10

1373 Words
Arkhon Asuncion's POV; FLASHBACK "Cross tara na umuwi na tayo." Nakangiting yaya ko kay Cross matapos ko siyang hilahin palabas ng university. "Bitawan mo nga ako kaya ko naman mag-isa." Sagot sakin ni Cross matapos niyang tumigil at hilahin ang kamay niya sa pagkakahawak ko. "Alam mo ang sungit mo ikaw na nga ang sinasama---." "Arkhon hindi ka ba sasabay samin umuwi?" Napatingin ako sa mga classmate namin ni Cross matapos nilang tumigil sa tabi ko. "May kasabay na kasi ako at sa kanila ako ngayon matutulog overnight." Nakangiting sambit ko. "Oy Cross antay!" Habol ko ng makitang naglalakad na palayo si Cross. Buong buhay ko nakasunod ako sa kanya, patuloy siyang sinasamahan at inaalalayan. Dahil alam kong kailangan niya ako ... patuloy ko siyang sinusundan sa tama o mali man yun na daan kahit dumating sa puntong maipahamak ko ang sarili ko manatili lang ako sa tabi niya dahil kaibigan niya ako at ... nangako ako. "Cross! Ayoko umalis sabihin mo wag ako umalis dito lang ako." Umiiyak na sambit ko ng makita ko si Cross na nakaupo sa gilid ng kama. "Kailangan mong umalis Arkhon." Sagot ni Cross na kinaguho ng mundo ko. "Cross! Pati ba naman ikaw gusto mo akong umalis." Umiiyak na sambit matapos kong hilahin ang kwelyo niya. Ayokong umalis, gusto ko bigyan niya ako ng dahilan para manatili isang salita lang. "Umalis kana Arkhon." Walang buhay na sagot ni Cross matapos salubungin ang tingin ko. "Cro---." Naputol ang sasabihin ko ng halikan niya ako sa labi. Hindi ko alam kung ano ang halik pero minsan ng naipaliwanag yun ni mama dahil nahuli ko sila minsan ni papa at yun ang naging dahilan para suntukin ko si Cross at magalit sa kanya ng sobra. Pumayag ako nun sa gusto ni mama at inienroll ako sa isa sa pinakamagandang school sa France. Nagkaroon ng maraming kaibigan ngunit habang pinagmamasdan ko sila hindi ko pa din maiwasang ikumpara sila kay Cross. Lagi pa din ako nagtatanong kay papa tuwing lumalabas siya ng bansa para kausapin sina Tito Cadmus. "After ng kasal ni Tita Astrid at Tito Cadmus mo babalik na tayo." Ani ni mama habang hinahaplos ang buhok ko. "Ayoko mama." Sagot ko na kinatigil ni mama. Hindi ko alam kung anong dahilan pero ayoko na ulit umalis. Ayoko ng mahati ulit sa hindi ko alam na rason. "Arkhon aalis ka ba ulit?" Napalingon ako kay Cross ng makita ko siya sa lugar kung saan madalas kami magkita para sabay na pumasok sa school. "Hindi mo nanaman ako kailangan dito diba? Andiyan na ang bago mong bestfriend ... si Haru." Ani ko. Anim na taong gulang pa din ako nun pero nakakaramdam na ako ng inis at selos dahil sa idea na ilang buwan pa lang kami nagkakahiwalay may bago na siyang bestfriend. Ilang minuto siyang hindi nagsalita tatalikod ako ng---. "Bakit ba lagi na lang ako naiiwan?" Napalingon ako at napatigil ng---. "Bakit ba lagi niyo na lang ako iniiwan?!" Sigaw sakin ni Cross na kinabato ko sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung anong irereact ko ng makita kong umiiyak si Cross. Bagay na hindi niya ginawa nung time na umalis si Tita, ni hindi ito nagtanong o nagsalita. "Pareho kayo ni mama lagi niyo ako iniiwan!" Sigaw ni Cross bago tumakbo palayo. "Cross!" Sigaw ko bago tumakbo ng madapa si Cross. Tutulungan ko siya ng itulak niya ako at tingnan ng sobrang sama. "Umalis kana! Ayaw na ulit kita makita." Umiiyak na sambit ni Cross na kinaguho ng mundo ko. Tatayo siya para tumakbo ng hawakan ko ang kamay niya na kinatingin nito sa akin. "Hindi kita iiwan Cross, lagi lang ako nasa tabi mo hangga't kailangan mo ako ... hindi ako aalis Cross." END OF THE FLASHBACK. Buong buhay ko nakasunod ako kay Cross, nakaalalay at patuloy siyang binabantayan ... dahil siya ang kaibigan ko. 'K-Kaibigan ko siya at hanggang dun lang yun.' 'Gusto mo maging bestfriend ko ulit diba? Then choose ... sleep with me or cut our ties then leave.' "Bakit ba ang hilig mong gawing komplikado ang lahat Cross?" Bulong ko habang nakatingin sa kawalan. "Sana maintindihan mong hindi lahat ng bukas na daan para sayo pwede mong tapakan at puntahan." Dagdag ko bago pumikit ng madiin at tingnan si Cross na nasa passenger seat. Nakahilig ito sa salamin at mahimbing na natutulog. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko at mahinang iniuntog ang ulo ko sa manubela. 'Arkhon mangako ka, aalagaan mo si Cross hindi mo siya hahayaang masaktan.' 3rd Person's POV; "Kuya?" Ani ni Alica ng makita ang kapatid sa likod ni Cross. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Alica na bahagyang bumagsak ang balikat ng makapasok ang kapatid. "Dito madalas natutulog si Arkhon malapit sa school." Walang ganang sagot ni Cross matapos ibato ang gamit sa sofa. "Eh kuya may credit card ka bakit nakikitulog ka pa sa apartmen---." "Princess kung ano mang balak mo ngayong gabi, sorry mylady pero bata ka pa din at binilin ka sakin ni papa." Natatawang sambit ni Arkhon na kinagusot ng mukha ng dalaga. "Kuya ang dumi ng utak mo w-wala naman akong b-balak gawin at mag-aaral kami ni Cross right." Namumulang sagot ni Alica na kinatawa ng kuyahin bago guluhin ang buhok ng kapatid at lampasan. "Magluluto na ako ng dinner natin, tawagin ko na lang kayo pag-kakain na." Ani ni Arkhon matapos pumasok ng kusina. "Alica kuhanin mo na lahat ng gamit mo ... sa room ko tayo mag-aaral." Walang buhay na yaya ni Cross bago naunang pumasok sa kwarto. "A-Ano s-sige." Nauutal na sagot ng dalaga bago tarantang kinuha ang mga gamit niya sa lamesa at sumunod sa binata. -- Nagsimula na magreview ang dalawa matapos magbihis ni Cross. Habang nag-eexplain si Cross sa mga posibleng lalabas sa exam nakatitig lang si Alica na kasalukuyang lumilipad ang isip at napansin yun ng binata. "Look Alica kung tititigan mo lang ako at wala kang balak magreview umuwi kana sa inyo." Ani ng binata ng hindi tinatapunan ng tingin ang dalaga. "A-Ano nakikinig kaya ako pano nga ulit makukuha yung variables ng Y---." "History pa lang ang iniexplain ko sayo Alica." Putol ni Cross na kinakamot ng dalaga sa pisngi. "May bakanteng kwarto sa kabila pwede mong gamitin yun, bukas na natin ito ituloy." Ani ng binata bago tumayo at aalis ito ng---. "Teka Cross." Napatingin si Cross ng hawakan siya ni Alica at tumayo sa harapan ng binata. "Alam ko naman na gusto mo din ako ... pero bakit ganito ang pakikitungo mo sakin? I mean maganda ako at sexy, tayong dalawang lang dito bakit parang balewala lahat sayo kahit may maganda kang babae na kasama." "Gusto din kita Cros---." "Matulog kana Alica goodnight." Putol ni Cross hahakbang ito paalis ng hilahin siya ni Alica at---. "Alica!" Sigaw ni Arkhon ng pagbukas niya ng pinto nakita niyang kahalikan ng kapatid si Cross. "Ano ba kuya?" May inis na sambit ni Alica ng hilahin siya ni Arkhon. "Ganito kana ba kadesperada?" May inis na sambit ni Arkhon na kinataas ng kilay ng kapatid. "Kuya, I'm freaking 18 years old now at hindi na ako bata." Sagot ni Alica bago kumalas sa pagkakahawak ng kapatid at umalis. "Cross." Tawag ni Arkhon ng lampasan siya ni Cross at tuloy-tuloy na pumasok ng bathroom. "Bakit hindi ka pumalag? Hinalikan ka ng kapatid ko diba? Don't tell me gusto mo din na hinalikan ka ni Alica?" May inis na sambit ni Arkhon matapos sundan si Cross na pumasok sa bathroom at naghilamos. "Mas gusto ko tuloy isipin na nagseselos ka kaysa sa concern ka sa kapatid mo." Sagot ni Cross na kinatigil ni Arkhon. "Wag mong ibahin ang topic Cross bakit hindi ka nagreact? Hindi ka man lang nagalit." Flat na tanong ni Arkhon. "Kailangan ba lahat ng ipapakita at nararamdaman ko iexplain ko sayo Arkhon? Bigdeal ba yung hindi ako nagreact sa kapatid mo?" Balik na tanong ni Cross matapos tumingin sa salamin at tingnan ang reflection ni Arkhon na nasa likuran niya. "Ito naman gusto mo diba?" Ani ni Cross bago humarap sa binata at maglakad palapit sa pwesto nito. "Ang magkalapit kaming dalawa, na hindi na din masama, she was a good kisser anyway." Dagdag ng lalaki bago lampasan si Arkhon na mabilis nagdilim ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD