Kahit hirap dahil sa sobrang lamig ng kwartong pinagkulungan sa kanya gawa ng aircon at sa kawalan niya ng ano mang saplot, ay sinikap pa rin ni Jhoena na makatayo. May nakita siyang bintana. Doon siya hihingi ng tulong o kaya naman tatakas. Nanginginig niya iyong nilapitan. Ngunit laking pagkadismaya niya dahil kakahoyan ang makikita sa labas ng bintana. Nang ito naman ay subukan niyang buksan ay naka-lock naman ito. "R-realyn!" at bulalas niya nang biglang makita niya ang kaibigan niya sa ibaba. Nasa labas si Realyn at palinga-linga. "Realyn! Realyn! Andito ako, Realyn! Tulungan mo ako!" sigaw niya na umiiyak. Pinampapagpag niya ang salaming bintana upang agawin sana ang atensyon ng kaibigang nasa labas. "Realyn, tulungan mo ako! Huhuhu! I'm here, Realyn! Help me!" Sa kasamang palad