Kabanata 9

1760 Words

INASIKASO ni Khara ang kanyang asawa na si Lander. Binigyan niya ito ng pagkain sa lamesa kung saan ito naroon. Kumuha din siya ng softdrinks bago ito lapitan. "Mahal, mananghalian ka na," nakangiting sabi niya rito. "Na-Nakita mo si Katarina? Boyfriend na ba niya iyong bunsong kapatid ni Alex?" Umupo siya sa tabi nito at saka tumango. "Oo, mahal. Ipinakilala ni Kat sa akin na boyfriend na niya si Levi. May problema ka ba kay Levi, mahal?" "Ha? Wa-Wala naman, kung ano ang desisyon ng kapatid mo. Mabuti rin at alam natin baka kasi kung ano pa ang sabihin ni Tatay Lando kapag nalaman niya na hinahayaan natin si Kat." Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa. Natutuwa siya at pinagmamalasakitan nito si Katarina. "Salamat mahal dahil concern ka sa kapatid ko at nag-aalala ka kay Tatay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD