02

1059 Words
Chapter 02 Solveigh Rory Alto, 33 years old sikat na singer sa generation na iyon madaming fans ang humahanga sa talent niya sa pagkanta. Nagsimula ang career ni Rory noong 23 years old siya at napatawa na lang ng mapait si Rory matapos maalala paano at kailan nagstart ang career niya. Nagstart lahat iyon 'nong ipost ni Anthony ang video na kumakanta siya sa isang event at nagpakita ito ng interes. Pinost iyon ni Anthony sa isang confession forum at nakita iyon ng lahat. Mabilis na kumalat ang video at dahil na din sa galing na pagkanta madami din agency ang nakakita sa kaniya tapos kinukuha siya. Naging fan niya si Anthony, nag-decide magmeet at pumasok sa isang relationship. Hinawakan ni Rory ang pisngi matapos maalala mga nabasa niya sa comment at post ng fans. 5 year ang gap nila ni Anthony at madami pinagkakatuwaan iyon dahil sa idea na mas naghanap ng mas bata si Anthony. Madami din nagsasabi na matanda na siya at losyang na kaya nawalan ng interes sa kaniya si Anthony. Napangiti ng mapait si Rory dahil sa idea na mukhang sa life time na iyon is napakaimposible magkaroon siya ng masaya na relationship at perfect katulad ng iniexpect niya. Sinayang niya ang madaming taon at kabataan niya sa lalaking una pa lang is niloloko na siya at walang planong mahalin siya. "Rory?" tawag ni Anthony pagkapasok nito sa mansion ng mga Balthazar. Mabibigat ang paa na lumapit si Anthony kay Rory na nakaupo sa sofa at kasalukuyang sumisimsim ng kape. "Ano iyong pinost mo na titigil ka na sa pagkanta at hindi ka na tatanggap ng project?" puno ng concern na tanong ni Anthony tapos pinakita ang phone niya kung saan nakikita ang post sa screen. "Nandiyan ka na pala," ani ni Rory tapos tumayo. Nakita niya din si Samira na pumasok tapos nag-aalala din ito lumapit kay Rory. "Napag-isip isip ko kasi ngayon may asawa na ako mas better mag-quit na ako tapos magfocus bilang full time wife and mother siyempre," ani ni Rory at nakangiti tinanong si Anthony kung hindi ba ito masaya. Hindi alam ni Anthony ano sasabihin. Kung gagawin iyon ni Rory sigurado si Anthony na nasa kaniya ang 100% attention ng babae at ang career din ni Rory ang dahilan bakit naeenjoy niya ang ilang privilege ng pagiging fiancee ng sikat na singer na si Rory Alto. Walang na ang tiwala ni Rory sa kaniya at mainit na mga mata nito sa kanila ni Samira, mas magiging limitado ang galaw nila ni Samira. Alanganin ni Anthony sinabi na walang problema. Hinawakan ni Anthony ang buhok ni Rory. "Nag-aalala lang ako dahil alam ko na mahal mo ang pagkanta at pagcomposed. Hindi iyon magiging madali sa iyo," ani ni Anthony. Bahagya ngumiti si Rory tapos yumakap kay Anthony. "Its fine kapag nagkaanak na tayo sigurado may iba na ako pagkakaabalahan," bulong ni Rory. Nabato si Anthony noong marinig iyon kaya napatingin sa kaniya si Rory. "Ano problema?" inosente tanong sa kaniya ni Rory. Fade na ngumiti si Anthony at sumagot ng wala. "Its just naninibago lang ako dahil naiisip mo na ngayon ang future na kasama ako," pagsisinungaling ni Anthony. Actually, wala sa isip ni Anthony magkaroon ng anak kay Rory. Sa kabila ng mga natatanggap niya compliment dahil sa pagiging ideal boyfriend niya kay Rory madami sa close friends nila ang pinagkakatuwaan ang age gap nila. 33 na ngayon si Rory at may mga naging pagbabago na din sa katawan ng babae. Wala na ang kislap sa mga mata ni Rory at kulay ng mukha nito pati na din ang taste sa pananamit. Balak niya na lang pakasalan ang babae dahil sa impluwensya nito at sa pamilya. Hindi pumayag si Anthony at iyon din ang last chance na binigay ni Rory para sa relationship nila. If pumayag si Anthony at nagpakita ito ng concern sa well being niya hindi para itake advantage siya handa siya bigyan pa ng chance si Anthony at mag act na walang narinig ng gabi na iyon pero ano pa ba ineexpect niya. Napangiti ng mapait si Rory at bahagya napahawak sa leeg niya. Tuluyan na nawala ang taong minahal niya 8 years ago. Iyong lalaki na nangako sa kaniya na pagtitigilin siya sa pagkanta kapag kinasal na sila at magpofocus sa pamilya nila in future. Dinner nandoon ang matandang Balthazar, Anthony, Samira at ang mag-asawang Jihoo. "Nasaan na naman ba si Santi?" tanong ng matandang Balthazar. Napatigil si Anthony sa pagkain at napatingin sa matanda. "Bumalik na si brother Rylee?" tanong ni Anthony. Napatingin din ang mag-asawang Jihoo. Palihim na kinurot ng madam ng Jihoo family ang asawa sa tagiliran. "Akala ko ba hindi na babalik ang bastardo na iyon," bulong ng babae. Tiningnan ng lalaki ang asawa sinabi na hindi niya din alam na bumalik si Santino. "Madaling araw umuuwi ang young master at umaalis din bago sumikat ang araw. Kanina lang tumawag ang assistant niya at sinabi na hindi ulit siya makakasabay sa dinner dahil madami siya inaasikaso," ani ng butler. Naiinis na binaba ng old madam ang kubyertos. "Ang batang iyan hindi napapakali kapag nandito sa mansion!" sigaw ng old madam. "Grandma para naman hindi kayo sanay kay brother Rylee," ani ni Anthony. Maya-maya lang may dumating pa na isang lalaki at babae na medyo familiar kay Rory. Agad na tumayo si Anthony para salubungin ang dalawa. "Auntie! Uncle," natutuwa na bati ni Anthony sa mag-asawa na dumating. "Akala ko hindi kayo makakarating." "Kasal mo iyon bakit hindi kami dadalo? Anyway, sino ang maswerteng babaeng pakakasalan mo?" tanong ng matandang lalaki tapos nilibot ang paningin sa mga tao na nasa table. Agad napako ang tingin nito kay Samira na kasalukuyang nakatayo tapos nakangiti sa mag-asawa. "Siya ba? Napakagandang bata," ani ng ginang na tinutukoy ay si Samira. Hindi nakapagsalita si Anthony at nakaramdam ng hiya. Bahagya tumingin si Anthony kay Rory na ngayon ay sandaling binaba ang kutsara. "Wala ni isang patak ng dugo ng mga Alto sa babaeng iyan. How come na ikocompare niyo siya sa tunay na tagapagmana ng mga Alto?" ani ng old madam tapos hinahawakan ang kamay ni Rory na nasa ibabaw ng table. Halata naman ang pagtatanong tiningnan ng mag-asawa si Anthony at hindi na nagkomento. "Pwede ko ba matanong kung ilang taon ka na?" tanong ng isa sa mag-asawa na dumating at nakatingin kay Rory.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD