BIYERNES ng hapon pagkatapos ng huling subject ni Olivia ay tumambay siya sa hardin sa tapat ng laboratory. Mas gusto niya roon dahil tahimik at walang umaalipusta sa kanya. Wala naman siyang duty sa restaurant kaya okay lang kahit late na siyang umuwi. Nakaupo siya sa bench at nagbabasa ng libro. May mga estudiyante pa sa laboratory na mga nursing student pero hindi naman maiingay ang mga ito. Mamaya ay may narinig siyang sumigaw mula sa laboratory. Napatayo siya at sumugod sa laboratory nang makitang nagsilabasan ang mga estudiyante. May isang babaeng nagwawala habang gapos ng tatlong kalalakihan. Pamilyar sa kanya ang nangyayari sa babae. Nanlilisik ang mga mata nitong nangingitim habang pilit na nagpupumiglas. Inalipin siya ng kaba. Matagal na panahon din noong huli siyang nakakasaks