Kabanata 2

1205 Words
THIRD PERSON'S POV After 17 years .. Tumatakbo ang dalagang si Bree dahil hinahabol sya ng aso nyang si jack. Sige lang sya sa takbo sa loob ng simbahan, habang si Nanay Rosing na tagapag-alaga ng dalaga ay nakasunod dito at hinahabol din ang dalaga. "Jusko po bata ka! Halika na rito at pagpapawisan kana naman. Mapapagalitan na naman ako ng Master pag nalaman nyang hinahayaan kitang pagpawisan at ako ay napapagod narin." Reklamo ng matanda habang hinahabol ang dalaga. "Bree anak halika na. Pupunasan ko na ang pawis mo." Hinihingal na sambit ng tagapag-alaga ng dalaga. Pero tuloy parin sa pagtakbo ang dalagitang si Bree. "Mamaya na po, Nay Rosing." Magalang na sagot ng dalaga sa matanda at tsaka mabilis na tumakbo papunta sa pintuan ng simbahan dahil lumabas dun ang aso nyang si Jack. Lumaki si Bree na busog sa pagmamahal ng mga madre sa simbahan. Masayahing bata. Napaka-inosente rin nito. Lagi lang naka-ngiti ito sa mga taong nakakaharap nya, kumbaga masyado syang pala-kaibigan. Ang unang nag-alaga sa dalaga ay si Sister Olive kaya lang namatay na ito nung sampung taon pa lamang ang dalaga, dahil narin sa katandaan. Ang pumalit na taga-alaga sa dalaga ay si Nanay Rosing, napakabuti nito sa dalaga at tinuturing na tunay na anak si Bree. Kaya nagpapa-salamat palagi sa Maykapal ang dalaga dahil kahit hindi nito nakilala ang mga tunay nitong magulang o pamilya, hindi naman nito naramdaman na mag-isa sa buhay, dahil nandyan sila Nanay Rosing, Ate Marie, sila Father, at iba pang kaibigan na laging nasa tabi ng dalaga para pasayahin at alagaan ito. Sobrang mahal na mahal ni Bree silang lahat, kung hindi dahil sa kanila hindi nito mararamdaman ang tunay na kasiyahan. Utang ng dalaga ang buhay na napakakulay sa mga taong nasa paligid nito. Lalo kay Nanay Olive nito. BREE'S POV Pagkalabas ko ng pintuan ng simbahan, agad din akong napabalik dahil sa lakas ng pagka-bunggo ko sa taong nakasalubong ko. Napanguso ako at napangiwi habang hinihimas ang pang-upo na nasaktan dahil sa pagka-bagsak ko sa simento. "Hindi ito playground para gawin mong takbuhan." Masungit na sabi ng lalaki sakanya. 'Excuse me, hindi ako naglalaro no! Hinahabol ko lang yung aso ko.' Gusto ko sana sabihin kaya lang minabuti kong itikom nalang ang bibig ko at tumayo lamang. Kailangan ko ng hanapin si jack dahil baka masagasaan pa ito. Nilagpasan ko ang lalaki at nagsimulang maglakad para hanapin ang aso kong nakikipagtayaan sakin. SEBASTIAN'S POV Labing-pitong taon akong hindi nakapunta ulit sa simbahan. Lahat ng pangangailangan ni Bree ay ipinapadala ko nalang. Sinadya kong hindi magpakita sakanya sa loob ng mahabang panahon dahil baka pag nakita ko sya ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko at isama na sya sa mundo ko. Ayoko rin syang biglain kaya ngayong malapit na ang ika-disi otso nyang kaarawan, ngayon ko na napagpasyahan ang lahat para sa aming dalawa. At sisiguraduhin kong magiging masaya sya sa kaarawan nya. Ngayon na ang tamang oras para maikulong sya sa mga bisig ko. Alam kong sa paglipas ng mahabang panahon ay lalo itong gumanda, dahil simula pagka-baby nito hanggang sa pagdadalaga ay pinapadalhan sya lagi ng mga madre ng litrato nito. Pagkarating ko at ng mga tauhan ko sa simbahan kung saan naninirahan ang mahal ko, agad akong nagmadali papasok kaya lang may bumangga sakin. Hindi ko ito tiningnan dahil busy ang mga mata ko sa paghahanap sa mahal kong si Bree sa loob ng simbahan. "Hindi ito playground para gawin mong takbuhan." Masungit kong sabi sa nakabunggo ko ng hindi tinatapunan ng tingin ito. Hindi naman sumagot ang naka-bungguan ko kaya agad akong pumasok sa loob ng simbahan. Nakasalubong ko ang taga-alaga ni Bree na si Nanay Rosing, ito ang itinalaga kong taga-bantay kay Bree simula nung namatay si Sister Olive. Mukhang pagod ito dahil sa pagtakbo. "Kamusta Nanay Rosing?" Bungad ko. Nagulat pa ito at agad na yumukod bilang paggalang. "Master hindi ko ho inaasahan ang biglaan ninyong pagdalaw. Si Bree ho ang sadya ninyo diba? Hayy master. Ang batang iyon lagi nalang nagpapahabol sakin. Nakakapagod pero masaya syang alagaan." Naka-ngiti naman nitong sabi pero halatang napapa-ngiwi. Napangiti nalang ako. Dahil ang aking Bree sa edad na labing-pitong taon ay isip bata parin. Inosente. Masayahin. Ang problema lang dito ay may kapilyahan. May ginawa na naman siguro kay nanay Rosing kaya napapa-ngiwi ang matanda. "Anyway, where is she? I want to see her." "Hindi nyo ho ba naka-salubong master?" Nagtataka pa nitong tanong na agad nagpakunot sa noo ko. "Hinahabol nya yung aso na ibinigay mo, si Jack. Lumabas sya ng simbahan. Maya-maya lang babali-- Hindi na natapos ni Nanay Rosing ang sinasabi dahil naagaw na agad ng isang dalaga ang atensyon naming lahat. Pumasok ito habang bitbit ang aso nito at kinakausap, napa-ngiti naman ako ng makita ito. "Ikaw talaga jack! Diba sabi ko sayo wag kang tatakbo palabas ng simbahan? Baka masagasaan ka dun, sigurad--" Lumingon ito sa gawi namin, naramdaman sigurong hindi lang sya ang tao dito sa loob ng simbahan, at tumingin sa taga-alaga nya sabay ngiti. "Hi, Nanay Rosing! Nakita ko na po si jack. Pakakainin ko lang po sya ha?" Inilibot naman nito ang magagandang mata sa amin at nahinto ang tingin sakin. At ngumiti ng matamis. "Hello naman po sainyo!" Kaway nito at tumakbo na ito papunta sa isang kwarto. Naka-sunod lang ang tingin ko sakanya hanggang sa mawala sa paningin ko ito. "Mamaya kita ipapakilala sakanya master." Napatingin ako sa matanda at tumango nalang, kahit gustong-gusto ko nang sundan ang aking Bree at yakapin ito pinigilan ko ang sarili, ayoko naman syang biglain kaya uunti-untiin ko na muna sya. Hindi ako nagkamali, napaka-ganda ni Bree habang lumalaki. Maamo ang mukha nito, asul na mga mata na may mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, mahabang buhok na itim at alon-alon, maputi at makinis na balat, at ang pinaka-gusto ko ay ang labi nito na mala-rosas ang kulay. "Halika na muna master sa aming kusina para tayo'y makapag-kwentuhan tungkol kay Bree." Tumango lang ako at sinenyasan ang iba kong tauhan na maiwan sa labas ng simbahan, ang iba naman ay isinama ko. "Kailan mo sya kukunin master?" Bungad na tanong sakin ni Nanay Rosing nang maka-upo na kami dito sa kusina. "Malapit na." Maikli kong sagot. "Master mas mabuting kunin mo na sya. Maraming asong umaaligid na sa kanya. Dalaga na ang alaga ko." Natatawa nitong sabi, samantalang ako ay nag-iinit ang ulo sa sinabi nya. Sinong mga aso ang umaaligid sa mahal ko?! Walang pwedeng makalapit sa kanya kung hindi ako lang! Mapapatay ko kung sino ang magtatangka! "I will kill that bastards!" Iritado kong sabi. "Hayaan mo na Master, mga totoy pa yun. Isa pa hindi sila pinapansin ni Bree. Talagang tutok lang sya sa pag-aaral." "Mabuti naman kung ganun. Ayoko nang may umaaligid na mga aso sa kanya Nanay Rosing. Kilala mo ko. Kayang-kaya ko silang patayin sa isang iglap!" Malamig kong tugon. Sabay-sabay kaming napatingin sa bagong dating. Pakiramdam ko sasabog ako sa galit nang makita ang ayos ni Bree. Sinenyasan ko agad ang mga tauhan ko na lumabas. Ayokong may makakita na iba kay Bree. Tumakbo ito palapit sa matanda habang umiiyak. Napahampas naman ako ng malakas sa lamesa sa galit. "WHAT THE FUCK AZULA BREE?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD