LAURA POV NANG matapos kaming kumain ay niligpit na rin nila ang mga hugasin, ayaw muli nila ako ipatulong pero nagpumilit ako sa kanilang dalawa. “Tutulong ako. Wala naman akong gagawin,” sabi ko sa kanila at nagsuot ako ng gloves sa magkabilang kamay ko. Naka—hard gel cutics ako kaya hindi pʼwedeng masira. Sayang naman ang pagpapaayos ko rito. Mahal pa naman kahit libre ni Francheska. “Baby inaanak, are you sure about this? Pʼwede naman kami ni Gavin ang maghugas at manood ka na lang muna habang hinihintay kaming matapos,” sabi ni Ninong Garvin sa akin. Umiling ako sa kanilang dalawa habang binabasa ang mga pinagkainan namin. Tinatanggal ko ang tira—tirang pagkain. “Hindi na po, Ninong Garvin and Ninong Gavin. Kaya ko na ito. Palagi kaya ako naghuhugas sa amin. Kaya huwag na kayong

