ALL OF ME CHAPTER NINE

1146 Words
ALL OF ME 9 Maagang gumising si Rhianna dahil ito ang araw ng kanyang kasal. Excited siya at maligayang- maligaya. Ang dating pangarap niya ay natupad. Ang ang pangarap niyang lalaki na mapapangasawa at makakasama habang buhay ay nagkatotoo, si Erickson. "Smile ka lang ma'am," nakangiting sabi ng kanyang make-up artist. Nginitian niya ito at tinanguan. Pagkatapos siyang ayusan ay isinuot na niya ang kanyang wedding gown. Mahaba iyun at tubeless, kaya kitang-kita ang kanyang kaputian at kakinisan. Buong paghanga siyang tinitigan ng mga wedding coordinators. "Perfect! Napakaganda mo po, Mrs. Rhianna Lei Cortez!" Bulalas ng kanilang manager habang buong paghangang pinagmamasdan siya. Ngumiti siya at nagpasalamat. "Congratulation, maam!" Sabay-sabay namang sinabi ng mga staff nito. "Thank you!" Sagot niya at niyaya na siya ng mga ito na lumabas na ng silid. Samantalang nauna na sa simbahan si Erickson. Kasama niya ang mga abay na lalaki at angkan nila bilang groom. Susunod ang angkan ng bride, ayun sa pinagkasunduan. "Best wishes!" Wika ni Ram sa kanya. Tiningnan niya lang ito pero hindi niya sinagot. "Fix your face, the bride has coming!" Bulong sa kanya ng kanyang tita. Inayos niya ang kanyang tindig at pinilit ngumiti. Maya-maya pa ay dumating na ang bridal car. Nagsipasok ang lahat pati si Erickson dahil hihintayin niya si Rhianna malapit sa altar. Nagsimula nang magmartsa ang lahat. Mula sa mga flower girls, ring bearers at mga abay. Sumunod ang bride's maid and groom's man. Sumunod si Rhianna, ang napakagandang bride. Napalitan ng malamyos na musiko ang tugtog. Lahat ay humahanga sa angking kagandahan ng dalaga sa suot na wedding gown. Lalo na ang mga kalalakihang naroon sa simbahan. Maging si Erickson ay humanga sa kanyang bride. Tinitigan niya ito nang may paghanga. Hindi niya namalayang ngumiti siya sa dalaga. Gumanti din nang matamis na ngiti si Rhianna kay Erickson. Nag-uumapaw ang kanyang kasiyahan, dahil nakikita niyang humahanga sa kanya ang binata. Lalo ja ngayong nginitian siya nito nang bonggang-bongga. Nakarating din si Rhianna sa harap ni Erickson. Inabot niya ang kamay ng binata at magkahawak-kamay na humakbang patungo sa altar. Kapwa sila umupo sa harapan ng paring magkakasal sa kanila. Maya-maya pa ay nagsimula na ang sermon ng pari para sa dalawang ikinakasal. "What is the feeling watching them, Bianca?" Bulong ni Romeo sa dalaga, nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nakita nito nang papalapit siya. Nakasunglass kasi ito nang malaki at itim ang salamin. Napaigtad ito at agad humarap sa binata. "Ofcourse masakit!" Inis na sagot nito kay Romeo. "Really?" Natatawang turan ni Romeo. "What are trying to say?" Maarteng tanong ng dalaga kay Romeo. "Nothing," maikling tugon ni Romeo. Kapwa sila napatigil nang marinig nilang nag- " I do" si Rhianna. Si Erickson naman ang tinanong ng pari pero hindi sumagot ang binata. Humakbang si Bianca na akmang lalapit sana sa harapan ngunit pinigilan ni Romeo at hinawakan ito sa kamay. Galit na napatingin si Bianca kay Romeo. "Let me go!" Mariing sabi ng dalaga. "No! Don't interrupt them," seryosong wika ng binata. Piniksi ni Bianca ang kanyang kamay kaya nabitawan siya ni Romeo. Naglakad ito palapit sa harapan subalit bago pa makarating ay humarang sa kanyang daraanan si Don Facundo. "Are you trying to break the deal?" Paanas na tanong ng Don at matamang tinitigan si Bianca. Nag-iwas siya nang tingin at napayuko. "Another three million has been forwarded to your account, check it." Madiing sabi ni Don Facundo. Sasagot sana si Bianca nang marinig niyang nag- " I do" na si Erickson. Nanghina siya sa narinig at maluha-luhang tumalikod. Kahit papaano ay nasaktan siya. Humakbang siya papalabas ng simbahan. Dire-diretsong lumulan sa kanyang sasakyan at umalis na roon. Nagpalakpakan ang mga nandu'n sa loob dahil humihingi ang mga ito nang kiss. Namumula naman sina Erickson at Rhianna dahil sa gusto ng kanilang mga pamilya. Nagkatitigan sila at nahihiyang nagkangitian. Dahan-dahang inilapit ni Erickson ang kanyang mukha at kay Rhianna at itinaas nito ang belo ng dalaga. Mabini niya itong hinalikan sa labi, kapwa sila tila nahumaling sa halik na yun kahit smack lang. Saka lang sila nagmulat nang maghiyawan ang mga nandu'n. Pahiyang-pahiya silang dalawa. Pagkatapos ay lumabas na silang lahat. At magkakasabay na sinundan ang bridal car papunta sa venue ng okasyon. Mansiyon. Napakaraming bisita ang naroon, mga mayayaman sa mundo ng business. Masaya ang lahat at nag-eenjoy. Hanggang gabi ang kaganapang iyun kaya bongga. Catering ang pagkain kaya eat all you can. Bago pumasok sa mansiyon ay inihagis ni Rhianna ang kanyang boquet sa mga nakahilerang kababaihan. Nang may nakasalo na ay nagpatuloy na sila sa pagpasok. "Congrat's" sabay-sabay na salubong ng mga naru'n. Nagpasalamat sila at dumiretso na sa kanilang table at nagsikain na sila. Pagkatapos kumain ng mag-asawa ay sinabihan silang magbihis na ng mas komportableng damit. Sumunod ang dalawa. Tinulungan pa rin siya ng mga staff ng wedding coordinators. Red sphagetti strap casual wear ang pinasuot sa kanya. Tama lang hanggang tuhod na mas lumutang ang kanyang kaputian. Muli siyang hinangaan ng mga staff na ikinatawa niya. At dahil may lahi silang intsik, kaya pula ang kanyang damit ngayon. Lumabas na siya at nakita niyang nakapula din pala si Erickson na polo. Hinangaan niya ang kakisigan ng kanyang asawa. Lumapit siya rito at hinawakan niya ang braso ni Erickson. Nagulat pa ito sa kanyang ginawa. Bahagya siya nitong nginitian. "Wow! Jackpot ka kay misis ah!" Bulalas ng kausap ni Erickson. Nginitian niya lang ito. "Thank you pero sa akin na siya eh! Kaya sorry ka na lang." Sagot ni Erickson dito. Tumawa ang kausap ng kanyang asawa. "Okay, congratulations!" Wika ng lalaki. "Siya si Emerson, son of Ching group." Pagpapakilala ni Erickson sa kaharap nila. "Hi! Nice meeting you!" Tugon niya at nakipag- kamay siya sa lalaki. Pagkatapos nu'n ay lumayo na sila kay Emerson. Pinuntahan naman nila ang iba pang mga panauhin. Pinagmamasdan niya si Erickson, mukhang masaya namn ito. "Puwede ba tayong mag-usap?" Baling sa kanya ni Erickson. "Sure!" Pagsang-ayon niyang sagot. Hinawakan siya ng kanyang asawa sa kamay at humakbang na. Dinala siya nito sa isang kwarto. Saka ito tumingin sa kanya. "Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya rito. "Rhianna, gusto ko sa condo ko tayo titira." Sagot ni Erickson. Napaawang ang bibig ni Rhianna. "Why? Maluwag naman ang mansiyon?" Tugon ni Rhianna. "Gusto ko sanang magsimula tayo ulit ng tayo lang." Wika ng kanyang asawa. Totoo ba ito? Tanong niya sa kanyang sarili. "Please? And I want you to tell lolo baka ayaw pumayag kapag ako ang magsabi." Pagsusumamo ni Erickson kay Rhianna. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Rhianna at agad siyang pumayag. Natuwa si Erickson kaya niyakap siya. Yumakap din siya sa kanyang asawa. "Lahat gagawin ko para sayo," ani ni Rhianna. Tumango lang si Erickson at hindi na nakita pa ni Rhianna ang makahulugang ngiti ng kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD