Nanghihina si Khara habang naglalakad palabas ng hospital. Pinilit niyang umalis upang makauwi na sa kanila. Duguan pa rin siya at hindi na niya nagawa pang magpalit ng damit. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan siya ng mga tao sa hospital. Gusto lamang niyang makalayo upang hindi na makita pa sina Lander at Katarina. Bumubuhos pa rin ang luha sa kanyang mga mata kahit na anong pigil niya. Kahit na paulit-ulit niyang sabihin na okay lang siya ay hindi iyon ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung ano ngayon ang gagawin niya. Gusto niyang tapusin na lamang ang kanyang buhay. Wala na rin naman siyang pupuntahan. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas ng hospital. Kahit masama ang kanyang pakiramdam ay nilusong ni Khara ang malakas na ulan. Huminto siya sa kanyang pagla

