ALL OF ME CHAPTER 8

1026 Words
ALL OF ME 8 Hindi na nga nag-imikan buong maghapon sina Erickson at Rhianna. Kapwa sila nag-iiwasan na hindi nalingid kay Don Facundo. Kaya gumawa siya nang paraan para mapuntahan si Bianca sa condong tinutuluyan nito. Nagulat naman si Bianca nang makita ang Don sa labas ng pintuan nang buksan niya ito. Nagyuko siya tanda ng paggalang sa Don at niyaya niya ito sa loob pati ang dalawang bodyguard nito. "Upo tayo, Don Facundo." Kiming sabi ni Bianca. "No need, hindi ako magtatagal gusto lang kitang makausap." Tanggi ng Don. "Ano pong pag-uusapan natin?" Tanong ng dalaga. "Name your price just stay away from my grandson." Diretsong saad ng Don. Natigilan si Bianca sa sinabi ni Don Facundo. Tumingin siya rito. "Mahal ko po ang apo niyo," sagot niya. "Siyanga ba?" Nakangising turan ng Don at sinenyasan ang isa nitong bodyguard. Tumalima ang bodyguard at inilapag ang isang attache case sa harapan ni Bianca at binuksan iyun Punung-puno ng mga pera ang loob nu'n at nanlaki ang mga mata ni Bianca. Napalunok siya at muling tumingin kay Don Facundo. "Sabihin mo sa akin kung kulang pa iyan," wika ng Don. "Pag-iisipan ko pa po," mahinang sagot ng dalaga. "I want your answer right now!" Seryosong tugon ni Don Facundo. Muling tiningnan ni Bianca ang pera na nasa harapan niya. "That is three million Bianca, kung kulang you can tell me." Muling wika ng Don. Kumurap-kurap si Bianca. Tumungo siya at muling nag-angat ng mukha. Tiningnan niyang muli ang Don. "Isa lang ang gusto kong mangyari," mahinang sabi niya. "Gusto kong umattend sa kasal nila for the last time." Pagpapatuloy nitong sabi. Napangiti ang Don sa sinabi ni Bianca. "Well, I am agree but promise me that you will never make a scene there." Masayang sagot ng Don kay Bianca. "May isa pa po akong gusto," tugon ng dalaga. "Ano 'yun?" Tanong ni Don Facundo. "I want six million!" Ani ni Bianca. "Sure! Now the deal is over make sure you will obey me or else alam mo na ang mangyayari sayo." Sagot ni Don Facundo saka nagpaalam na ito sa dalaga. Napakagat labi si Bianca habang tinititigan ang tatlong milyon na nasa kanyang harapan. Binuhat niya iyun at ibinuhos sa kanyang kama saka siya nahiga. Humalakhak siya ng pagkasaya-saya. Mansion. Nakatanaw lang si Rhianna sa mga decorators na busy sa paglalagay ng mga iba't-ibang palamuti para sa kasal nila ni Erickson bukas. Engrande kasi iyun kaya todo paganda ang mga ito sa mansion. Mga tanyag at mayayaman ang halos bisita nila bukas. "I'm sorry yesterday," tinig ni Erickson ang kanyang narinig mula sa kanyang likuran. Humarap siya sa binata at pinilit ngumiti. "Okay lang, I just want to remind you your limitations especially kapag kasal na tayo." Sagot niya rito. "I promise!" Tugon ng binata at tumabi sa dalaga. Sabay nilang pinanood ang mga decorators na abala sa kanilang mga ginagawa. "Gusto kong mag-usap tayo nang masinsinan pagkatapos ng kasal." Wika ni Erickson habang nakatingin sa labas. "Ano naman ang ating pag-uusapan?" Tanong ni Rhianna sa kanya na nakatingin din sa labas. "Malalaman mo rin," maikling turan ng binata. "Bakit hindi na natin pag-usapan ngayon?" Muling tanong ng dalaga. Hindi umimik ang binata at tumingin sa dalaga. "Mahal ko siya Rhianna kaya hinihingi kong 'wag mo sanang ipagkait na magkita kami paminsan-minsan." Seryosong saad ni Erickson sa kanya. Tila kinurot ang kanyang puso sa narinig. "Importante sa akin ang kasal at reputasyon Erickson, kaya igalang mo ito ang buhay may asawa walang ibang third party." Sagot niya sa binata. "Hindi ka ba pumapayag?" Tanong ng binata sa kanya. "Gaya nang sinabi ko, kapag kasal na tayo natuldukan na rin ang relasyon niyo." Turan ni Rhianna kay Erickson at tumalikod na siya saka lumayo. Ayaw niyang makita ng binata na sobrang nasasaktan siya. Gusto niya kasing masaya ang kanilang pagsasama. 'Yung tipong walang awa at pagmamakawa na magaganap. Napabuntong-hininga naman si Erickson dahil tumanggi si Rhianna sa gusto niya sanang mangyari. Napapamura siya sa kanyang sarili at sa nangyayari. Inis siyang lumabas ng mansiyon at nagpunta sa may hardin. Tumayo siya roon at pinapanood ang mga decorators na gumagawa sa mga dekorasyon. Nausal na sana panaginip na lang ang lahat upang paggising niya ay normal pa rin ang takbo ng kanyang buhay katulad nang dati. Noong hindi pa niya alam na apos na pala ang kanyang arrangement marriage. Ngayon ang gulo na nang kanyang isipan. Hindi na nga niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Paano na namn kaya niya sasabihin kay Bianca na hindi pumayag si Rhianna sa gusto nilang mangyari. Baka tuluyan nang magalit at magtampo sa kanya ang dalaga. "May problema ka ba?" Untag sa kanya ni Vince kapatid ni Ram. Nilingon niya ito. "Halata ba?" Balik tanong niya rito. Tumawa ito nang mahina at tumabi sa kanya. "Iniisip mo ba ang iyong fixed marriage?" Tanong na namn ng binata sa kanya. "Hindi ko lang kasi matanggap," honest niyang sagot. "Bakit hindi mo matanggap? Hindi naman iba sayo si Rhianna." Tugon ni Vince. "Magkaibigan lang kami," maikli niyang sabi. "No! Childhood sweethearts kayo, bakit mo ba nakalimutan?" Wika nito sa binata. Natahimik si Erickson sa sinabi ni Vince. "Ganu'n ba kalakas ang kamandag ni Bianca at nakalimutan mo na ang pinagsamahan niyo ni Rhianna?" Pagpapatuloy pa rin ni Vince. "Iba ang kaibigan sa iniibig," seryoso niyang saad. "Alam ko, at iba din ang seryoso sa pag-ibig at bulag sa pagnananasa." Tugon ni Vince. Tumingim siya nang diretso sa pinsan. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya rito. "Ikaw, saan ka sa dalawang iyun?" Tanong din nito sa kanya. "Kanino ka ba boto talaga sa akin?" Tanong ulit ni Erickson kay Vince. "Siyempre du'n ako sa kilala ko na simula't sapul. Hindi naman siya mahirap mahalin lalo na at may pinagsamahan kayo dati pa." Mahabang sagot ni Vince. Hindi nakasagot si Erickson sa sinabi ni Vince. Napasulyap siya kay Rhianna nanakikitulong sa mga decorators. Nakangiti ito at nakikipagbiruan. Maganda talaga ito at mabait pero talagang hindi ito ang tinitibok ng kanyang puso. Matuturuan niya kaya ang kanyang pusong mahalin si Rhianna?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD