LAURA POV NAKITA ko na ang arkor ng village nila Ninongs. Nandito na rin kami at ilang oras na lang ay makabababa na ako sa kotse. Anong oras na rin kasi lalo naʼt sobrang traffic sa dinaanan namin kanina. Halos sumakit ang puwetan ko dahil doon “We are near, baby inaanak.” sabi ni Ninong Garvin sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Okay po.” sagot ko sa kanya at pumasok na nga sa loob ng village ang sasakyan niya. Nakita ko na ang familiar na mga bahay sa paligid hanggang tumigil na ang sinasakyan namin. Nandito na kami sa bahay nila. Kusang bumukas ang gate, tumuloy ang sasakyan hanggang pumarada ito sa tapat ng main door nila. Naunang bumaba sina Ninong Gavin and Ninong Garvin sa akin. Binuksan naman ni Ninong Garvin ang pinto sa right side ko, siya ang nagtanggal ng aking seat belt

