Chapter 1

2183 Words
Chapter 1 Lian’s Point of View "Hoy Lily! Bilisan mo nga diyan, aalis na ako. Baka ma-late pa ako sa klase." Napalingon naman ako sa pintuan kung saan nakatayo ang pinsan kong si Yvette. Tumango nalang ako at nagmadaling hugasan ang mga pinagkainan. "Alam mo Lily, nagtataka ako, bakit kaya ayaw kang pag-aralin nina Mama at Papa? Siguro.... lakwatsera ka ano?" Nanunuksong sabi niya pero hindi ko nalang pinansin hanggang sa makatapos akong maghugas ng pinggan at pinunasan ko na ang mga kamay ko. "Alam mo Yvette, kung ako sa'yo, isipin mo nalang ang mga karapat-dapat na isipin, hindi 'yung nagtatanong ka ng mga bagay na hindi mo naman dapat pinapakialaman." Sagot ko sakaniya. Bigla naman sumama ang tingin niya pero naglakad lang ako papunta sa sala saka sa kwarto ko kaya nadaanan ko siya. "Hmp, kahit kailan ang taray mo saakin, wala naman akong ginagawang masama sa'yo." Dinig kong sabi niya pero naiikot ko lang ang mga mata ko. Infairness, puwede na siyang kidlatin sa mga sinabi niya. "Ewan ko sa'yo, tara na nga." Aya ko sakaniya nang makapagpalit na ako ng damit saka ko na kinuha ang susi ng kotse. Wala ang Tita at Tito, nasa isang bakasyon sila kaya kaming dalawa lang nitong pinsan kong si Yvette. Nauna na akong lumabas para mailabas ko na rin ang kotse. Ang galing ko 'no? Yaya na nga, driver pa, tapos tutor pa ako ng maldita slash sinungaling kong pinsan. Hindi ako mapagpasensyang tao kaya sinasabi ko ang saloobin ko. Hindi naman nila ako matapon-tapon kahit suwayin ko si Yvette dahil ang laki ng pakinabang nila saakin. Hindi ako nagmamayabang, para sa pamilyang tulad nila na walang iniisip kun'di pera at hindi iniisip ang kapakanan ng ibang tao ay mas hamak na mas masahol sila kaysa saakin. Sumakay na ako ng kotse saka ko na inilabas mula sa garahe, saka naman lumabas ng gate si Yvette. "Isarado mo na ang gate!" Sigaw ko sakaniya mula sa bintana ng kotse, inirapan niya ako pero inilock niya din ang gate. Ilang sandali lang ay nakasakay na siya sa backseat, talagang pinagmumukha akong driver. Pinaandar ko na ang sasakyan saka na kami umalis. Para sabihin ko sainyo, ang yaman, ang pera at ari-arian nina Yvette at ang kumpanya na kasalukuyan nilang pinamamahalaan ngayon ay dating amin, actually SAAKIN ang LAHAT ng 'yon, hanggang ngayon. Sadyang ganid lang sa pera, pati nga bahay saakin, pati 'tong kotseng 'to saakin, pati narin ang perang tinatanggap ng pamilya nila mula sa ibang-bansa dahil sa may share ang pamilya ko mula sa iilang kumpanya doon ay saakin din DAPAT. They blackmailed me, at kahit gaano ako katapang kay Yvette ay takot parin ako sa Mama niya, her mother blackmailed me that she can kill me whenever she wants. May saltik lang sa utak ang taong kayang sabihin 'yon, pero dahil sila nalang ang natitirang kamag-anak na mayroon ako ay hinayaan ko nalang. Sa kasamaang palad, pati ang lawyer ni Papa noon ay namatay din kaya wala na akong laban. Pati pag-aaral ay ipinagkait saakin. Pa'no ba naman, nag-enroll ako sa course na patungkol sa pagiging Lawyer, parang natakot yata sila kaya inalisan ako ng allowance, pati narin ang eskwelahang dapat na papasukan ko ay sinuhulan. Sinira pa nila ang pangalan ko. Just how cruel can life be? Nang nasa harapan na kami ng gate ay nagpreno na ako saka ko na tiningnan sa Front mirror si Yvette. "Pasok ka na, pag-igihan mo ah! Pag-igihan mo ang pakikipaglandian." Sarkastikong sabi ko. Nagsalubong lang ang kilay niya saka ako inirapan. "Shut up." Sabi niya saka na bumaba at malakas na isinarado ang pintuan ng kotse. "Tsk." Pinasibad ko na ang kotse paalis, dadaan muna ako sa supermarket, nakakahiya naman kasi sa pamilyang 'yon, baka gutumin, sa dami ng pera ko na sinasabing kanila daw ay hindi manlang marunong mag-grocery. Walang araw na hindi ko pinagsisihan na nakilala ko sila, walang gabi na hindi ako umiyak mula nang mawala sina Mama at Papa. "Tsk." Hindi ko napansin na sa tindi ng nararamdaman kong galit ay naapakan ko ng napakadiin ang break ng kotse. Kaya tumigil ito at nahampas pa ang ulo ko sa salamin. Pero ang hindi ko inasahan ay ang.... Truck na mabilis na humaharurot sa likod ko, at dahil sa biglaang pagtigil ko ng kotse sa gitna ng high way ay hindi ito mukhang nakapagpreno. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Sa tingin ko ito na ang tamang oras para sumunod kina Mama at Papa, did they heard me? Did they heard my suffering thoughts? *Booogggsshh* I'm Xiera 'Lily' Lian Blimerdge, an 18 years old girl and I think this is my end. (After the Accident, and a timeskip.) "Mother Eunice, bakit hindi pa siya gumigising?" "Sister! Sister! 'Yung mag-asawang pumunta noong isang buwan, bumalik na." "Ah, Magandang Araw po." "Sister Elly, Mother Eunice, kayo nang bahala sa batang 'yan, nagmamadali kami ng asawa ko, huwag kayong mag-alala, magdo-donate kami ng malaking halaga dito sa shelter kaya kayo nang bahala sakaniya, 95% ang possibility na hindi siya makaka-alala, just don't ever tell her about us, her family, and her past. Kailangan na naming umalis at ito ang huling pagpunta namin dito." "A-ah, Madam Ferniz, sigurado po ba kayo? ang ibig kong sabihin ay, pamangkin niyo po siya at..." "Wala na akong pamangkin! Wala kayong pagsasabihan ah Mother and Sister? Patay na ang pamangkin ko, patay na siya, patay na si Lian, aalis na kami. Let's go Hon." "Patawarin sana sila ng Diyos." "Pa'no na 'to Mother?" "Hayaan mo na, sa tingin ko ay mas mabuting napasaatin ang batang 'to, aalagaan natin siya." "Hmm.." Ano ba 'yung mga naririnig ko? Bakit ang ingay? "Hmmm...." "MOTHER EUNICE! DIYOS KO! GUMIGISING NA SIYA!" Ah? Bakit ang ingay? Bakit may naririnig akong nagsisitakbuhan? Bakit may naririnig akong sumisigaw? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. "Mabuti naman at gumising ka na, anak." Napatingin ako sa isang Ale na nakasalamin at may suot na belo na pang madre. Napakunot-noo ako. "Na--nasaan po a-ako?" Tanong ko. Dahan-dahan akong tumayo pero napahawak ako sa ulo ko nang may maramdaman akong sakit na parang hinahati ito sa dalawa. "Naku! Anak, huwag ka munang tumayo." Biglang pigil saakin ng isa pang Ale pero mas mukhang bata siya at walang salamin saka ako inalalayang humiga ulit. Ano bang nangyayari? Bakit nawi-wirduhan ako sa mga nangyayari? Nasaan ba ako? Teka.... "Aahhh!" Daing ko nang sumakit nanaman ng napakasakit ang ulo ko. Sino ba ang mga taong 'to?! Nasaan ako?! Anong nangyayari saakin?! "Aahhh! Sino kayo?! Nasaan ako?! Sino.... a-ako?" Pawang bulong nalang ang huling sinabi ko. S-sino ako? Tumingin ako sa mga taong nasa paligid ko. May iilang mga bata, may apat na ale na nakasuot ng pang madreng damit. Hindi ko namalayan ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ko. "Nasaan ako? Si-sino ako?" Humihikbing tanong ko saka ako biglang niyakap ng Ale na nasa tabi ko. Dahan-dahan niyang pina-patt at hinihimas ang ulo ko. "Shh, huminahon ka lang, ako si Mother Eunice, hindi m-mo ba ako naaalala? Kami, dito ang pamilya mo. Pero ayos lang, naiintindihan namin, siguro ito ay dahil sa a-aksidente kaya wala kang maalala, huwag kang mag-alala, nandito lang kami. Ikaw, ikaw s-si Alluri Lian DeViccente." (Mother Eunice said while praying silently, asking for forgiveness for lying to Lian.") ** "Mukhang nag-eenjoy ka ah Lian." Masayang sabi ni Sister Anna kaya ngumiti ako. "Opo, pasensya na po kung medyo pabigat po ako, bakit kasi napakatanga ko at kailangan ko pang maaksidente, 'yan tuloy wala akong naaalala." "Hay naku, huwag kang mag-isip ng ganyan, ang mas iniisip namin ay ang paggaling mo, hindi ka pabigat saka okay lang, ang mahalaga ay binigyan ka pa ng pangalanwang buhay ng Diyos." Nakangiting sabi niya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng saya, hindi ko alam kung bakit sa tingin ko ay ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na ito sa matagal na panahon. "Ate, tara maglaro tayo." Napatingin naman ako sa biglang humila ng bestida ko at nakita ko si Shiel, ang batang kasama ko kaya nginitian ko nalang siya. "Oo, sandali lang ah." Sagot ko sakaniya. "Ah, Sister Anna, sige, nag-aaya kasi 'tong mga batang maglaro eh, sige po." Paalam ko. Tumango naman siya at ngumiti. "Sige, basta mag-ingat ka ah, lalo na 'yang ulo mo, delikado na. Napakabait na bata, mas mabuti pang huwag ka nang makaalala." Sagot niya at hindi ko alam kung may ibinuling ba siya sa bandang huli o wala. Pero tumango nalang ako saka tumalikod nang bigla akong hinila ni Shiela. "Dali na po Ate! Mag-uumpisa na 'yung kwento, mamaya nalang po pala tayo maglaro." Parang nagmamadaling sabi ni Shiela habang hila ako kaya nagtala ako. Kwento? Saka kami pumasok sa isang pintuan at nagulat ako nag may iilang bata ang nakaupo sa sahig na naka-indian sit saka ang isang madre na nakatayo sa harapan. Napalingon sila saamin ni Shiela. "Lian? Shiela?" Sabi nito. Hindi ko pa kilala ang lahat ng madre dito o baka nakalimutan ko lang sila. "Pasensya na po Sister..?" "Jane. Sige, ayos lang, mukhang isinama ka ni Shiela ah, sige maupo na kayo, pasensya na, inaayos kasi 'yung mga upuan kaya sa sahig muna." Sabi nito, tumango naman ako saka ngumiti. Bigla naman tumakbo si Shiela saka umupo sa tabi ng isang bata na mukhang kakilala niya, sumunod nalang ako saka umupo nalang sa tabi niya. Hayaan na, para magmukha naman ako Batang-bata hahaha. "Wala akong story book ngayon, pero, may kwento ako." Mukhang nag-uumpisa na ang kwento. Bigla naman nag-ingay ang mga bata. "Sige po sister! Mas maganda pa po ang mga kwento niyo kaysa sa mga binabasa niyong mga libro! 'Yung tungkol po sa, ano po kasi 'yon? 'Yung sa Land of Magic po ba 'yun?" Sabi ng isang bata na mukhang kaya nang umintindi kaysa sa ibang mga bata, mukhang 7 years old na siya. Ngumiti naman si Sister...Jane. "Tama, ang Land of Magic ay isang napakagandang lugar, puno ng mahika, may fairies din doon, may mga taong kayang kontrolin ang apoy, at alam niyo ba? Ang mga tinatawag nating mga mangkukulam dito ay mayroon din pala doon, mas marami sila doon." Sabi ni Sister. Hindi ko alam pero kahit na parang pambata ang sinasabi ni Sister ay parang naging interesado ako. "Mangkukulam? Diba bad sila?" Kumento ng isa. "No! Hindi naman silang lahat bad eh!" Biglang sigaw ni Shiela. "Oh, tama na. Pero tama si Shiela, hindi lahat ay bad, para mas magandang pakinggan tawagin natin silang witch. Witches and tawag nila sa mga babae at Wizards naman sa mga lalaki. May isang pamilya, ang nanay ay isang witch, ang tatay naman ay isang wizard, may dalawa silang anak, isang babae at isang lalaki, ang buong pamilya ay kilala bilang mga bihasa sa paggamit ng Magic wand at paggamit ng mga potions at spells na mas malakas kaysa sa ibang ordinaryong witch, tinatawag silang Pureblood clan. Alam niyo ba ang mga potions and spells at mga wands, mga bata?" Tanong ni Sister. Nagsitanguan naman ang mga bata, I don't know why, but I felt so strange, nacu-curious ako na naiinis na nalulungkot, ano ba 'yan, bakit kasi naaksidente pa ako, 'yan tuloy ang wierd na ng pakiramdam ko, saka ang hirap ng walang maalala. "Sa kasamaang palad, sina Nanay at Tatay ay namatay dahil sa may nakalaban silang masamang witch, naging ulila ang mga anak nila, ang babae at lalaki, alam niyo ba na hindi basta-basta ang pagiging isang Pureblood? Ang mga pureblood ang itinuturing na tagapamahal sa lugar nila, ang mga Pureblood ay pawang mga Hari at Reyna, mga prinsesa at prinsipe. Ang pamilya nila ang huling pamilya na nagtataglay ng Pureblood, pero may trahedyang nangyari at biglang nagkahiwalay ang magkapatid, pagkatapos noon ay pinaniniwalang namatay na sila, sa paglipas ng panahon, nawala na ang mga Purebloods sa lugar nila, kinalimutan na sila." Pagkukwento ni Sister. "Sad naman sister, bakit hindi niyo sinabi kung paano namatay ang magkapatid? Ang sabi niyo malakas ang mga purebloods, bakit ganoon ang nangyari sakanila?" Sabi ng isang bata. Sa totoo lang, hindi masyadong detailed ang kwento ni Sister pero SUPER CURIOUS ako, alam ko naman na hindi totoo ang kwento ni Sister na baka nabasa niya lang ang kinukwento niya pero, bakit curious ako? "Kasi wala namang patunay na namatay sila, hindi ba?" Sagot ni Sister. "Eh nasaan po sila? Nasaan na si girl at si boy? Nasaan na sila?" Tanong ng isang bata. Ngumiti lang si Sister saka umiling. "Hindi ko alam, pero sana, sana buhay pa sila 'no? Sana buhay parin sila para masagot na 'yung mystery doon sa kwento at para malaman narin natin kung ano nga ba ang totoong naganap sa pamilya nila." Sagot ni Sister. Nangunot ang noo ko sa narinig kong sagot ni Sister. Why does she sounds like, she's hoping that the girl would still be alive? Bakit sa paraan ng pananalita ni Sister ay totoo ang mga kinwento niya? Bigla naman tumayo si Shiela ng nakasimangot. "Sister! Hindi naman mukhang kwento 'yun eh! Dapat sabihin mo kung nasaan 'yung magkatapid! Hindi! Hindi ko tanggap ang nagyari!" Napatayo naman ako pero bigla nalang akong napangiti habang nakatingin ako sa nakapamaywang na su Shiela habang nakasimangot at pailing-iling. "Huwag kang mag-alala Shiela, hahanapin ko 'yung sagot, hahanapin ko kung ano talagang nangyari sa mga magkapatid." Sabi ni Sister Jane, tumingin ako sakaniya pero nakatingin din pala siya saakin. "...pero ang huling naalala ko sa librong 'yon, the girl was said to be cursed by the witch who killed her parents, and her brother was taken by also the villain witch." Sabi ni Sister pero nakatingin parin saakin. Hindi ko alam pero napatitig nalang ako sa mga mata ni Sister. What is this? What is this so heavy feeling inside my chest?! "Sister, hindi ko po naintindihan, nagi-ingles nanaman po kayo, eh hindi pa naman kami marunong."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD