ALYANA’S POV TULALA nang titigan ko ang umiilaw na fountain mula sa kinauupan ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang posibilidad na baka hindi nagtagumpay si Inagasi sa mga plano namin. Nakita ko rin sa mga mata ni Lakambini Dayana kanina na tila ayaw niyang tanggapin ang proposal ni Inagasi. Huminga ako nang malalim saka tumindig. “Masama talaga ang kutob ko kaya kailangan ko siyang puntahan ngayon,” aniko sa sarili saka ako tumakbo papuntang lawa. Pagdating ko ay natigilan ako nang mag-isang nakaupo si Inagasi. Nakita ko rin na masa lamesa ang binili naming bulaklak at tsokolate. “Sinasabi ko na nga ba,” usal ko sa sarili kaya di na ako nagdalawang isip na puntahan siya. “Inagasi,” sambit ko sa pangalan niya kaya lumingon siya sa akin. “Alayana?” ngiting wika niya saka siya tumindig.