1

1012 Words
"Hulaan ko. Nandito ka ngayon sa bahay namin para gawin akong alibi dahil hindi ka umuwi sa inyo kagabi." Bungad sa akin ng pinsan ko nang makapasok ako sa kwarto niya. Buti nalang at hindi umuwi ang parents niya kundi malalagot ako kay Dad dahil kina Tito at Tita magtatanong si Dad hindi kay Anne. Alam kong pinagtakpan niya na ako kay Dad kagabi. "Anong sinabi mo kay Dad?" pangungumpirma ko. Umupo ako sa kama niya at pagod na ibinagsak ang sarili ko pahiga. I can't believe I lost my virginity in just a blink of an eye. "Bruha ka talaga. Dinadamay po pa ako sa kalokohan mo. Alam mo naman yang Dad mo napakastrikto. Nakakatakot." Padabog siyang tumayo sa kama niya at pumasok sa Cr. Naiwan akong tulala. Laman ng utak ko ang nangyari sa akin. Sa sobrang inis ko sa lalaking iyon ay pinagpapatid ko ang dalawa kong paa sa kama. This is making me crazy! Napakadumi ko na! Matatawag ko pa bang babae ang sarili ko kung tuluyan nang nawala ang pagkababae ko? Damn! How will I know If I'm still a virgin or not? God! "Celina?! Are you even with me! Kanina pa ako nagsasalita pero parang wala kang naririnig!" Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay habang tinitingnan ako ng mariin. Hindi ko man lang napansin na lumabas na pala siya ng Cr. "Ano?!" Iritado kong tanong sa kanya. Kumunot ang noo niya at naglakad papunta sakin. Walanghiya. Ano na naman kayang pumasok sa utak ng babaeng ito? Bigla niya akong sininghot kaya mabilis ko siyang naitulak. Ano bang nangyayari sa kanya? Umaandar na naman ang pagiging baliw niya. "Amoy lalake ka! Kaninong kwarto ka ng lalake natulog?! Don't you dare lie or else I'm gonna tell Tito that you didn't sleep here last night!" Ipinulupot niya ang magkabila niyang braso sa isa't isa. Walanghiyang babae. Diyan siya magaling eh, sa pamb-blackmail sa akin kay Dad. Alam niyang hindi ako nakakapalag pag sangkot na ang pangalan ni Dad. "Hindi na ako virgin okay! God! That asshole! Hindi ako makapaniwalang ang bilis niyang nakuha ang pagkababae k— "What?! Seriously Celina? May nagawang gumahasa sayong lalake?! Kidding right? Eh mahawakan ka nga lang ng lalake kulang nalang balibagin mo." Putol niya sakin na parang hindi kumbinsido sa pinagsasabi ko. Padabog akong bumangon sa kama at isinandal ang sarili sa headboard para makaharap ito ng maayos. Magkasalubong parin ang dalawa kong kilay. "Maniniwala ka o hihintayin mong sapakin pa kita sa katotohanang hindi na ako virgin! Nagising nalang ako na nakaunderwear nalang! Tapos nasa isang kama pa ako kasama ang isang lalake na nakaboxers! Now tell me! Anong ginawa namin kagabi para hubarin namin ang saplot namin?!" Fustration is shown all over my face. Lukot na lukot na ang mukha ko. Unti unting napalitan ng gulat ang mukha niya. Naniniwala na ata ang bruha. "Who's the unfortunate guy?!" gulat niyang tanong. Mabilis kong nadampot ang softpillow niya at agad na inihagis sa mukha niyang nailagan niya agad. "Gusto mong kalbuhin kita Anne?! I'm dead serious here! I lost it! Hindi na ako virgin! And that asshole stole my virginity! Anong ireregalo ko sa mapapangasawa ko?! I'll be a battered wife for sure! Kakaawain niya ako dahil may nauna nang nakakuha sakin kaysa sa kanya!" Hindi na ako mapakali sa kama. Halos idiin ko na ang sarili ko sa headboard dahil sa galit at inis na nararamdaman ko. Sa buong buhay ko hindi ako nagkaboyfriend dahil gusto kong makatapos muna ako ng pag-aaral bago ako pumasok sa mga ganoong bagay. Yan rin ang pangarap sa akin ni Dad. Gusto kong ibigay iyon sa lalaking mamahalin ko sa unang pagkakataon at sa huli. My first boyfriend will be my husband. He will be the first and the last guy I will love. But unfortunately, that thing will never happen. "Kilala mo ba ang lalake? Kailangan ka niyang panindigan. If I know he's scared now. Tatakbuhan ka nun dahil sa takot sayo." Ipinagulong niya ang mga mata niya. Umupo narin siya sa kama. Sa pagkakaalala ko tinawag siyang Delafuente ng kaibigan ko noong inaawat nila akong bitawan ito habang kinukwelyuhan ko siya. Yes, isa ang lalaking iyon sa mga kababata ng pinsan ni Julie. "Isa siyang Delafuente." Bumusangot ang mukha ko. Napalitan ulit ng gulat ang blangko niyang mukha. Now she's interested. Baka iniisip ng babaeng 'to na yung gusto niyang Delafuente ang nakakuha sakin. That's more offensive. "Sino?! God Celina! Masasambunutan talaga kita! Eh may girlfriend na 'yon! Nagparaya ako tapos lalandiin mo lang pala! How dare you!" Isang matalim na tingin ang ibinigay niya sakin. Sinasabi ko na nga ba. Pito silang magpipinsan tapos yung gusto niya ang laman ng utak niya. Tss. "Hindi yung Delafuente na gusto mo. Yung napakaangas sa magpipinsan. Yung kinwelyuhan ko sa 3DBar." Kumukulo lalo ang dugo ko pag naalala ko ang mukha ng lalaking yun. Napakawalanghiya! "Si RM?! Nilandi mo si RM?! Kailan ka pa natutong lumandi? Paano mo inakit? Siya ba yung unang humubad sayo? 'Tsaka... malaki ba?" Ngumiwi siya. Hinablot ko yung isa niya pang softpillow at mabilis na itinapon sa kanya. Hindi nakailag ang bruha kaya nasapol ko sa mukha. Nakakadiri! Kinikilabutan ako dahil sa tanong ng babaeng 'to. Ba't ko ba naging kadugo ang isang 'to?! "Shut the fuck up Anne! Mawawalan ka talaga ng dila kung hindi ka tumigil sa kakatanong sakin ng ganyan! Wala akong maalala okay! Paggising ko magkatabi na kami sa kama at underwears nalang ang suot. Yung ulo ko parang mabibiak sa sakit! 'Tsaka yung..." sandali akong natigilan. My ankle hurts. Is that it?! Hindi na nga ako virgin! Nahihirapan nga akong maglakad kanina dahil sa sakit! What the hell. "Yung alin? Yung ano masakit ? Edi malaki nga yung ka— Isang picture frame ang agad kong dinampot na nagpatikom ng bibig niya. "Subukan mong ituloy yang pinagsasabi mo kundi paliliparin ko 'to papunta sa mukha mo!" pagbabanta ko sa kanya habang inaangat ito sa ere para handang itapon sa kanya. Alam niya na hindi ako magdadalawang isip na ihagis ang picture frame na 'to sa kanya. "Umuwi kana nga! Kahit kailan napakabrutal mo talaga. Lumayas kana! Panagutin mo yung Delafuente na kumuha ng pagkababae mo. Bilis! Labas! Nagiging makalat talaga ang kwarto ko pag nandito ka. 'Tsaka mag PT ka baka nagbunga yang ginawa niyo kagabi." Padabog siyang tumayo sa kama at naglakad palabas ng kwarto niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD