Kabanata 3

2029 Words
INAYA ni Khara ang kanyang kapatid na si Katarina na magtungo sa kanilang covered court upang manood ng banda kinahapunan. Usap-usapan sa kanilang lugar na guwapo raw ang band vocalist ng bandang iyon at sikat daw sa social media. Kapyestahan ng kanilang barangay at maraming mga nanunood sa loob at labas ng covered court. Tumutugtog na ang banda nang dumating sila ni Katarina. Nasa dulong bahagi sila dahil maraming mga tao na nanonood. Hindi naman nila magawang makipagsiksikan. Wala pa man din si Lander dahil nagpunta pa ito sa bukid. At susunod na lamang daw ito sa kanila ni Katarina. "Ate, ang ganda ng boses no'ng singer!" natutuwang sabi ni Katarina. Walang poster ang Shade Band na tinitilian ng mga kababaihan lalo na ang mga kadalagahan ng kanilang barangay. Kahit nga mga matatanda ay mukhang kinikilig din sa pagkanta ng lalaki. Nakita ni Khara si Kap Rupert at nilapitan siya nito. "Khara, magandang gabi sa iyo. Nandito nga pala iyong lalaking may-ari ng wallet na napulot mo. Siya iyong band vocalist ng banda si Daimon. Alam mo ba na libre lang ang talent fee niya dahil gusto niyang magpasalamat sa ating lahat na kabarangay mo dahil napulot mo ang wallet niya at naisauli natin ng buo iyon. Nagbigay pa nga ng donation sa ating barangay. Gusto ka raw niyang makausap, Khara." "Ho?" Napatingin si Khara kay Katarina. "Sige na ate, gusto ko rin siyang ma-meet. Sila iyong sikat na rockstar band sa social media Ate Khara." "Kap, baka mo kasi..." Iniisip ni Khara ang kanyang asawa na si Lander. Baka may masama itong isipin sa kanya. "Ate, nandito naman ako, e. Ako na bahala kay Kuya Lander na magpaliwanag. Halika na, ate," natutuwang sabi pa ni Katarina na hinila ang kanyang kamay patungo sa opisina ni Kap Rupert. "Dito na ninyo sila hintayin, Khara. Huwag kang mag-alala dahil nandito naman ako. Hindi ko kayo iiwan ng kapatid mo," sabi pa ni Kap Rupert sa kanila. Hindi na nakatanggi pa si Khara sa pakiusap ni Kap Rupert at sa pamimilit ng kanyang kapatid. Hinintay nila na dumating si Daimon. Pangalan pa lamang ay parang pamilyar na ito sa kanya. Ngunit hindi naman siguro ang Daimon na kilala niya ang tinutukoy ni Kap Rupert. Malaki ang kasalanan sa kanya ng lalaking iyon mula sa pang-aasar nito sa kanya noong college sila. Bumukas ang pinto at sabay silang napatingin mo Katarina doon. Pumasok sa loob ang pawis na pawis na si... "Daimon? Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito. "Khara? Ikaw nga," nakangiting sabi pa nito sa kanya. "Ikaw nga iyong babae sa grocery at ikaw din iyong nakapulot ng wallet ko. Uy, thank you ha." Nakatitig naman si Katarina dito na nilapitan pa ito. "Daimon, p'wedeng magpa-picture?" kinikilig pang sabi nito kay Daimon. Hindi pinansin ni Daimon ang sinabi ng kanyang kapatid dahil nakatingin ito sa kanya. "Khara, hindi talaga ako makapaniwala na ikaw na iyan? Walang pinagbago, a. Mas gumanda ka lang ng kaunti sa---" "May asawa na ako, Daimon. P'wede nga pala kayong magpa-picture ng kapatid ko dahil idol ka raw niya." Tumango naman ito at mukhang nalungkot sa sinabi niya. "May class reunion pala tayo, baka gusto mong pumunta, Khara. Dalhin mo iyong asawa mo para naman makilala ko at si..." Tumingin ito kay Katarina na nagpapa-cute dito. "Katarina, Daimon." Kaagad na niyakap ito ng kanyang kapatid sa sobrang pagkatuwa. "Isama mo rin si Katarina. Nice to see you again, Khara. At salamat dahil napulot mo ang wallet ko at sorry na rin sa ginawa ko sa grocery noong nakaraang araw." "Wala iyon, Daimon. Salamat din dahil napasaya mo ang mga tao rito sa amin. Kap Rupert, aalis na po kami ni Katarina." Palabas na sila ng pintuan ni Katarina nang muli siyang lapitan ni Daimon at ibigay sa kanya ang invitation para sa reunion ng batch nila. Tinanggap iyon ni Khara kahit na hindi pa niya alam kung pupunta siya. "Ang guwapo at hot niya, ate," sabi ni Katarina habang pauwi sila. Inilagay niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang ibinigay na invitation ni Daimon sa kanya. "Sinong pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Lander na nasa labas pala ng bahay nila. "Si Daimon, mahal. Iyong band vocalist na may-ari ng wallet na napulot ko. Nasa Barangay siya ngayon at kakatapos lang nilang mag-perform." Natigilan si Lander sa sinabi niya. "Daimon?" "Kuya Lander, hindi mo siya kilala pero kilala siya ni Ate Khara. Akalain mo na college classmates pala sila?" natutuwang sabi pa nito. "Hay naku, sinabi ko na sa kanya na may asawa ako. At si Lander lang naman ang pinakaguwapo sa paningin ko. At hinding-hindi ko siya ipagpapalit kahit na kailan." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng kanyang asawa. Nauna namang pumasok si Katarina sa loob ng bahay nila. At magkayakap na sumunod sila ni Lander dito. KINAUMAGAHAN nakita ni Khara si Lander na nagkakape sa labas ng bahay nila. Nilapitan niya ito at saka umupo sa tabi ng kanyang asawa. "Mahal, aalis nga pala ako mamaya. Pupuntahan ko si Mang Tomas kung itutuloy ang pag-aani niya ng mga palay bukas," ani Lander pagkatapos nitong humigop ng kape. "Hindi ka ba rito manananghalian?" "Mamayang gabi na lang mahal." Tumayo ito at saka kinuha ang mga gamit nito sa bukid. Hindi man lang siya nito hinagkan bago ito umalis. Naiisip na lamang ni Khara na abala talaga ang kanyang asawa sa bukid lalo na ngayon at anihan na. "Ate, ang ganda nitong ternong pantulog, bagay na bagay ko," masayang sabi naman ni Katarina sa kanya. Suot-suot nito ang ternong pantulog na binili niya kahapon sa palengke. Nilingon niya ang kanyang kapatid. Bumuga siya nang malalim bago ito lapitan. "Ganoon ba? Mabuti naman at nagustuhan mo. Sandali lang at magluluto ako ng agahan natin." Umupo ito sa silya at saka nagtimpla ng kape. "Umalis na ba si Kuya Lander, ate?" "Oo, titignan daw niya ang mga palay ni Mang Tomas kung p'wede ng anihin bukas." "Ang swerte mo sa kanya, ate. Sana ako rin makatagpo ng katulad ni Kuya Lander. Masipag, maasikaso at maalaga." Napangiti siya sa sinabi ng kanyang kapatid. "Swerte rin naman siya sa akin, Kat. Siya ang unang lalaking minahal ko kaya maswerte talaga siya." Tinapunan niya ng makahulugang tingin si Katarina. "Ate, naman... hindi na uso ngayon ang pagiging virgin." Masama niyang tinignan ang kanyang kapatid. "Kat, pinahalagahan ko ang aking p********e sa lalaking mamahalin ko habambuhay. Ganoon ang prinsipyo ko pagdating sa bagay na iyan. Magkaiba tayong dalawa dahil ikaw naisuko mo na sa ang lahat sa first boyfriend mo. Malay mo kayong dalawa ang itinadhana... magkabalikan kayo." "Ate, may iba na akong mahal," kinikilig pa na sabi nito sa kanya. "Ayan na naman... tulungan mo na nga lang ako na magluto. Pag-aralan mo rin ang pagluluto para makuha mo ang lalaking mahal mo." "Hindi na ito kailangan, ate. Uso na ngayon ang buy one take one, unli rice at mga lutong ulam." Inirapan ni Khara ang kanyang kapatid na palaging may sagot sa kanyang mga sinasabi. Hindi niya alam kung paano ba pangangaralan ang kanyang kapatid nang hindi siya nito kokontrahin. GABI NA NGUNIT hindi pa dalawin ng antok si Khara. Hindi pa umuuwi si Lander at kinakabahan na siya kung anong nangyari sa kanyang asawa. Sinilip niya si Katarina sa kabilang kuwarto at mahimbing na itong natutulog. Kinuha niya ang flashlight niya at saka nagpasyang puntahan na si Lander sa bahay nina Mang Tomas. May kalayuan ang bahay nina Mang Tomas inabot siya ng dalawampung minuto sa paglalakad sa kalsada bago makarating sa bahay nina Mang Tomas. "Khara!" sabi ng asawa ni Mang Tomas nang makita siya nito na nasa gilid ng daan pababa sa bahay nito. Nakita ni Khara si Lander na nakikipag-inuman kay Mang Tomas at mukhang lasing na lasing na. "Aling Lupe, nag-aalala kasi ako kay Lander kaya ako nagpunta na rito sa inyo. Hindi kasi niya dala iyong cellphone niya kaya hindi ko rin siya matawagan. Alas onse na ho kasi baka kako napano na ang asawa ko." "Halika, Khara. Kaninang tanghali pa narito si Lander. Akala ko nga magtutuloy na mag-ani itong si Tomas ngayong araw dahil ang usapan namin ni Lander ngayong araw na sana na ito. E, kaso itong asawa ko naman mapilit na makipag-inuman kaya ayan lasing na lasing na silang dalawa at ayaw paawat," pagsusumbong ni Aling Lupe sa kanya. Binalingan ni Khara ang kanyang asawa na halos hindi na makaupo ng diretso. Bagsak na rin si Mang Tomas sa mahabang bangko. "Pasensiya na ho kayo, Aling Lupe." "E, Khara. Huwag mo sanang masamain pero gusto ko lamang itanong sa iyo kung nag-away ba kayo ng asawa mo? Ngayon ko lang kasi siya nakita na pumayag na makipag-inuman kay Tomas. Kapag inaaya siya ng asawa ko madalas tumanggi dahil iniisip ka niya. Hindi nga iyan naabutan ng gabi kung minsan dahil wala ka raw kasama sa bahay ninyo." "Hindi naman ho kami nag-away, Aling Lupe. Siguro kaya nakipag-inuman si Lander dahil may kasama na ako ngayon sa bahay. Nagbakasyon kasi ang nakakabata kong kapatid na galing sa Maynila," pagkukuwento niya rito. "Kaya pala. O, siya. Tawagin ko lang si Romeo at ipapahatid ko kayo sa bahay ninyo." Tukoy nito sa bunso nitong anak na wala pang asawa. Nilapitan ni Khara si Lander na lasing na lasing. "Mahal, uuwi na tayo sa bahay," mahinang sambit niya at saka inilagay ang braso nito sa kanyang balikat. Niyakap niya ang bewang nito at saka inalalayan na makatayo. "Ma-Mahal ko... Khara... ma-mahal..." Bumuga si Khara habang paulit-ulit na sinasambit ni Lander ang mga salitang iyon sa kanya. "Hay naku. Lasing na lasing ka mahal." "Pa-Patawarin mo a-ako, ma-mahal." Bigla siyang niyakap ni Lander nang mahigpit. Umiyak pa ito sa kanyang balikat. "Okay lang na uminom ka ng alak, mahal. Hindi ako galit sa iyo. Uuwi na tayo." "Patawarin mo... ako... mahal ko..." Nilapitan sila ni Romeo at tinulungan siya nito na maisakay sa tricycle ang kanyang asawa. Inihatid sila ni Romeo sa bahay nila. Tinulungan din siya nito na maipasok sa kuwarto si Lander. "Salamat, Romeo. Heto ang---" Tanggihan ni Romeo ang perang iniaabot niya rito. "Walang anuman, Ate Khara. Aalis na po ako," magalang na sabi ni Romeo. Kasing edad lamang ito ni Katarina ngunit nag-aaral pa lamang ito ng computer engineering. Isinara ni Khara ang pintuan sa harap ng bahay nila at saka siya natungo sa kuwarto nila ni Lander. Bumuga siya nang malalim bago tanggalin ang t-shirt nito. Kumuha siya ng basang bimpo at pinunasan ang mukha ng kanyang asawa upang mahimasmasan ito sa sobrang kalasingan. "Patawarin mo ako... mahal ko..." muling sabi nito habang nakapikit. Marahil iniisip ni Lander na magagalit siya dahil uminom ito ng alak. "Matulog ka na, mahal. Ayos lang sa akin," nakangiting aniya habang patuloy ang pagpunas sa mukha, leeg at dibdib nito. Tinabihan niya ang kanyang asawa at saka ito niyakap. NAGISING si Khara sa ginagawang paghalik ni Lander sa kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib. Napansin niya na wala na siyang pang-itaas na damit. Nilingon niya ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas tres na pala ng madaling araw. "Ma-Mahal..." nakikiliting aniya habang hinihimas ni Lander ang kanyang magkabilang dibdib. "Hmm..." namamaos na sabi nito at saka pinaglandas ang isang kamay patungo sa ibabaw ng kanyang suot na pajama. "S-Sa ibang araw na lang mahal," mahinang aniya rito. "Ba-Baka mamaya gising na si..." Napaigtad siya nang tuluyang ipasok ni Lander ang daliri nito sa pant* niya. "Katarina," namamaos na aniya rito. "Sandali lang naman ito, mahal." Pumaibabaw si Lander sa kanya at tuluyang inalis nito ang pang-ibaba niyang saplot sa katawan. Mahigpit na hinawakan ni Khara ang magkabilang braso ng kanyang asawa. Ipinasok ni Lander ang kahabaan nito sa kanyang lag*san. Impit ang naging ungol ni Khara habang labas-masok ang kahabaan ng kanyang asawa sa kanya. "Sh*t," impit na sambit ni Lander at saka nito hinagkan ang kanyang mga labi. Kapwa sila hingal na hingal at magkayakap. Itinaas niya ang kumot upang matakpan ang hubad nilang mga katawan. "Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, Khara. Mahal na mahal na mahal kita, mahal ko." Niyakap nang mahigpit ni Khara ang kanyang asawa. Malaki ang tiwala niya rito na kailanman hindi siya nito lolokohin at kailanman hindi siya nito pagtataksilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD