NAPARAMI ang kain ni Olivia dahil sa nakakatakam na pepper crab at pink salmon steak na in-order ni Val. Brazo de mercedes naman ang dessert nila at mayroon pang cesar salad. Nag-order pa ng for take out na American cheese cake si Val para sa kanya. “Sana hindi ka na nag-order ng cake. Sinabi ko lang na matagal na akong hindi nakatikim ng American cheese cake. E-cancel mo na,” aniya. “Hindi puwede, na-order ko na. Huwag kang mag-alala, maliit lang iyon,” anito. “Magkano naman iyon?” “Eight hundred lang ‘yon.” “Ano? Dalawang maliit na ordinaryong cake na iyon,” angal niya. Ngumisi si Val. “Masyado kang mareklamo. Iniinsulto mo ba ang pera ko?” “Wala akong pakialam sa kung marami kang pera. Para sa akin, sayang ‘yon para sa katulad kong simpleng tao na kailangan pang kumayod twenty-fo