LAURA POV UMAANDAR na rin ang kotse at nakita ko kung paano sila patingin—tingin sa aking likod na akala mo ay mawawala ako. “Eyes on the road, Ninong Gavin. And, maging ikaw, Ninong Garvin!” madiin na sabi ko sa kanila. “Hindi naman ako mawawala rito sa backseat. Nakakaloka kayo!” dagdag na sabi ko. Kinuha ko ang aking phone sa sling bag. Nakalimutan kong i—update sina Francheska and Rosy. Sabi pa man din nila ay i—update ko silang dalawa kung maayos na ba kami ni Ninong Gavin. Pasensya, Francheska and Rosy. Masyado lang akong na—enjoy sa nakalipas na dalawang araw. “Baby, hindi lang kami sanay na wala ka sa gitna namin ni Garvin. Kaya patingin—tingin ako sa iyo,” sabi ni Ninong Gavin sa akin. “Hindi sanay? Ilang araw nga tayo magkaaway, right? Kaya eyes on the road, Ninong Gavin. B

