3rd Person's POV; Nanatiling nakatayo ang Redtape sa kabilang dulo ng silid habang ang grupo nina Tristan at Adele ay nasa kabilang bahagi ng kwarto. Maya maya napatigil ang Redtape ng bumukas ang pinto at---. "Hayop ka Tristan!" Sigaw ni Cohen at susugurin niya ang mga lalaki ng pigilan siya ng Triplets. "Cohen ayos lang ba kayo?" Ani ni Haru matapos lapitan ang mga binata. "Sana nanatili na lang kayo kung saan kayo nakalagay kanina para hindi na kayo mahirapan." Bored na sambit ni Tristan ng makita sila. "Kuya Haru." ani ni Dreame ng makita ang Redtape. "Kung mapatay mo man kami dito siguradong hindi ka titigilan nina daddy hangga't hindi kayo napapatay!" Sigaw ni Val na kinataas ng gilid ng labi ni Adele. "Yun nga ang maganda dun eh." ani ni Adele habang humihithit ng sigarilyo.