ALL OF ME 7
Maagang gumising si Rhianna dahil magpapasukat sila ni Erickson ng kanilang wedding dress na susuotin. Excited siyang makasama ang binata ng silang dalawa lang. Simple lang ang kanyang sinuot na puting bestida na may blazer dahil tube dress lang iyun. Nagmukha tuloy siyang napakalinis na dalaga at napakainosente.
Masaya siyang lumabas ng kanyang silid at bumaba na. Nakita niyang nakaupo si Erickson sa sofa at tila hinihintay siya. Napakakisig nito sa blue polo na tinernuhan ng hapit na jeans. Lumitaw ang pagkamacho nito. Tumingin ang binata sa kanya at matipid na ngumiti.
"Good morning!" Nahihiya niyang sabi rito.
"Good morning!" Sagot ng binata at bahagyang ngumiti sa kanya.
Naaliw siyang tingnan ang binata lalo na at ngumiti ito sa kanya. Kumunot-noo ang binata sa kanya.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Nakangising turan ng binata.
"Wala! Mas maganda pala kapag nakangiti ka nang ganyan." Masayang sagot ni Rhianna.
Nawala ang mga ngiti sa labi ni Erickson. Kung alam lang ni Rhie na nag-uumpisa pa lang siyang linlangin ito. Mukhang hindi naman siya mahihirapan sa kanya.
"Shall we go?" Tanong niya sa dalaga at pinilit niyang ngumiti.
Tumango ang dalaga at kumapit ito sa braso ng binata. Natigilan si Erickson, dahil nakaramdam siya nang parang kuryente na nanuot sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Napatikhim siya at binalewala niya ang kanyang naramdaman.
Sabay silang lumabas ni Rhie at lumulan na sila sa sasakyan.
Nakangiti naman si Don Facundo na nakatanaw sa dalawa na papalayo.
"Hindi kaya may binabalak si Erickson, Grandpa?" Untag ni Ram sa kanyang lolo nang makita niyang masaya itong nakamasid sa dalawa.
Lumingon ang Don sa kanyang apo.
"Alam ko, Ram pero hangga't buhay ako hindi magkakaroon nang pagkakataon ang Bianca na iyun na pumasok muli sa buhay niya." Sagot ng Don.
"Anong gagawin natin, lolo?" Muling tanong ng binata sa abuwelo.
"Let's sit, enjoy the show and be with the flow of it." Tugon ng matanda sa apo.
Tumango-tango si Ram at ngumiti.
Very well said, aniya sa kanyang isipan.
Nagpaalam na si Ram sa kanyang Grandpa at umalis na siya. May trabaho din siya ngayon na kailangan niyang asikasuhin.
Nag-isip ang matanda at tumingin sa malayo.
You will see of it, bulong niya at naglakad palabas ng mansiyon.
Samantala, nakarating na rin sina Rhianna at Erickson sa kanilang pupuntahan. Inalalayan niya ang dalaga palabas ng sasakyan hanggang sa makapasok sila sa wedding courterier. Agad silang sinalubong ng mga staff doon dahil kilalang-kilala nila si Erickson. Dahil naitawag na sa mga ito na sila ang kliyenteng ikakasal ilang na lang.
"Magandang umaga sa inyong dalawa," magalang na bati ng kanilang manager.
Tumango lang si Erickson at ngumiti naman si Rhianna.
Pinaupo sila at pinakita ang mga gusto nilang design na gagamitin sa kasal. Dahil kalahati lang ang dugo nilang intsik ay nagpasya silang mag-trahe de boda. Gaya ng ibang ikinakasal sa simbahan.
Tiningnan ni Rhianna ang kanilang color motiff sa kasal. Masaya niyang binalingan si Erickson.
"Which one do you like?" Tanong niya rito.
"Any color," maikling sagot nito sa kanya.
Tumingin siya sa wedding staff.
"I want purple and peach," nakangiti niyang sabi sa mga ito.
Isinulat nila iyun sa kanilang mga notes at kinuha ang dalawang kulay na nasa kamay ng dalaga.
"Yung sa mga abay, gusto ko salitan purple din at peach." Sabi niya ulit sa mga staff.
Ngumiti ang mga ito at tinanguan siya.
"Ikaw, anong gusto mong suotin ng mga lalaking abay?" Baling niyang tanong kay Erickson.
Tumikhim ang binata. At pinilit niyang sumagot.
"Kung anong isusuot ko, yun na lang din sa kanila." Napipilitang sagot nito.
"Okay," mahinang tugon ng dalaga.
Marami pa silang pinag-usapan ngunit nanatiling lutang lang si Erickson. Halos si Rhianna na ang nagdedisyon ng lahat. After all, hindi iyun ang dream nilang kasal ni Bianca. Wedding beach ang gusto ng kanyang nobya para maiba daw. Pero hindi na iyun matutupad dahil iba na ang pakakasalan niya.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Untag sa kanya ni Rhianna.
Kumurap-kurap siya at tumingin siya rito.
"Kain muna tayo bago tayo pumunta sa family planning seminar." Sagot ng binata at nauna na siyang naglakad.
Malungkot na sinundan ng kanyang paningin ang binata. Halatado kasing napipilitan lang ito. Lumingon si Erickson sa kanya at hinintay siya. Bantulot siyang sumunod sa binata.
Sumakay silang muli sa sasakyan at naghanap ng restaurant na malapit lang. Hindi naman sila nabigo at agad silang nakahanap. Isang mamahaling restaurant iyun. Sabay silang pumasok at humanal ng bakanteng mesa.
Maganda ang restaurant dahil may musiko pa ito sa ibaba. In short, romantic ang ambiance ng paligid.
"Anong oorderin mo?" Tanong ni Erickson kay Rhianna.
"Steak lang sa akin saka, gusto ko ng carrot cake." Sagot ng dalaga.
Natigilan ang binata. Tinitigan niya ang dalaga.
"Paborito mo pa rin pala ang carrot cake hanggang ngayon." Turan ng binata.
"Oo, dahil malaki ang remembrance ko sa carrot cake at hindi ko iyun malilimutan." Masaya niyang sinabi sa binata.
Hindi nakaimik ang binata. Naalala niyang siya ang unang nagpakain ng carrot cake rito. Dahil nga ayaw nito ang carrot. Napangiti ang binata ng maalala iyun. Iyakin pa kasi si Rhianna ng mga panahong iyun.
"Naalala mo?" Nakangiti ring tanong ng dalaga.
"Oo naman! Ayaw na ayaw mo sa carrot tapos nung nagbake ako, gusto mo naman pala." Tatawa-tawang wika ng binata.
Kahit papaano ay nakaramdam nang saya si Rhianna dahil hindi pa pala nalilimutan ni Erickson ang tagpong iyun. Dumating ang kanilang order at magana na silang kumain. Kahit si Rhianna ay napadami nang kain dahil hindi na malamig sa kanya ang binata. Para silang nagbalik noong mga bata pa sila.
Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sila sa restaurant. May nabunggo si Rhianna dahil nalaglag niya ang kanyang panyo. Pinulot niya iyun at tiningnan kung sino ang kanyang nabunggo.
Isang babaeng sopistikada at maganda.
"Naku! Sorry hindi ko sinasadya!" Hingi niya nang paumanhin sa babae.
Tumaas ang isang kilay ng babae. Medyo nauna si Erickson dahil nga nalaglag ang kanyang panyo. Bumalik si Erickson. Nagitla ito nang makilala kung sino ang babaeng nabangga niya.
"Bianca!" Bulalas nito.
Nagliwanag ang mukha ng dalaga at akma niya sanang yayakapin ang binata pero umiwas ito sa kanya. Nagtaka ang dalaga na napatingin kay Erickson.
"Mahal," anas nito.
Umabot iyun sa pandinig ni Rhianna at sinulyapan niya ang babae saka tuminging muli kay Erickson.
"Ickson, sino siya?" Tanong pa rin niya sa binata, gusto niyang makatiyak.
Tumingin sa kanya ang binata.
Lumapit ito sa kanya.
"Rhianna, si Bianca may girlfriend." Diretsong pagpapakilala ni Erickson.
Para siyang binaril sa narinig at napatitig siya sa babae. Tumitig din ito sa kanya na tila inaarok siya nang tingin. Humugot siya nang malalim na hininga at nginitian niya ito.
"Hi! Nice meeting you, by the way I am his future wife." Sabi niya rito.
Nakita niyang tumalim ang titig nang babae sa kanya.
Ngumiti rin ito sa kanya subalit halatadong napipilitan lang.
"Hi! Nice meeting you too, but I am his true love." Wika nito na pinakadiinan pa ang salitang true love.
Tila may nagbara sa lalamunan ni Rhianna. Tumikhim si Erickson at tumingin ito sa kanya.
"Rhianna, can you give us a moment to talk?" Tanong ng binata sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti.
"Sure! Hihintayin kita sa kotse." Sagot niya at tumalikod na siya at naglakad papalabas.
Matalim namang sinundan ni Bianca nang kanyang tingin si Rhianna. Hinawakan ni Erickson ang kamay ni Bianca at hinila niya ito papunta sa labas ng restaurant sa may gilid.
"Sinusundan mo ba ako, Bianca?" Tanong ng binata sa dalaga.
"Oo! Mula ngayon lahat nang lakad mo susunod ako." Inis na sagot ng dalaga.
"My God! Alam mo bang mas lalo tayong mapapahamak sa ginagawa mo?" Inis ding wika ng binata.
"Bakit? Dahil ba maganda siya kaya hindi ka makatanggi?" Nang-uuyam na tanong ni Bianca.
"Listen up! Stop doing this dahil may plano ako, baka mapurnada pa dahil sa kagagawan mo." Paliwanag ni Erickson.
Natameme si Bianca at napatitig ito sa binata.
"Totoo?" Nakangiti nang tanong ng dalaga sa binata.
Tumango si Erickson. Nagdiwang ang puso ni Bianca at tinangka niyang yakaping muli ang binata.
"No! In public don't do this, maraming mata si lolo na nakasubaybay sa akin." Paliwanag ng binata.
Napasimangot si Bianca at nagdabog.
"Sige na! Umuwi ka na may pupuntahan pa kaming seminar ni Rhianna, para matapos na." Sabi ni Erickson dito.
"Sige na nga!" Inis na tugon nito at humakbang na ito papalayo kay Erickson.
Napadaan si Bianca sa harap ng kotse ni Erickson at matalim niyang tinitigan si Rhianna sa may bintana ng sasakyan. Nakita iyun ni Rhianna pero hindi siya nagpatinag. Nakipagtitigan siya kay Bianca. Umingos ang babae at naglakad na ito palayo.
Sakto namang pumasok si Erickson sa loob ng kotse. Napatingin siya kay Rhianna na tahimik lang. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at pinausad na ito. Wala silang imikan hanggang sa makarating sila sa venue ng seminar. Sabay silang bumaba.
"Rhianna," tawag sa kanya ni Erickson kaya tumigil siya sa paghakbang.
Nakatalikod siya sa binata.
"Huwag na sana itong makarating pa kay lolo," Wika ng binata.
"Kung susundin mo ang law of being married, aasahan mong wala kang maririnig sa akin. Subalit huwag na huwag mo akong lolokohin at aabusuhin." Madamdaming sagot ng dalaga saka niya ipinagpatuloy ang kanyang paghakbang papasok sa loob ng venue.
Naiwan naman si Erickson na natigilan at di maiwasang mag-isip.
Napailing siya at nagpasya na siyang sundan ang dalaga sa loob ng venue.