ALL OF ME CHAPTER 6

1180 Words
ALL OF ME CHAPTER 6 Agad dumiretso si Erickson sa condo unit ni Bianca. Nagbuzzer siya at agad bumukas ang pinto. Nakamini dress lang si Bianca at nakaayos. Malawak ang ngiti nito at agad yumakap sa binata. Hinika niya si Erickson at hinalikan ng malalim. Yumakap siya sa batok nito at ikinawit ang kanyang mga binti sa baywang ni Erickson. Hayok na hayok si Bianca na tila ba ilang taon silang hindi nagkita ng binata. Pilit naman itong pinipigil an ni Erickson. Subalit mas lalong naging mapusok si Bianca. Hindi naglaon at nadala na rin si Erickson. Nag-init na rin ang kanyang katawan at naganap ang kanilang pagiging isa. "Anong bang pinagkakaabalahan mo ngayon, mahal?" Malambing na tanong ni Bianca kay Erickson habang nakayakap pa rin siya dito. Tumingin si Erickson kay Bianca, at tinitigan niya ito nang matagal. Hinaplos niya ang mukha ng kanyang nobya. Napakunot-noo naman si Bianca sa ikinikilos ni Erickson. "Kinakabahan ako sa pagiging tahimik mo," mahinang wika ng dalaga. Nagbawi ng tingin ang binata at tumingin sa kisame. Lumunok muna siya bago magsalita. "God knows how much, I love you Bianca." Madamdaming sabi niya sa dalaga. "I know that, and I love you too." Masayang sagot ng dalaga. "And God knows I don't want to hurt you," malungkot na turan ni Erickson saka muling tiningnan ang nobya. Napabangon si Bianca at nagbihis, sumunod din si Erickson. Kapwa sila umupo sa gilid ng kama. "Diretsuhin mo na ako, Erickson." Inis na sabi ni Bianca. "I'm sorry," mahinang tugon ng binata. "For what? Meron ka na bang iba? Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan this past few days?" Sunod-sunod na bigkas ni Bianca. Tila naman nadurog ang puso ni Erickson sa nakitang pagkatuliro ni Bianca. Hinawakan niya ito sa balikat at niyugyog. Tumigil si Bianca sa pagkatuliro. "No! At lalong wala akong iba, it's just happened recently." Paliwanag ni Erickson. "Then why didn't you tell me?" Mahinahong tanong ni Bianca. "Because I don't know where to begin, yung hindi ka masasaktan." Sagot niya sa dalaga. Napatitig si Bianca sa kasintahan. "What's your problem then?" Nag-aalalang tanong ni Bianca kay Erickson. Tumitig si Erickson sa dalaga at napalunok siya. So, this is it! Ani niya sa kanyang isip an. "Erickson?" Turan ni Bianca at naghihintay sa sasabihin ng binata. "Bianca, I'm sorry Baby! But I'm getting married." Sa wakas ay nasabi rin niya sa kanyang nobya. Nanlaki ang mga mata ni Bianca at napaawang ang kanyang mga labi. Umiling-iling ito at hindi makapagsalita. Malungkot si Erickson na tumingin dito. Ilang sandali pa at napatawa si Bianca. "Are you kidding me?" Tanong nito sa kanya. "Bianca, I am serious." Sagot ng binata. "No! Don't do this to me, Erickson!" Maluha-luhang sabi ni Bianca. "Gusto ko! Gustong-gusto ko pero wala akong magawa," malungkot na sagot ni Erickson sa dalaga. Biglang yumakap ang dalaga sa binata at umiyak. Humagulhol ito at nagsusumamo sa binata. Parang sinaksak ng maraming kutsilyo ang kanyang puso. Ngunit wala talaga siyang magawa. "Okay lang sa akin na maging kerida basta huwag tayong maghihiwalay," wika ni Bianca kapagkuwan. Gulat na napatingin si Erickson kay Bianca. "Anong pinagsasabi mo?" Maang na tanong ng binata sa dalaga. "I'm willing, Erickson basta huwag mo akong hihiwalayan. Besides ako ang nauna sa buhay mo and that marriage, napilitan ka lang." Saad ni Bianca. "Mahirap ang sinasabi mo, oo arrangement wedding lang iyun ngunit mahalaga sa reputasyon ng aming pamilya." Paliwanag ng binata. "I don't care! I do love you and you love me too, tayo pa rin Erickson please?" Determinadong sagot ng dalaga. Hindi nakasagot si Erickson sa sinabi ni Bianca. May punto ito pero pag-iisipan pa rin niya. "Pag-iisipan ko, gusto ko yung hindi rin magagalit si lolo," tugon niya. Ngumiti ang dalaga at yumakap siya kay Erickson. Ilang saglit pa ay magkasabay na silang kumain. Nanood sila ng pelikula at muling may nangyari sa kanila. Papadilim na nang magpaalam siya sa kanyang nobya. Mansyon. Hindi mapakali si Rhianna dahil maghapong hindi bumalik ng mansyon si Erickson. Papadilim na pero wala pa ito. May narinig siyang ugong ng sasakyan at agad siyang dumungaw sa veranda. Napangiti siya dahil si Erickson na ang dumating. Agad siyang bumaba at sinalubong niya ito. "Hi! Ginabi ka na yata," mabining tanong niya sa binata. Napakunot-noo si Erickson sa tanong sa kanya ni Rhianna. "Kahit hating-gabi ako dumating, wala kang dapat ipag-alala," malamig na sagot nito sa dalaga. "Kumusta naman ang lakad mo?" Pag-iiba ni Rhianna ng kanyang tanong. "Bakit ba madami kang tanong? Hindi pa tayo mag-asawa kaya huwag kang umasta." Mariing wika ni Erickson. Hindi nakasagot si Rhianna sa sinabi ni Erickson. Napahiya ang dalaga at napatungo siya. "Go to sleep don't mind me, kumain na ako." Ani nito at iniwan na niya ang dalaga. Parang kinurot naman ang puso ni Rhianna sa mga inasta ni Erickson. Subalit hindi siya bibigay, gagawin niya ang lahat mapaamo lang ang binata. Humakbang na rin siya patungo sa kanyang kwarto at malungkot na humiga. Samantalang tila nakunsensiya naman si Erickson sa naging ugali niya kanina kay Rhianna. Pero talagang nairita siya sa katatanong nito sa kanya. Hindi niya lang napigilang mainis sa dalaga kanina. Ngunit wala siyang balak na saktan ito. Bumuntong -hininga siya at naisip ang sinabi ni Bianca kanina. Puwede din ang sinabi nito huwag lang sila mahuli ng kanyang lolo. Oo, ganun na nga ang gagawin nila ni Bianca. Si Rhianna, kakausapin niya din ito pagkatapos ng kanilang kasal. Sasabihin niya rito ang kanyang mga kondisyon bilang asawa niya. Nasa gayon siyang pag-iisip ng may kumatok. Bantulot niyang tinungo ang pinto at walang ganang binuksan iyun. Iniluwa ng pinto ang kanyang lolo. Napatitig siya rito at inanyayahang pumasok. "Magmula sa araw na ito ay bawal ka nang makipagkita kay Bianca, umaasa akong nasabi mo na ang lahat-lahat sa kanya." Agad na sabi ng Don nang makapasok ito sa loobng kwarto ni Erickson. "Grandpa, I requested that give me two days." Mahinang sagot niya sa kanyang lolo. Humarap ito sa kanya a tinitigan siya. "Make it quick! No more excuses, and one more thing." Turan ng matanda. Hinintay niya ang sasabihin pa ng kanyang lolo. "Respect your wife especially when she is asking you!" Mariin nitong sabi. Natigilan si Erickson sa sinabi ng kanyang lolo. Naalala niya ang pag-uusap nila kanina ni Rhianna. Nagtagis ang kanyang bagang. "Nagsumbong ba siya sa inyo?" Medyo inis niyang tanong. "Hindi! But I heard you, I'm watching you Erickson, always remember that." Seryosong tugon ng Don at iniwan na niya ang binata. Hindi nakaimik si Erickson at sinabunutan ang sariling buhok. "Bullshit!" Malutong niyang mura at pabagsak na nahiga sa kanyang kama at pinilit na makatulog kahit sandali lamang. Kailangan may gawin siya upang hindi dito sa mansiyon sila tumira ni Rhianna pagkatapos nilang makasal. Kailangang makadistansiya sa kanyang lolo kahit konti dahil sakal na sakal na siya. Kakaibiganin niya si Rhianna at sasabihin niya sa dalaga na ito ang magsabing bubukod sila pagkatapos ng kasal nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD