3rd Person's POV;
"Malapit na ang school festival President kaya mas mabuting iwas iwasan na natin ang gumawa ng kahit na anong gulo."
"Yeah at mas makakabuting mas magfocus tayo sa paghahandang gagawin natin para sa competition na mangyayari ngayong taon."
Kasalukuyang nag uusap-usap ang mga miyembro ng students council para sa darating na festival habang si Arkhon ay parang wala sa sariling nakatingin sa labas ng opisina.
"President ano sa tingin niyo?"
"Ha? ... I mean maganda nga yung naisip niyo." Ani ni Arkhon na alanganing ngumiti na kinatingin ng mga estudyante sa loob.
"Mabuti pa bukas na natin ito ituloy mukha kasing wala sa sarili ang student council president natin." Ani ni Venus na kinakamot ng binata sa ulo.
"Sige Vice president mauuna na kami."
Nagpaalam ang lima sa mga estudyanteng nasa loob kasunod ang iba pa bago tumayo at naglakad palabas.
"Kung ano man problema mo Kuya Arkhon mas mabuting isan'tabi mo muna dahil mas mahalaga ngayon ang pag-aayos ng university para sa school fest." Ani ni Venus na kinangiwi ni Arkhon.
"Alam ko yun kulang lang talaga ako sa tulog." Naiinis na sambit ni Arkhon matapos sumubsob sa lamesa.
Hindi sumagot si Venus at naglakad palapit sa isang estante at kinuha ang isang first aid kit.
"Gagamutin ko na ang sugat mo kuya Arkhon." Ani ni Venus na kinatingin ni Arkhon.
"Kaya ko Venus akin---."
"Ako na kuya hindi mo naman kasi ginagamot yan." Putol ni Venus matapos kuhahin ang mga kinakailangang gamot sa lalagyan.
Hindi na sumagot si Arkhon at hinayaan na lang ang babae dahil masyado na siyang pagod para sa araw na yun.
"Aray." Daing ni Arkhon matapos hawakan ni Arkhon ang kamay ng babae para pigilan ng makaramdam siya ng hapdi sa labi.
"Pres--- oww."
Napatigil ang Redtape ng pagbukas nila ng pinto nakita nila si Venus na nakayuko sa table at hawak ni Arkhon ang kamay ng babae.
"Mukhang nakaistorbo kami." Natatawang sambit ni Haru na iba sa pinapakitang emosyon ni Cross na nasa likuran ng binata.
"N-Nagkakamali kayo ng i-iniisip kuya Haru ginagamot ko lang ang---."
"Whoa Venus namumula ka marunong ka din pala magblush." Pang aasar ni Iggy.
"f**k you Iggy!" Napalitan ng inis ang kaninang hiya na nararamdaman ng dalaga matapos asarin ng tinuturing na kababata.
"Aalis na ako kuya Arkhon." Medyo kalmadong sambit ni Venus bago yumuko sa binata at maglakad paalis.
"Ikaw ah Venus may crus--- f**k!" Mura ni Iggy ng dadaan ito sa pwesto nila nang bigla nito sipain ng tuhod niya.
"Suit for you prick!" Inis na sambit ng dalaga bago umalis.
Arkhon Asuncion's POV;
"Siguro naman wala ng gagawin na kalokohan ang Farell at Sillius University matapos ang nangyari last year." Ani ni Percy.
"Para mo na ding sinabing pwedeng lumipad ang baboy at tumahol ang pusa Percy." Banat ni Chase.
"Redtape wala kayong gagawin na kahit na anong gulo hangga't hindi pa natatapos ang school fest." Ani ko na kinakunot noo ni Haru.
"Anong gusto mo mangyari Arkhon hayaan namin ang ginagawang panggugulo ng Sillius?" Tanong ni Haru.
"Walang mangyayaring gulo kung mananatili kayo sa loob ng University." Ani ko.
"Imposible yang sinasabi mo gago." Iritang sagot ni Haru na kinailing ko na lang.
"Alam ko yun sira ulo pero kung hindi kayo sasali sa mga competition siguradong hindi kayo pag iinitan ng---."
"Sino bang kausap namin ngayon Arkhon? Yung tangang Arkhon na nakilala ko 11 years ago o yung student council president na iniisip ang kapakanan ng buong campus?" Putol ni Cross na kinatahimik ko.
"Kung ginagawa mo ito dahil inaalala mo yung banta ni papa na bubuwagin ang C-lite ... nagsasayang ka lang ng oras dahil wala akong pake kung masira ang buong university." Nag gigitgit na sagot ni Cross.
Tatayo ito para umalis kasunod ang Redtape ng---.
"Alam kong alam mo na pag nabuwag ang university ipapatapon ka ng daddy mo sa England diba?" Ani ko na kinatingin ng Redtape sakin habang si Cross ay nanatiling nakatalikod sa pwesto ko.
"Mind your own business Asuncion kung mangyari man yun ... wala kang pakialam." Sagot ni Cross bago tuluyang lumabas ng opisina kasunod sina Haru.
'Tangna.' Napabuga ako ng hangin at napahilot sa sintido ng pumitik nanaman ito.
Bakit ba hindi maintindihan ni Cross na siya lang ang inaalala ko? f**k it.
---
Mahaba ang naging araw na yun para sa akin dahil sa dami ng pipirmahan at aayusin na reports. Hanggang sa mapansin ko na gabi na pala at hindi ko yun mapapansin kung hindi ko narinig ang lagaslas ng ulan galing sa bintana ng opisina.
Napabuga ako ng hangin at bahagyang hinilig ang katawan ko sa sandalan ng swivel chair.
"Kailangan ko na siguro umuwi." Bulong ko bago tumayo at isa isang ligpitin ang mga gamit ko.
Matapos kong ayusin at kuhanin ang mga gamit ko naglakad na ako palapit sa pinto.
"Straight 5 hours mo ako pinag-antay dito."
Nagulat ako ng makita ko si Cross na nakasandal sa railing hawak ang mint na lagi nitong dala.
"Sino naman kasi may sabi na mag antay ka dito?" Tanong ko matapos isara ang pinto at tingnan si Cross na bored na nakatingin sakin.
"Nakakalimutan mo yatang nasa apartment ko ang kapatid mo kaya hindi ako makauwi." Inis na sagot sakin ni Cross na kinatawa ko ng mahina bago siya akbayan ng tumayo na ito ng ayos at maglakad paalis.
"Kampante naman akong wala kang gagawin na masama kay Alica."
"Alam ko kasing ako ang type mo hindi ang kapatid ko." Dagdag ko ng---.
"Oy joke lang!" Ani ko habang natatawang sinalag ang kamao niya ng lilipad yun papunta sa mukha ko.
"f**k off Arkhon kahapon pa ako badtrip sayo tangna ka." Naiinis na sambit ni Cross bago naunang maglakad.
"Pikon mo talaga Devil teka lang." Ani ko bago siya habulin at akbayan ulit.
Napatigil ako ng makita kong tshirt lang ang suot ni Cross at bigla itong bumahing siguro dahil sa umuulan at tanging tshirt at pangbaba lang na uniform ang suot niya.
"Bakit ba kasi naka tshirt ka?" Tanong ko bago hubarin ang suot kong jacket at ipatong yun sa balikat ni Cross.
"Ayos lang ako." Tatanggalin yun ni Cross ng iharap ko siya at ako na mismo ang nagsuot nun sa kanya.
"Malakas ka physically Cross pero napakasakitin mo malakas ang ulan.=_= ako din naman ang papahirapan mo pag nagkasakit ka." Ani ko na kinapokerface niya.
"Sino naman kasi may sabi sayong alagaan mo ako?" Banat ni Cross bago ako inunahan sa paglalakad.
"For your information tayong dalawa lang magkasama sa apartment sino pa ba iniexpect mo na mag aalaga sayo si Haru?" Ani ko na kinatigil ni Cross sa paglalakad.
"Pano naman nasali sa usapan si Haru?" Tanong ni Cross bago ako nilingon.
"Eh sa apartment nga niya balak mo matulog kagabi diba?" Sagot ko na kinataas ng kilay ni Cross.
"Sino naman kaya ang impaktong nakikipaglandian sa opisina niya sa oras ng meeting?" May inis na sambit ni Cross.
Hindi ko tuloy alam kung ngingisi o mapapangiwi ako sa sinagot ni Cross sakin.
Unang una halatang nagseselos siya at pangalawa bata ang pinagseselosan niya.
"Don't tell me nagseselos ka." Pang aasar ko na kinaseryoso ng mukha niya.
"Joke lang hindi ka man lang mabiro." Natatawang sambit ko bago humakbang palapit kay Cross.
Hahawakan ko siya ng---.
"Hindi ko alam kung tanga ka o manhid ka lang talaga. Alam mong gusto kita diba? Then gagawin mong biro pagseselos ko?" Ani ni Cross na kinatigil ko.
"Cross hindi mo alam ang sinasabi mo, naguguluhan ka lang at pareho tayong lalaki ... hindi kita pwede---."
"Alam ko." Putol ni Cross bago ako tuluyang talikuran.
"Cross." Ani ko matapos ko siyang habulin at hawakan sa braso.
"Cross si Alica ang nababagay sayo, gusto ka nina mama para kay Alica. Sana maintindihan mo kung bak--."
"Ni minsan hindi kita naintindihan Arkhon." Putol ni Cross bago ako walang buhay na tiningnan.
"Isang sagot lang ang gusto ko at sa dami ng sinabi mo, wala dun ang sagot na inaantay ko." Dagdag ni Cross na kinatigil ko ng ilang minuto.
"Cross hindi ba pwedeng magkaibigan na lang tayo?" Tanong ko na kinapokerface ni Cross bago tinabig ang kamay ko.
"Gusto mo ba ako?" Tanong ni Cross.
"We're mutual gusto din kita ... bestfriend tay--."
"Funny, we're not Arkhon ... dahil iba ang gustong sinasabi ko sa gusto na definition mo. Magkaiba tayo, dahil kahit kailan hindi kita tinuring na kaibigan." Putol ni Cross na kinabato ko sa kinatatayuan ko.