bc

Chasing A Delafuente (3)

book_age16+
16.3K
FOLLOW
77.2K
READ
billionaire
possessive
arranged marriage
brave
confident
drama
sweet
bxg
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

What if the badboy Delafuente met a badgirl? Celina Enriquez came from a well known family 'Enriquez'. Nag-iisa siyang anak ng pamilyang kinakatakutan rin pagdating sa larangan ng business. Palaban siya at walang kinatatakutan pero maliban sa ama niya. She can punch a guy directly without hesitating. Napakabrutal niyang mag-isip at napakasadista ng mga salita niya. She knew that Delafuente stole her virginity. Yun ang alam niya. Ang iniingatan niya na ibibigay niya sa lalaking mamahalin niya habang buhay ay tuluyang kinuha ng isang lalaking hindi niya nga mahal. Sa paghahabol sa Delafuente na iyon para panindigan ang ginawa sa kanya ay marami siyang madidiskurbe. Lahat ng hindi niya inaakalang bagay ay mangyayari. Handa niya parin bang habulin ang Delafuente na iyon kahit alam niyang nasasaktan na siya para lang ipaglaban ang prinsipyo niya o titigil siya sa kakahabol dahil alam niya sa sarili niyang nagmumukha na siyang tanga. But what if its not just her who keeps on chasing? What if everything turns upside down just in one snap? What if love chased them both? Will love caught them both or they will forever chasing each other.

chap-preview
Free preview
Prologue
Nagising ako dahil sa ulo kong mabibiak na ata. Sandali akong natigilan dahil may mas kumuha ng atensyon ko. I'm lying on a bed with my underwear on hugging something. And definitely, it's not a pillow. Mabilis kong naibuka ang mga mata ko. Mas lalo iyong lumaki nang tumambad sa akin ang isang imahe ng lalaking nakakulob sa pagkakahiga habang nakatalikod at walang suot na damit sa itaas niya. I dont know down there because I wont seriously look down! Sa sobrang gulantang ko ay nagtitili akong bumangon at pinaghahampas siya. Wala ko siyang tigil na hinampas at kahit saang parte ng katawan niya na tumatama ang kamay ko. Pero ang nakakainis lalo dito ay ang tigas ng katawan niya! Ang braso niya! Ang likod niya! I'm with a man! A real man! "Sino ka?! You raped me! Ninakaw mo ang pagkababae ko! Pinagsamantalahan mo ako! How dare you! Jerk! Asshole! Demonyo ka!" sigaw ko habang pinagsasapak siya. Nagising siya sa pinaggagawa ko at agad napaupo sa kama. Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang kabuuan niyang hitsura. Singkit na nakakatakot na titig ng mata, matangos na halimaw na ilong, mapupulang napakadelikadong labi! Gwapo siya pero hindi yan ang concern ko! Siya yung kinwelyuhan ko noong nag Bar kami! What the effin hell! Paano nangyari ang bagay na 'to?! Ito ba yung ganti niya sakin?! Ang nakawin ang pagkababae ko?! Yes Celina! Dahil ipinagsigawan mo sa kanya na virgin ka ng araw na 'yon kaya nagkainteres siya sayo! Now you're done! You lost your precious virginity! Your life is over! Hindi kana virgin! Mas lalo ko siyang pinagsasapak dahil sa mga naisip ko. Agad niya iyong sinangga habang napapadaing sa bawat pagtama ng kamay ko sa kanya. Walanghiya siya! "Ara--Fuck! Aray! Ano ba! Tigilan mo ang kakasapak mo sakin kundi ihahagis kita palabas ng condo ko!" sigaw niya sakin. Napaawang ang bibig ko. This is his condo?! What the hell! Napakawalanghiya ng lalaking 'to! Sana ay binugbog niya nalang ako kung gusto niya akong gantihan dahil sa pangungwelyo ko sa kanya! Malalabanan ko siya ng patas! Handa akong makipagbugbugan sa kanya! But this?! I'm too helpless! "Napakawalanghiya mo! Manyak! Bastos! Demonyo! Hayop ka! Ninakaw mo ang pagkababae ko! Give it back you asshole!" Mas lalo kong nilakasan ang pagsapak ko sa kanya hanggang tuluyan siyang nalaglag sa kama. I'm seriously gonna kill him! Lumukot ang mukha niya nang tumayo siya at sinamaan ako ng tingin. He's wearing a boxer. Goodthing. Iniwas ko ang tingin ko sa tiyan niya pero nasulyapan ko parin ang perpektong pagkakahubog ng katawan niya. Napatingin ako sa sarili ko. I'm still wearing an underwear! Manyak talaga!Agad kong hinablot ang kumot at itinabon iyon sa sarili ko. Pinagdadampot ko ang unan niya at itinapon iyon sa kanya. "Halimaw ka! Pinagsamantalahan mo ang pagkababae ko! Ninakaw mo! Demonyo! Walang konsensya! Mabulok ka sana sa impyerno!" Halos naitapon ko na sa kanya lahat ng unan niya kaya yung mga gamit niyang nakalagay naman sa bedside table niya ang pinunterya ko. Kaso mabilis siyang nakaikot doon at agad hinawakan ang pulso ng kamay ko. Hindi magawang manlaban ng isa kong kamay lalo na't nakapulupot iyon sa kumot para hindi tumambad ang tanging suot kong bra at panty. This is surreal! "Get out! Wag kang mag-eskandalo dito sa loob ng condo ko!" sigaw niya sakin. Hindi na maipinta ang mukha niya. Siya pa 'tong may ganang magalit! Ang kapal ng mukha!  "Ang lakas ng loob mong palabasin ako! Mga walanghiya talaga kayong mga lalaki! Pagkatapos niyong makuha ang gusto niyo sa babae ay tinataboy niyo agad! Ang lalandi niyo!" Binawi ko sa kanya ng malakas ang pulso ng kamay ko. "Hindi ka lalabas?! Gusto mong gahasain ulit kita?!" sigaw niya sakin. Halos malaglag ang panga ko. Inamin niya rin na may ginawa nga siya sa akin. Kahit hindi niya aminin ay hindi niya maipagkakailang may ginawa siya sakin kagabi! Its clear enough to see na may nangyari nga sa amin. Nakaboxers lang siya habang ako ay nakabra at panty! Tapos nasa isang kama kami! At paano ako nakarating dito sa condo niya eh nasa Bar ako kagabi! He grabbed his opportunity last night because I'm too drunk! I'm not in my senses! Fuck this asshole!  Padabog akong tumayo at pinagdadampot ang damit ko sa sahig. Mabilis akong nagpalit ng damit. Ni halos hind ko na alam ang hitsura ko sa oras na 'to. "You'll pay for this!" Mabilis akong lumabas ng condo niya. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay halos ibaon ko na ang dalawa kong binti sa paglalakad pero napahinto rin ako nang may mapansin akong lalaki na titig na titig sa akin.  "Anong tinitingin tingin mo?! Are you fantasizing me?!" sigaw ko sa kanya. Napakalandi talaga ng mga lalaki! Wala nang ibang inisip kundi ang maikama ang mga babae! Napakurap siya. "Uh, pasensya na Miss. May girlfriend na ako at mahal ko ang babaeng pusa na yun. Hindi ko magagawang mangaliwa sa kanya. Inaamin ko maganda ka pero wala kang epekto sakin. Kaya lang ako nakatingin sayo dahil kakalabas mo lang sa condo unit ng pinsan ko." paliwanag niya. Napansin ko agad ang featute ng mukha niya na hindi nalalayo sa halimaw na iyon. Singkit na mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi at perpektong depina ng panga. Magpinsan nga sila. Naramdaman ko ang unti unting pamumula ng pisngi ko dahil sa pagbanggit niya ng condo na nilabasan ko. Pinsan niya ang walanghiyang nagnakaw ng pagkababae ko?! "Pinsan mo ang walanghiyang yun?! Well, pakisabi diyan sa pinsan mo panindigan niya ang ginawa niya sakin! He stole my virginity and he must take full responsibility of it! I wont let this slide! Humanda siya!" Padabog akong naglakad paalis sa harap niya. "Uh, Miss." tawag niya sakin.  Naiirita akong huminto. Halos magkasalubong na ang dalawa kong kilay nang nilingon ko siya. Ngayon naaalala ko na siya. Patay na patay ang pinsan ko sa kanya noon. I won't blame her though. "What?" Iritado kong tanong "Yung botones ng suot mo pakiayos." sabi niya at tumalikod rin.Nalaglag ang panga ko. Mabilis kong inayos ang suot kong damit. Sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko na namalayan na hindi ko pala ito naibotones ng maayos. I'm not a virgin anymore! Unti unti nang gumuguho ang tinatayo kong prinsipyo. He'll regret this!  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
27.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.3K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook