Nakakatakam na putahe ang naamoy ni Realyn na siyang nagpagising sa kanyang kamalayan. Biglang nakaramdam ng gutom ang kanyang tiyan. Kumunot-kunot muna ang noo niya bago unti-unting nagmulat ng mata. Isang lalaking mataba na nakatalikod sa kanya ang kanyang nasilayan. Napagtanto niyang nasa isang kusina siya nang ilibot niya ang mata. Isang malaking kawali na nakasalang sa apoy ang nasa gilid ng lalaki. Sinubuka niyang kumilos. Nagtataka siya kung anong ginagawa niya rito sa kusina, subalit nakatali pala siya. Napaisip siya at nahintakutan bigla nang maalala niya ang nangyari kanina. Bigla na lang dumungaw pala si Mang Arthur sa ilalim ng kama na pinagtataguan nila ni Jamil. Sa gulat ay nagtitili siya. Si Mang Arthur pala ang lalaking pumasok sa loob ng silid at ito ang may sapatos ng