"Tay bakit mo 'yon ginawa sa bihag ko?!" kuyom ang palad na hinarang ni Nash ang amang si Mang Arthur. Nakita niya kasing wala nang daliri si Jhoena na kaibigan pala ni Realyn. Pinag-iisipan pa naman sana niya itong pakawalan na ngunit sa nangyari ay hindi na niya magagawa. Tiningnan lang siya nito ng masama pagkuwa'y binangga siya sa balikat at pinagpatuloy ang paglabas ng bahay. Napatiim bagang na lang siya na sinundan ng tingin ang ama. Mula pagkabata ay sunod-sunoran na siya rito. Naging masama siyang tao sa kagagawan na rin ng sariling ama. Muling bumalik sa kanyang ala-ala 'yong araw na nagpasimula sa tilala bangungot niyang buhay.... 'Yong araw na galing ulit siya noon sa bahay na walang nakatira. Bata palang siya noon. Ngunit dahil hindi pa rin bumabalik 'yong batang babae na n