Chapter 2

2658 Words
Chapter 2 Lian's Point of View Lutang....oo, mukha akong lutang na lutang. Mukha pa nga akong lantang gulay eh, hindi ako makakain o makatulog, siguro dahil ito sa pagkabagok ng ulo ko. Tapos lagi pang sumasagi sa isipan ko 'yung kwento ni Sister Jane, hayy, ano nang mangayayari saakin? Forever na ba akong ganito? "Hoy Lian!" Tiningnan ko naman si Cam, isang babae na halos ka-edad ko lang na kaninang umaga ko lang nakilala, o nakalimutan ko lang? Tiningnan ko siya pero mata ko lang ang gumalaw hindi ang ulo ko, nakaupo ako sa isang bench dito sa garden habang nakatingla sa kalangitan, sa totoo lang, hindi reach ng mga eyeballs ko si Cam. "Hoy Lian!" Tawag niya ulit. At kung maka hoy siya, parang ang tagal na naming magkakilala, o....nakalimutan ko lang siya? "Oh?" Sagot ko nalang. "Alam mo, mula nang dumating ka dito, naging mas masigla na ulit si Mother Eunice." Sabi niya kaya napaayos ako ng upo saka napatingin sakaniya na tumitingin-tingin sa mga bulaklak. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakaniya. "Kasi isang taon na ang nakakalipas noong namatay 'yung pinakamamahal na alaga ni Mother, ang ibig kong sabihin ay 'yung pawang itinuturing na niyang anak, tapos bigla kang nagpakita at dumating, tapos ayun, naging masigla na ulit ni Mother Eunice." Sagot niya. Kumunot naman ang noo ko, anong ibig niyang sabihin? Isang taon....tapos bigla akong dumating, what does she mean? Didn't I just engaged into an accident and lost my memories? Sister Elly, ang sabi niya mula bata ako ay nandito na ako. Anong ibig sabihin ni Cam? May mali eh, may mali talaga. "Cam, bakit-- *DingDong* Bakit mo nasabing noong dumating ako? Bakit parang bagong dating lang ako dito? Am I not originally from here? Iyon sana ang itatanong ko kaso nagmadaling umalis si Cam patungo sa gate. Kaya tumayo narin ako. "Waah! Emeged!" Nagmadali akong lumapit kay Cam at nagulat ako sa nakita ko. "Ohmygod! Lian, tulungan mo ako dali!" Tumitiling sabi niya. Isang lalaki ang nakayakap ngayon kay Cam na parang walang malay, ang dungis din ng mukha at ang kapal ng bigote niya. Kunot-noong tinulungan kong alalayan ang lalaki para maalis ang pagkakayakap niya kay Cam, saka na ako tinulungan ni Cam na buhatin si Manong. "Dalhin natin siya sa Clinic." Sabi ni Cam kaya tumango nalang ako. This man really looks like an old man pero nakakalito dahil hindi naman kulubot ang mukha, may mahabang bigote lang. Nang makarating na kami sa Clinic ay inihiga namin siya sa kama. "Tatawagin ko lang si Sister Resmee." Sabi niya kaya tinanguan ko nalang siya saka napatingin sa taong nakahiga ngayon sa kama. He's wearing a furr-made robe tapos ay nakapantalon ito na parang slacks at polo. "I-I c-can d-do this..." Napaatras naman ako nang bigla siyang magsalita. "Nandito po siya Sister." Napatingin naman ako sa labas at nakita ko si Cam at si Sister Resmee. Pumasok na silang dalawa kaagad, nagulat naman si Sister Resmee sa nakitang lagay ng lalaki. "Diyos ko, anong nangyari sakaniya? Saan niyo ba siya nakita?" Tanong ni Sister Resmee. "Nakita ko po siya sa labas, may nagdoor-bell po kasi kaya binuksan ko ang gate tapos ayan, bagsak kaagad pagbungad ko ng gate Sister." Sagot ni Cam. Hinipo naman ni Sister ang noo ng lalaki. "Wala naman siyang lagnat, wala ring sugat o pasa." Sabi ni Sister. "Lian! Sister! Ano 'to?" Napatingin naman kami kay Cam na may hawak na kung anong bagay sa kamay niya. Lumapit siya saamin ni Sister Resmee. "Parang relo." Sabi niya. Nakatingin lang ako sa bagay, mukha nga itong relo pero nagtataka ako kung bakit parang mas mabilis ang daloy ng oras doon, ang isang segundo ay mas mabilis kung lumipas sa bawat pag-andar ng relo. Pero hugis bilog lang iyon na kulay ginto. "A-ah, f-food...I wa--" Napatingin kaming lahat sa lalaki na nakapikit parin pero nakakagalaw na at may pangiwi-ngiwi pa sa mukha. Bigla naman itong nilapitan ni Sister Resmee saka binuksan ang isang mata at tiningnan iyon, hinawakan din ni Sister Resmee ang tiyan nito saglit. "Hunger and Dehydration, mukhang hindi pa siya nakakakain ng ilang araw o nakakainom man lang. Ako nang bahala sakaniya, sabihan niyo si Sister Prima na magluto siya ng maraming pagkain." Sabi ni Sister Resmee. Tumango naman kami ni Cam, aalis na sana kami nang tumigil si Cam kaya napatingin ako sakaniya at nakita ko na nakahawak si Sister Resmee sa braso niya. "Iwanan mo ang bagay na iyan Cam." Sabi ni Sister Resmee, tumango naman si Cam saka inilagay sa kama ang bagay na nakita ni Cam. Umalis na kami at nagtungo sa kitchen area kung saan laging nakatambay si Sister Prima. ** Naglalakad ako ngayon dahil katatapos ko lang maligo, balak kong tingnan ang lagay nung lalaki sa Clinic, baka nandun narin si Sister Resmee. Nang makapasok na ako ay nagulat ako at napaatras nang makita kong nakaupo na ito sa gilid ng kama. Lalabas na sana ako at sisigaw para ipaalam na gising na siya pero nagulat ako nang bigla itong napunta sa harapan ko. Kaunti nalang ay lumabas na ang eyeballs ko. "A-ah, a-anong--" Bigla naman nitong tinakpan ang bibig ko saka ako hinila. Ohmygod, anong gagawin niya sa'kin? Tatadyakan ko sana siya pero sa hindi malang kadahilanan ay biglang nanigas ang mga binti ko kaya hindi ko ito maigalaw, hinila ako ng lalaki saka bigla nalang naisarado ang pinto ng walang kahit na sinong nagsarado no'n. Ohmygod, anong gagawin niya saakin? Pagkatapos namin siyang tulungan, ganito ang igaganti niya saamin? Hinila niya ako at kinaladkad saka ko naramdaman ang pagtama ng malamig na pader sa likod ko. Gusto kong maiyak pero hindi ko magawa, nakatitig lang ang lalaki sa mga mata ko at maging ako ay mapatitig din. Jusko, baka rape-in ako nito. "Where I am? Anong lugar 'to?" Pagsasalita niya sa isang malalim na boses. Ilang segundo akong hindi nagsalita. Paano naman kasi, nakatakip ang kamay niya sa bibig ko. "Answer me! Ito na ba ang eksaktong lugar kung nasaan ang Pureblood?! Sagutin mo ako! Nasaan siya?!" Sigaw niya kaya nagulat ako at napatahimik habang nakatingin parin sakaniya. Pureblood? Eksaktong lugar? Anong ibig niyang sabihin? "Oh damn! I'm fucked up." Bulong niya saka ako binitawan. Infairness ah, ang dumi ng kamay niya, ang dungis parin niya, kung kayo ang nasa kalagayan ko, sa tingin niyo hindi ba kayo magpapanic? Pinunasan ko ng napakadiin ang bibig ko, kainis, dumi lang eh, pero ang bango niya! Pramis! Ang bango rin ng hininga niya. "W-wait." Sabi ko. Nakatalikod siya habang nakahawak sa ulo niya. "A-anong...I...mean, anong ibig mong sabihin do'n sa P-Pureblood?" Tanong ko. Sa dami ng dapat kong gawin, sa dami ng dapat kong sabihin, iyon ang naitanong ko. Ngayon na pinakawalan na niya ako, ngayon na pwede na akong sumigaw at tumakas ay mas pinili kong itanong ang bagay na walang kakwenta-kwenta. "The Pureblood witch. She's here, isn't she? Or I've been lost by the timezone?" Sagot niya. 