Kabanata 25

1646 Words

Nanghihina si Khara habang binubuksan ang pinto ng bahay nila ni Lander. Ang bahay na itinayo nilang dalawa na magkasama sa hirap at ginhawa. Marami silang mga pangarap noon na binuo ngunit ang lahat ng iyon ay unti-unting naglaho. Nagmistulang bangungot ang masaya nilang pagsasama ni Lander. Gusto niyang sumigaw at magwala ngunit wala na siyang natitirang lakas para gawin iyon. Pagod na pagod na siya sa pag-iyak. Durog na durog na rin ang kanyang puso sa kakaisip. Hindi na rin niya maramdaman ang kanyang sariling katawan, para siyang papel na kayang itangay ng hangin anumang oras. Walang patid ang pagtulo ng kanyang luha sa mga mata habang inaalala ang mga sinabi sa kanya ni Katarina. Ang kanilang bahay, winasak ito ng kahayupan na ginawa ng mga ito. Nangingilabot siya habang nakatingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD