01

1095 Words
Chapter 01 'No one wants me' ayan ang nasa isip ni Rory matapos mahuli niya ang 8 years kain relationship niya na nakikipaghalikan sa adopted daughter ng mga Alto. "Magkaibigan lang si Samira at Anthony! Ano dinadrama mo? Sa iyo pa din naman magpapakasal si Anthony," ani ng step mother niya pagkatapos siya sampalin. Naiyukom ni Rory ang kamao habang hawak ang pisngi niya. Pinireserved niya ang sarili niya for 30 years at sa relationship nila ni Anthony hindi siya pumayag even makipaghalikan. Iyon ang ginagawang reason ni Anthony sa pamilya niya at sa Jihoo family, may mga needs siya bilang lalaki at hindi iyon kaya ibigay ni Rory. "Rory," ani ni Anthony at hinawakan ang braso ng babae. "Sa susunod na linggo ikakasal na tayo at about sa pictures mawawala din naman mga iyon kapag nagtagal. Ikaw pa din naman magiging asawa ko and about sa amin ni Samira, lasing ako 'non. Pwede ba palampasin na natin ito tapos huwag ka na umiyak?" ani ng lalaki at puno ng pag-aalala na hinaplos ang pisngi ng babae. Walang alam si Anthony sa impact 'non para kay Rory. Hindi lang ang tiwala at confident ni Rory sinisira 'non pati ang career niya. Ngayon pinagtatawanan siya ng mga fans why? Nasa 20s pa lang si Anthony at siya ay nasa 30s na never been kissed and touch tapos lumabas pa ang issue about sa panloloko ni Anthony behind her back. Umuwi siya sa mansion ng mga Alto at sinabi na gusto nga niya icancel ang kasal. As expected hindi pumayag ang pamilya niya lalo na ang mga Jihoo. Kailangan ni Anthony ang support ng pamilya niya para makuha ang title ng susunod na head ng mga Balthazar. "Anthony mahal mo ba talaga ako?" tanong ni Rory. Malambot ang expression ni Anthony sinabi na mahal na mahal niya si Rory. "Kaya nga tumagal tayo ng 8 years hindi ba?" ani ni Anthony at sinabi kay Rory na wala siya ibang nakikita na babaeng pakakasalan niya bukod kay Rory. Niyakap ni Anthony si Rory. Sumama ang timpla ng mukha ni Samira after makita ang scenario na iyon. Bakas sa mukha ng babae ang sobrang pagkamuhi at inggit. Pinilit ni Rory na subukan ulit ayusin ang relationship nila ni Anthony at pagkatiwalaan si Anthony. 5 days before ang kasal nakita ulit ni Rory si Anthony at Samira. Sa pagkakataon na iyon si Rory na ang nakakita at nakahuli sa dalawa. Sa kalagitnaan ng gabi nakita niya si Anthony na lumabas ng kwarto, lumabas naman siya para kumuha ng tubig at dahil nakita nga niya si Anthony sinundan niya ito. Nakita niya si Anthony sa garden yakap si Samira na umiiyak. "Samira alam mo makakasama sa iyo ang pag-iyak. Sinabi ko din sa iyo na hindi na tayo pwede magkita dahil magpapakasal na kami ni Rory. Alam mo naman sitwasyon ko ngayon hindi ba?" ani ni Anthony. Naiyukom ni Rory ang kamao at ngayon nakatingin kay Anthony. "Anthony childhood friends tayo at mas matagal mo ako kilala kay Rory. Bakit kasi hindi na lang ako?" tanong ni Samira. Bahagya tinulak ni Anthony si Samira at tinanong ano sinasabi nito. "Adopted daughter ka lang ng mga Alto at si Rory nanalaytay sa katawan niya pagiging Alto. Lahat ng assets ng mga Alto ay nasa pangalan niya at magiging malaking tulong iyon sa akin para maging stable ang position ko sa mga Balthazar. Samira, kaya mo ba ibigay ang kompanya ng mga Alto sa akin?" tanong ni Anthony. Nabato sa kinatatayuan si Rory noong marinig iyon. "Samira, huwag ka mag-alala. Kapag napakasalan ko na si Rory at napunta na sa akin ang position ng pagiging chairman sa company ng mga Alto babalikan kita. Kukuhanin ko kayo ng baby," ani ni Anthony. Bumaon ang mga kuko ni Rory sa sariling mga palad pagkatapos marinig iyon. Paisa-isa tumulo ang luha ni Rory matapos marinig iyon like hindi niya alam kung saan part ba siya masasaktan sa mga nalaman. Doon sa never siya minahal ni Anthony sa 8 years na iyon, sa tunay na motibo ni Anthony sa pagtanggap ng wedding invitation or doon sa buntis si Samira tapos si Anthony ang ama. Hindi makahinga si Rory sa sobrang emosyon na nararamdaman pagkatapos marinig iyon. Dahan-dahan tumalikod si Rory at naglakad papasok ng mansion. Malalim na ang gabi 'non at halos wala siya maaninag dahil sa pagiging night blindness niya. May nabangga siya na maleta dahilan para muntikan na siya matumba. Napahawak si Rory sa likod ng sofa at bahagya napaupo sa sahig. "Anthony, you bastard," bulong ni Rory at impit na umiiyak. Nagpapasalamat na lang siya dahil madilim sa living room at sarado na ang mga kurtina. Walang nakakakita sa kaniya or nakakarinig sa doon. Nakaupo si Rory sa sahig sa likod ng sofa at yakap ang mga tuhod. Hindi na nag-abala pa na bumalik si Rory sa kwarto niya at noong nakaramdam ng pagod sa pag-iyak, nakatulog ang babae habang nakaupo. Kinabukasan, "Young madam?" Napabalikwas ng bangon si Rory noong makita ang head maid ng mga Balthazar, ginigising siya nito at nakita siya na nakahiga sa sofa. "Bakit dito ka natulog young madam?" tanong ng maid. Nag-aalala ito nakatingin kay Rory lalo na makita ang pamamaga ng mukha nito at halatang galing sa pag-iyak. "Hindi... Hindi na kasi ako makatulog kagabi kaya bumaba ako dito para magpahangin sana," pagsisinungaling ni Rory. Tumayo na si Rory sinabi na babalik na muna siya sa kwarto para mag shower. Naglakad si Rory patungo sa hagdan. Bahagya napailing na lang ang headmaid sa idea na halatang umiyak kasi si Rory magdamag at nagkataon na wala din doon ang master. "Madam." Binati ng headmaid ang matandang Balthazar noong makita niya ito pababa ng hagdan. "Nakauwi na ba si Santi?" tanong ng matanda. Sinabi ng headmaid na nakita niya ang sasakyan na susundo sa young master sa airport kanina lang. "Mukhang nasa kwarto pa ang young master at nagpapahinga," ani ng headmaid. Gusto ng headmaid sabihin sa matanda na nakita niya si Rory na natutulog sa sofa at halatang umiyak ngunit nagdadalawang isip siya. Kapag kinasal si Rory at ang second master, ang second master ang magiging head of the family ng mga Balthazar. Natatakot siyang naoffend ang Jihoo family at mawala sa kaniya ang trabaho. Sigurado kasi ang headmaid hindi magbubulag-bulagan ang matandang Balthazar kapag nalaman ang mga kalokohan na ginagawa ng second master at mga scheme nito behind. Nalulungkot ang headmaid dahil mabuting bata si Rory. Umaasa ang headmaid na sana may mas magandang plano ang diyos kay Rory, hindi mapunta sa masamang kamay ang kapalaran ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD