3rd Person's POV; "Arkhon!" Sigaw ng ginang habang hinahabol ang anak na papunta sa parking lot. "Arkhon! Bumalik ka dito anak!" Sigaw ng ginang. "Bantayan niyo si Cross mama babalik ako." Walang buhay na sambit ni Arkhon bago pinindot ang alarm ng kotse at pumasok. "Arkhon!" Sigaw ng ginang dahil bago pa siya makalapit sa kotse pinaandar na yun ng binata. "Arkhon bumalik ka dito!" Punong-puno ng pag-aalalang sigaw ni Aila. "Hayop ka Allen hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa pamilya ko." Nanggagalaiting sambit ng binata habang nakahawak ng mahigpit sa manubela. Haru Vandatt's POV; "Nasaan sina Cohen?" Walang emosyong tanong ko matapos namin makapasok nina Iggy sa mukhang abandonadong gusali at makita sina Tristan at ... Adele. "Easy lang kuya Haru baka gusto niyo munang