'Yung tipong, sinagot ka niya pero mas lalo kang naguluhan? At isa pa, Pureblood witch? Anong ibig sabihin niya? 'Di ba 'yun 'yung kwento ni Sister Jane? "A-ah, manong, pasensya na ah. Pero anong pangalan mo? Saan ka nanggaling? Saan ka nakatira? Mukhang nasisiraan ka na ng bait." Tanong ko sakaniya. Pero bigla lang niya akong tiningnan ng matalim na ikinatahimik ko. Imagine my situation, mahaba ang buhok, madungis ang mukha, mahabang balbas at bigote, madungis na suot tapos titingnan ka ng matalim, hindi ka ba....kakabahan o matatakot man lang? Because me? I'm getting a chill down to my spine. "Manong? Do I look like a..." Bigla naman itong napatigil sa pagsasalita saka napahawak sa balbas niya. "Tama, nakalimutan kong nanggaling pala ako sa 'pahanong' 'yon." Bulong niya. "Ah pasensya na kung natakot kita, but can you tell me the date today? What era is this?" Tanong niya. Napakunot-noo ako, era? Ang wierd ni manong, may pa-english pang nalalaman. "October, 03, 2017?" Alinlangang sagot ko. Naghintay ako ng sasabihin niya pero tahimik lang siya habang unti-unting umaawang ang bibig niya. "2...2017?" Mahinang sabi niya kaya kunot-noong napatango-tango ako. "So I didn't make it?! I'm back in the present! Damn it! And....I'm in the Mortal World?!" Gulat na sabi niya kaya pati ako ay nagulat. Nabaliw na si besh. "Manong?" Tawag ko sakaniya, mahirap na, kung sa lagay niya ngayon na mukhang nasiraan na ng bait ay dapat kausapin siya ng matino at mahinahon. "Don't call me 'Manong'." Biglang sagot niya. "In this current timezone, I'm just 19 years old, and my name is Lacres Shun Femigen." Sabi niya. Hindi ako nakapagsalita, basta tumahimik lang ako. Ang sabi nila, hindi mo puwedeng sirain ang moment ng mga baliw, kaya hindi na ako nagsalita. 19 years old? Na-tokhang na yata si Kuya, mukhang naka drugs eh, pero baka nga Lacres ang name niya. Lacres, what a wierd name. Baka nabaliw lang siya, maka-timezone chuchu at maka-human world chuchu, kala mo eh galing sa ibang mundo. ** Nakasimangot lang akong nakatingin kay Lacres habang ginugupitan siya ng buhok ni Sister Resmee. Crossed arms with my furrowed brows and a dagger look towards him. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ay bigla nalang pumasok si Sister Resmee at Cam, kinausap naman niya sila ng matino at mahinahon. Pinakain narin siya nina Sister Resmee, parang patay gutom na asong gala kanina kung makakain, pagkatapos ay nagpakilala siya, tapos ay nagdemand pa siyang magpagupit ng buhok para daw 'bumalik' ang kagwapuhan niya. Tsk, noong binulungan ko si Cam na baliw siya ay ako pa ang nagmukhang masama. Kanina, kung makabulong ng mga kakaibang bagay sa harapan ko eh ang galing-galing! Tapos ngayon sina Sister Resmee at Cam na ang kaharap, parang nagpapaawa na hindi nasisiraan ng bait. Naiinis ako! Ayoko sakaniya! Baliw siya! And that's final! "Ayan, maligo ka na ah? Tapos mag-ahit ka, naku, buong buhay mo yata, hindi ka pa nagpagupit ng buhok, mukha kang hermitanyo kanina. Osya." Sabi ni Sister Resmee nang matapos na ang panggugupit sakaniya. Tumayo naman siya saka kinuha ang towel at damit na ipinahiram sakaniya nina ni Sister Resmee, saka may ini-abot sakaniya na Shaving cream at pang-ahit. "Salamat po." Sabi niya saka ngumiti na lalong ikinainis ko. Grr. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'to! Fine! He's right! Bata pa nga lang siya, mula sa pangangatawan at sa mukha! "Lian, ano bang nangyari? Bakit mukhang galit na galit ka dun kay Kuya Lac?" Lapit saakin ni Cam nang makapasok na sa banyo si Lacres. "Ewan sa'yo, sinasabi ko na, baliw 'yon Cam! Maniwala ka sa'kin!" Sabi ko. Tiningnan lang ako ng masama ni Cam. "Ikaw ah Lian, masama 'yan, hindi porke't madumi ang panlabas na anyo nung tao eh ganiyan ang sasabihin mo tungkol sakaniya." Pangangaral niya. Arggh! "Oo na! Oo na! Siya na ang matino." Labag sa kaloobang sagot ko at iniikot ko ang mata ko. "Matangos ang ilong.... magagandang mga mata.... kumpletong ngipin na may killer smile pa, jusko, excited na ako!" Nagulat ako nang biglang tumili si Cam saka patalon-talon na lumabas ng Clinic. "Naku, ang batang 'yon talaga, dahil sembreak nila eh wagas kung makahanap ng lovelife." Napatingin naman ako kay Sister Resmee na biglang nagsalita. "Sembreak? Ang ibig niyo pong sabihin, nag-aaral si Cam?" Tanong ko. Tumango naman si Sister Resmee. "Oo, arkitektura ang kinuha niya, matalino 'yang si Cam at magaling gumuhit ng ano nga bang tawag do'n? Plates ba? At dahil semester break nila ay ayaw niyang magpaka-stress muna at dahil patapos na rin siya ay gusto niyang maranasan ang magka-boyfriend, ayos lang naman saamin dahil alam naman ni Cam ang ginagawa niya at matanda na siya." Sagot ni Sister Resmee. Napatango-tango ako.... ako--- Wait, nag-aaral ba ako? "Sister, ako po? Um.. bakit hindi po ako nag--- I mean, ano pong course ang kinuha ko?" Tanong ko sakaniya na parang nabigla naman siya. Kagabi kasi nakakwentuhan ko si Mother Eunice na lahat ng college students dito ay pinapaaral nila, 18 na ako, edi college narin siguro ako. "A-Ah? Uhm, Hindi ba naakasidente ka? Kaya hindi natuloy ang pag-aaral mo ngayong taon." Parang hindi siguradong sagot ni Sister. "Ah gan'un po ba? Eh, anong course po ba ang kinuha ko at anong year na po dapat ako?" Tanong ko ulit. Hinintay kong makasagot si Sister Resmee pero hindi siya sumagot, nakatingin lang siya saakin. "Sister Resmee! Si Mariel! Inaatake nanaman ng Asthma!" Napatingin naman kami sa pintuan at nakita namin ang isang bata na may edad na sigurong sampu o higit pa. "Ah? Naku, s-sige Lian, aalis na ako, baka, mapano pa ang batang 'yun." Sabi ni Sister Resmee. "S-sige po." Sagot ko nalang. Palabas na ng pintuan si Sister nang tumigil siya at lingunin ako. "Huwag ka munang umalis diyan ah, hintayin mo si Lac na matapos." Sabi niya saka na umalis. Hay naku! Hindi na sinagot ang tanong ko, ibinilin pa saakin ang lalaking 'yun. Napabuga nalang ako ng hangin saka nagtungo sa kama para umupo pero nahagip ng paningin ko ang bagay na nakita ni Cam. Dahan-dahan kong idinampot ang bagay na 'yon saka tinignan. "May sira ba 'tong orasan na 'to?" Kunot-noong tanong ko habang tinitingnan-tingnan ang bagay, paikot-ikot iyon sa palad ko habang sinusuri ko ito. "Hayy, ano ba 'yan, bakit kasi nawalan pa ako ng memorya, ang hirap mabuhay ng ganito." Sabi ko saka na tinigilan ang pagsuri sa orasan. Bored lang siguro ako kaya kung ano-ano ang naiisip ko. Nilagay ko nalang sa isang kamay ko ang orasan saka ako napabuntong-hininga. If I just can come back in the past and make things right o kaya kung puwedeng makita ko ang mga nangyari noon para makaalala na ako, sana ginawa ko na, kaso masyadong imposible. *Yawn* Parang inaantok yata ako? Makatulog na nga muna. Humiga ako sa kama pero pagpikit ko ay kaagad akong nakatulog. ** "Mama! Papa!" "No! Saamin ka na titira sa ayaw at sa gusto mo!" "Sorry but you can't make anymore complaints, wala ka din ebidensya, and as a minor student, masyadong mabigat ang ginawa mong kasalanan, so we decided to kick you out of this school." "Hoy Lily! Wala kang karapatan na pagsabihan ako! Hindi kita nanay, hindi kita kapatid! Para saakin, hindi kita kaano-ano! Luckily, you're a Blimerdge and I'm a Gastivien, kaya puwede kitang ikaila biglang pinsan ko!" "Pag-igihan mo ah! Pag-igihan mo ang pakikipaglandian." Wh-What is this? Why am I seeing all of this? Bakit nakikita ko ang sarili ko? Anong ginagawa ko? Ano ang mga mabibilis na pangyayaring nakikita ko? The current scenario is me, driving a car and suddenly I was---- "Hey wake-up." Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. "Uh? Sino ka?" Mahinang tanong ko. A shade of dark blue color of eyes met mine. Am I dreaming? Anong ginagawa ng isang napakagwapong nilalang sa harapan ko? "Ano bang nangyayari sa'yo? Tumayo ka na nga diyan." Wait--- "Waah!" Sigaw ko saka napatayo nang maalala ko na nakatulog pala ako. "Tch, give it back." Napatingin naman ako sa lalaking sa tingin ko ay nanggising saakin at ang palad niya sa harapan ko na parang may hinihingi. "A-ano?" Tanong ko saka mabilis na tumayo. Pero bigla akong may naramdaman na parang may nahulog mula sa kamay ko kaya napatingin ako sa sahig. "That." Dinig kong sabi naman nitong lalaki saka niya pinulot. "Bakit mo hawak 'to?" Tanong niya, tiningnan ko naman siya ng nakakunot ang noo. "I don't know, I was asleep but.....teka! Sino ka ba?!" Tanong ko kaagad nang mapagtanto kong hindi siya pamilyar sa paningin ko. Bigla naman siyang ngumiti. "I'm Lacres Shun Femigen, hindi na ako magtataka, masyado lang talaga akong gwapo." Sagot niya. Kaagad naman nagsalubong ang kilay ko. "Lac....Lacres Shun? Pasensya na pero wala akong kilalang may ganoong pangalan." Sabi ko. .......shh, sa totoo lang natatandaan ko siya. "Huh? You don't know me? Tinatawag mo palang akong baliw kanina, I'm the ragged old man looking guy who has a long beard and mustache, pati narin ang buhok ko, mahaba rin kanina." Sagot niya. Okay, don't laugh Lian, don't laugh. Ganti mo 'to sakaniya, pinagmukha ka niyang tanga sa harapan nina Cam kanina. "I'm sorry but I don't remember someone like that." Sagot ko. "WHAT?! Seriously? Akala ko pa naman, what the! That's so impossible! You know me! Tsk, I thought I'm gonna get you after this, ang sarap mo pa namang inisin." Sabi niya. Naikuyom ko ang kamao ko, this guy... grr. Saka naman ako napatingin sa bagay na hawak niya, kailan ko pa hinawakan 'yon? When did I hold that? Why did it felt like, I was holding it in my entire sleep? And the strange scenarios... Nakita ko naman na nagtaka siya kung saan ako napatingin kaya napatingin din siya sa bagay na hawak niya. Hindi ko alam pero parang may nakita akong gulat sa mata niya saka niya bigla parang inaalog-alog ang orasan. "Shit." Dinig kong bulong niya. Ilang saglit lang ay lumingon siya saakin kaya tiningnan ko siya ng nagtataka. Baliw parin pala, nasisiraan nanaman ng bait. "Now I know..." Bulong niya. Ah! Baliw talaga siya!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD