3rd PERSON POV BIGLANG nanghina ang mga tuhod ni Inagasi matapos siyang lisanin ni Lakambini Dayana. Nabitawan niya ang bulaklak at ang tsokolate kaya dagling lumaplit si Adan upang alalayan ito. “Mahal na Prinsipe!” pag-aalalang sambit ni Adan dito at agad na kinuha ang bulaklak at tsokolate sa bermuda. “Hindi ko akalain na nahulog ako sa gano’ng klaseng babae, Adan. Nabulag ako sa kagandahan niya, ni hindi ko man lang inisip kung anong klaseng tao siya. Ang sakit sa pakiramdam na malaman ‘yon. Anong klaseng lalaki ako? Bakit ako nagkamali?” malungkot na usal ni Inagasi habang nakayuko siya. “I was about to tell her na ako ang Prinsipe ng Maharlika. Nagpanggap akong ibang tao para hindi ako makilala. But I was wrong,” dagdag na wika niya sa sarili saka nagsalita si Adan. “Naku! Ang d