Kabanata 1

1268 Words
THIRD PERSON'S POV Humahangos ang dalagang si Marie na pumasok sa loob ng simbahan. "Sister Olive! Sister Olive!" Paulit-ulit na tinatawag ng dalaga ang pinakamatandang madre nila sa simbahan. Nang makita ng dalaga ang matanda ay agad niyang sinabi ang pakay. Dali-daling lumabas ang dalawang babae at pumunta sa malaking pintuan ng simbahan kung saan may nag-iwan ng isang napakagandang sanggol. "Uwaah, uwaah, uwaah!" iyak ng isang sanggol. Agad itong kinuha ng mga madre at ipinasok sa loob ng kumbento dahil tila may paparating na ulan dahil sa malamig na hangin na humahaplos sa kanilang mga balat. Nang maipasok nila ang sanggol, agad nila itong nilinisan at dinamitan ng bagong damit. Pinabilhan din ni Sister Olive agad ng gatas ang sanggol dahil tiyak na nagugutom na ito. "Sister, nakabili na po ako ng gatas at bote, ipinagtimpla ko na rin siya para makadede na. Kawawa naman. Nagugutom na." Kinuha ni Sister Olive ang bote ng gatas kay Marie para ipadede sa sanggol na agad namang natigil sa iyak. "Sister, ano pong balak ninyo sa sanggol? Aampunin po ba natin siya?" tanong ni Marie sa matanda. "Hindi ko pa alam, Marie, pero susubukan kong kausapin si Father," sagot ng matanda, tila nag-iisip kung ano ba ang dapat gawin sa sanggol. "Ang gandang bata. Tingnan mo, Sister Olive. Ang ganda ng mga mata niya, kulay asul. Ano kaya puwedeng ipangalan sa kanya?" Hindi na nakasagot si Sister Olive sa sinabi ni Marie dahil dumating si Sister Maria para sabihin na may bisita silang dumating. Si Mr. Montemayor. Ang taong pinakamalaki ang naitutulong sa simbahan. Agad lumabas mula sa maliit na silid ang mga madre habang hawak pa rin ni Sister Olive ang sanggol na hanggang ngayo'y dumedede pa. Sinalubong nila ang panauhin nang may malawak na ngiti sa mga labi. "Magandang gabi ho, Mr. Montemayor. Natutuwa po kaming nadalaw n’yo po ulit ang ating simbahan," nakangiting wika ni Sister Olive. Tumawa naman ang matandang Montemayor bago sumagot. "Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang simbahan na ito, Sister Olive." Napansin ni Mr. Montemayor ang batang hawak ni Sister Olive kaya nalipat ang mga mata niya rito. "Sino ang batang iyan, Sister?" "Nakuha po namin siya riyan sa tapat ng pintuan nitong simbahan, iniwan ng magulang niya. Kawawa naman kung pababayaan namin." "Ano ang pangalan niya?" "Wala pa po kaming naiisip, Mr. Montemayor." Napatango naman ang matandang Montemayor at inilipat ang tingin sa bandang likuran at tinawag ang anak na lalaki. "Son, come here." Sumenyas siya sa binata. "Anyway, this is my son, Sebastian Montemayor. He's only fifteen years old," pakilala niya nang makalapit ang anak. SEBASTIAN'S POV Hindi ko magawang iwaglit ang aking mga mata sa batang sanggol na hawak ng madre. Pakiramdam ko nakakita ako ng isang napakagandang anghel. Kaya nang tinawag ako ni Daddy ay agad akong lumapit para mas makita ang magandang mukha ng sanggol. Pagkalapit ko, agad kong hinaplos ang pisngi ng magandang anghel. Napakalambot ng kanyang balat na tila mapupunit ‘pag diniinan mo ang paghaplos sa kanya. Tinanggal naman ni Sister Olive ang dede ng magandang anghel kaya agad napadilat ang mga mata niya. Kulay asul ang mga mata niya kaya napangisi ako nang maalala na wala pa siyang pangalan sabi ng madre. "I will name her, Sister. She's now Azula Bree. Ano po ang apelyido n’yo, Sister?" nakangiti kong tanong sa madre na ikinataka nito. "Falcon, hijo. Bakit?" "Sister, ikaw po ang mag-ampon sa kanya at kukunin ko siya sa tamang panahon." Hindi naman umiimik ang ama ko na halata namang natutuwa sa ikinikilos ko dahil mukhang gusto rin nito ang sanggol para sa sa ‘kin. Kinuha ko ang sanggol sa madre at kinarga ito. Inilapit ko ang isang daliri sa mga kamay ng baby at agad naman nitong hinawakan ng maliliit pa na kamay nito. Napangiti ako dahil mukhang gusto na ako ng magiging future wife ko. "Hello, sweetheart. I will name you, Azula Bree Falcon. You like it, huh?" Ngumiti ang sanggol na siyang ikinangiti ko rin. "I will be your future husband, okay? So, behave ka lang dito kay Sister Olive. At pagdating ng panahon, kukunin kita, ha?" Para namang naiintindihan ako ng sanggol dahil ang maliliit nitong kamay ay pilit inaabot ang mukha ko na pinaunlakan ko naman. "See you soon, sweetheart. I love you." Inilabas ko ang cellphone ko at saka ako nag-picture na kasama si Bree. Kinunan ko rin siya ng solo picture at ginawa kong wallpaper. Hinalikan ko ang magandang anghel sa kanyang noo at pisngi bago ibinigay kay Sister Olive. "Sister, ampunin n’yo po muna si Azula Bree. Ako na ho ang bahala sa lahat ng gastusin habang lumalaki siya. Ako rin ang sasagot sa binyag niya, mga darating na birthday niya at ‘pag nag-aral na rin siya." Napatango na lang ang mga madre sa mga sinabi ko. Habang ang ama ko ay napangisi na lamang. "Mauna na kami, mga sister. Dumaan lang kami para mangumusta. Pakialagaan na muna ang baby ng anak ko," natatawang tukso sa ‘kin ng ama ko. Nginitian lang ko na lang siya pabalik. Bago kami sumakay ng sasakyan, binigyan ko muna ng dalawang sobre si Sister Olive, ang isa ay para sa simbahan at ang isa naman ay para kay Azula Bree. Sanggol pa ito kaya kailangan ng gastos, mula sa gatas, diaper at iba pang kailangan niya. Hinalikan ko ulit si Azula Bree bago tuluyang sumakay ng sasakyan. "You like her that much, huh?" "Yes, Dad. When my eyes landed on her innocent and angelic face, I know deep in my heart that she's mine. At ‘wag na ‘wag mo ‘kong pakikialaman, Dad, sa bagay na ito." Tumawa nang malakas ang ama ko kaya napasimangot ako. Basta ang gusto ko akin lang si Azula Bree. Akin lang. Ayoko nang may ibang lalapit sa kanya kundi ako lang. Kaya kahit sanggol pa siya ay babakuran ko na siya. "Don't worry, son, I will support you. I like that angel for you."  Tumango lang ako sa ama ko. Mabilis lang kaming nakarating sa mansyon namin. Agad humilera ang lahat ng katulong at ibang tauhan nang makababa kami ng sasakyan. Nairita ako nang makita na papalapit na naman sa ‘kin si Louise at nakangiti pa. Kung ‘di lang babae 'to baka sinapak ko na. "Hi, Sebastian. Saan ka galing?" Umangkla pa ang kamay nito sa braso ko. Naiirita ko namang tinanggal iyon at nang hahawakan ako ulit nito, tinabig ko na ang kamay nito. "Don't be so harsh to her, Sebastian. She's still a girl," paalala ng ama ko bago kami lampasan kasunod ang iba niyang tauhan. Susunod na dapat ako sa ama ko nang may humablot sa braso ko. Tiningnan ko ito nang masama kaya napaatras ito. What a coward bitch. "Saan ka galing? May kinikita ka bang ibang babae, ha? May kinikita ka ba na iba, ha?" Tamad ko lang itong tiningnan dahil kaunti na lang ay sasabog na ko sa sobrang inis. "What do you care, bitch? Yes, I have a girlfriend. Oh, let me correct it. I don't have a girlfriend." Napangisi ako nang makita kong nagningning ang mata nito sa tuwa. "I don't have a girlfriend, but... I already have a wife! So, fuck off, will you? Stay away from me!" nagtitimpi kong angil sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tinalikuran ko na siya at kahit malayo-layo na ‘ko, dinig na dinig ko ang pagwawala niya. Sinenyasan ko ang isa kong tauhan na itapon na ang malanding ‘yon palabas ng pamamahay namin. Sumasakit ang tainga ko sa boses niya. Sobrang nakakairita! Nang makarating ako sa kuwarto ko, agad akong humiga sa kama ko at inilabas ang phone ko para tingnan ang picture ng baby ko. Hinahaplos ko ang screen ng phone ko na para bang si Azula Bree ang hinahaplos ko. She's really a goddess, and I love her beautiful blue eyes. Sa tamang panahon, kukunin din kita. At hindi ko hahayaan na may makalapit sa ‘yo dahil sa nakikita ko pa lang ngayon, sobrang ganda mo na. Paano ‘pag nagdalaga ka na kaya?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD