na nga nito iyon dahil hindi na niya nakikita ang mga gamit ni James.
Uminit ang mukha niya at tila kumapal ng ilang layer dahil sa pagkapahiya.
Kung ganoon pala ay nakalipat na ng tirahan ang walanghiya niyang ex. Tuluyan na talaga siyang tinalikuran. Naisip niya na marahil ay nagsama na si James at ang babae nito. Lalo lamang uminit ang dugo niya sa dating nobyo. Baka umuwi na ito sa Mactan kasama ang babae at doon na itutuloy ang trabaho bilang architect.
“Leave my room before I call the security!” galit nang sabi ni Trivor.
Binato niya ito ng mahayap na tingin. “Excuse me, nagkamali lang ako ng pinasukan. Dati naman talaga itong kuwarto ng ex ko,” palabang turan niya.
“I don’t care who your damn boyfriend is! Get out!” pagtataboy nito.
“Aba’t wala kang respeto sa babae, ah!” asik niya. Siya pa talaga ang matapang, ah. Namaywang pa siya. “Lalabas ako kahit hindi mo sabihin! Sungit talaga nito kahit kailan,” aniya habang nagdadabog na tinungo ang pinto.
Nang hawak na niya ang seradura ng pinto ay huminto siya saka muling nilingon ang lalaki. Nagulat siya nang mamataang nakatingin ito sa kanya.
“What are you looking at?” suplado nitong tanong. At ito pa ang may ganang magtanong samantalang ito ang titig na titig sa kanya.
Tumikwas ang isang kilay niya. “You’re looking at me, tapos ikaw ang magtatanong ng ganyan?” mataray na buwelta niya. Sinuyod niya ito ng tingin.
“Tinitiyak ko lang na wala kang binitbit palabas,” anito.
“Aba’t pinagbibintangan mo pa akong magnanakaw?” shocked na saad niya. “Ano naman ang nanakawin ko sa iyo? p*********i mo? Hello? Hindi ako natatakam sa bampira! Lalo ka na!” singhal niya sabay duro rito.
“Bakit ka pinagpapawisan? Nakabukas naman ang air-con ko,” simpatikong sabi nito.
Biglang may kung bumara sa lalamunan niya at hindi na niya magawang magsalita. Ni paglunok ay hirap siyang gawin nang mamataan ito na humahakbang palapit sa kanya. Nagulat siya nang hawakan nito ang kaliwang kamay niya at may kinuha ito roon.
“It’s my hair,” sabi nito saka kinuha ang isang hibla ng buhok nito sa kamay niya.
Napangiwi siya. Hawak pa pala niya iyon? “Uhm, akala ko nga kasi ikaw ang ex ko,” aniya.
“May balak ka bang ipakulam ako?” seryosong tanong.
Nawiwerduhan talaga siya sa lalaking ito. Hindi talaga kayang ngumiti kahit mukhang nagbibiro. “Ah, e…” nablanko na ang isip niya.
“May galit ka ba sa akin?” tanong nito pagkuwan.
Napilitan siyang titigan ito sa mga mata. “W-wala. Sabing hindi dapat ikaw ang bubunutan ko ng buhok, ‘yong ex ko. Sorry na,” naiilang nang sabi niya. Hindi talaga oobra ang karesma niya pagdating kay Trivor. Wala ata itong sweet bones or s****l hormones.
“Bakit?” tanong nito.
“Ano kasi… niloko niya ako. He deserves to suffer too.” Hindi na niya napigil ang sarili na maglabas ng saloobin at kay Trivor pa talaga, ah. “May nabuntis siyang ibang babae at binalewala na niya ako.” Naging emosyonal na siya.
“He’s nobody. Forget him, he doesn’t deserve you. You’re right, he deserved to suffer too,” komento lang nito.
Kumurap-kurap siya. Si Trivor ba talaga ito? Is he talking to her seriously like this?
Natigilan siya. Hindi niya inaasahan na marinig ang mga iyon mula mismo kay Trivor, na kilala niyang walang pakialam sa paligid lalo na malamang sa katulad niya. “What did you say?” maang niya.
“May kaibigan akong pumapatay ng mga lalaking nananakit ng mga babae.”
Bigla siyang kinabahan. “Okay, I have to go,” aniya saka ito tinalikuran.
Ngunit hindi pa man niya nabubuksan ang pinto ay nahagip na nito ang kanang braso niya. Napilitan siyang harapin itong muli. At sa kanyang pagharap ay sumubsob ang mukha niya sa matigas na dibdib nito. Tila may kung anong bumundol sa dibdib niya at bigla na lamang tumulin ang pintig ng puso niya.
“Gusto ko lang sabihin sa iyo na may mga bampirang mas masarap magmahal kaysa mga tao.” Iyon lang saka siya nito binitawan.
Hindi na siya umimik. Tuluyan na lamang siyang lumabas ng kuwarto nito.
Habang lulan siya ng tricycle pauwi sa apartment na tinutuluyan niya ay hindi mawaglit sa kukoti niya ang natuklasan kay Trivor. Matagal na niya itong kilala pero iyon lamang ang pagkakataon na nakita niya itong walang damit pan-itaas. Madalas kasi itong balot na balot ng itim na kasuotan. Maging kamay nito ay bihira na walang suot na itim na gloves na yari sa balat ng hayop.
Kung dati ay binura na niya sa listahan ng mga nahuhumalingan niyang lalaki si Trivor, ngayon ay tila nanumbalik ang interes niya rito. Gusto niyang ipagpatuloy ang pagkilatis dito. Pakiramdam kasi niya’y nakita na niya ito na mas maaga pa sa mga panahong iyon, o maaga pa sa nakaraang mga taon na nakilala niya ito.
“Hay! Ano ba namang kamalasan ito?” maktol niya nang palabas na siya sa gusali.
Umuwi na lamang siya sa bahay nila.
Mag-isa na lang siya roon dahil parehong nasa Canada ang mga magulang niya. Katunayan ay matagal na siyang pinapasunod ng mga ito roon pero ayaw niya. Nag-migrate na roon ang mga magulang niya at nakapagtayo na ng restaurant business. Ang Papa naman niya ay isang chemical engineer at retired nurse ang Mama niya.
Kahit may sarili na siyang trabaho ay may allowance pa rin siyang natatanggap mula sa mga ito. Dapat ay magkakaroon pa siya ng kapatid pero ilang beses nakunan ang Mama niya at nagkaroon ito ng mayoma kaya tinanggal na ang matres nito.
May isang oras nang nakahiga sa kama si Karen pero hindi pa rin siya makatulog. Ilang gabi na siyang ganoon dahil kay James pero iba naman ngayon. Hindi siya makatulog dahil hindi maalis sa isip niya si Trivor at ang senaryo kanina sa apartment.
Kahit anong aliw niya sa isipan ay sadyang nahahagip ng kukoti niya si Trivor. Parang sumpa na hindi niya maiwasan ang lalaki. Hiyang-hiya rin siya sa nangyari pero nakaya naman niyang itago. But at last, Trivor talked to her even in a short time. It’s a new achievement for her. Weird.
“Ugh! Hindi ako makatuloooog!” nayayamot na sigaw niya.
Bumalikwas siya ng tayo at lumabas ng kuwarto. Solong-solo niya ang bonggalow nilang bahay na may tatlong kuwarto. Katunayan last year lang iyon natapos dahil ang bahay talaga nila ay sa Mactan at old fashioned na walang nakatira pero binibisita naman ng nakababatang kapatid ng Papa niya na lalaki.
Sa tuwing Linggo ay may tinatawag siyang taga-linis dahil wala na siyang time minsan maglinis. Pumasok siya sa kusina at nagtimpla ng gatas. Natutukso naman siyang maglasing pero kailangan na niyang kontrolin ang kanyang sarili. Noong fresh pa ang panloloko sa kanya ni James ay gabi-gabi siyang tumutungga ng beer or brandy. Iyon lang ang paraan upang makatulog siya.
“No, hindi ako maglalasing. It’s enough, Karen. Move on na talaga,” kausap niya sa sarili habang hinahalo ang kanyang gatas sa baso.
Pagkuwan ay lumabas siya ng bahay pero nasa veranda lang siya. Doon niya unti-unting inuubos ang kanyang gatas. Lumuklok siya sa racking chair at inugoy ito nang dahan-dahan. Nakatanaw siya sa labas na tanging bakas na gate ang tinatagusan ng tingin niya.
Hawak niya sa kaliwang kamay ang kanyang cellphone habang nasa kanan ang baso ng gatas. Sinubukan niyang tawagan ang Mama niya sa messenger. Hindi ito sumasagot pero nag-send ng mensahe.
Elma:
How are you, hija? Lasing ka na naman ba?
Napangiwi siya. Palagi na lang ganoon ang tanong ng Mama niya. Naikuwento niya rito noong isang araw ang nangyari sa kanila ni James, natuwa pa ito. Sa simula pa lang na ipakilala niya rito si James ay hindi na nito gusto ang lalaki. Hanggang sa panahong iyon kasi ay si Ian pa rin ang gusto nito para sa kanya.
Karen:
Hindi na ako lasing. Gatas ang iniinom ko.
Elma:
Thanks God! That’s good news, hija. Sige na, matulog ka na.
Karen:
Ok. Love you and Papa.
Elma:
Love you too. Huwag ka nang magpuyat.
Hindi na siya sumagot.
Mamaya ay muli na naman niyang naisip si Trivor. Ang lakas talaga ng impact nito sa kanya.
She smirked while thinking about the scene lately with Trivor. She found it funny. “Tsk! Garabe naman ang awkwardness ng nangyari kanina. Ang bobo ko talaga,” aniya saka pinukpok ang sariling noo. She loves talking to herself when she made an awkward things.
Itinigil niya ang pag-ugoy sa upuan nang may mapansin siyang lalaki na nakatayo sa labas, sa may kabilang kalsada. Nasa lilim ito ng puno ng mahogany na nahahagip ng maunting liwanag mula sa poste ng streetlight. Napatayo siya. A guys wearing a all black suit same with his aura. But wait, he’s posture was familiar to her.
Nang akmang lalapit na siya sa gate ay biglang umalis ang lalaki. Hinabol pa niya ito pero hindi na siya lumabas ng gate nang hindi na niya ito makita. Hindi siya mapakali. Pamilyar talaga sa kanya ang bulto ng lalaki. Natatakpan lang kasi ng may isang dangkal na hibla ng buhok nito ang mukha kaya hindi niya naaninag. Katawan lang kasi niyon ang nasentro talaga ng liwanag at slight lang sa mukha.
“Teka, sino ‘yon?” tanong niya sa hangin.
Natanto niya na mahigpit ang security sa subdivision na iyon. Isa pa, may mga sasakyan lang ang nakakapasok doon dahil malayo sa main road. May lumang scooter siya at iyon minsan ang gamit niya dahil hindi pa siya gaanong marunong mag-drive ng kotse. Hindi niya magamit ang nabiling kotse ng Papa niya na nakatingga lang sa garahe. Minsan naglulyko ang scooter kaya nagku-commute siya.
Imposibleng may naligaw roon na lalaki. O baka kapit-bahay lang. Palibhasa wala siyang pakialam kung sino ang mga kapitbahay niya. Pero bakit doon pa tumambay sa tapat niya ang lalaki at nakatanaw pa sa kanya? Weird talaga.
Nang manindig ang balahibo niya ay pumasok na siya sa bahay.