Alas sais na ng hapon nang magpasyang magtungo ni Khara sa address ng apartment ni Katarina na sinabi nito sa kanya. Pumara siya ng tricycle upang magpahatid sa apartment ng kanyang nakababatang kapatid. Bumaba siya sa may kalsada at sa gilid nito ang tatlong palapag na lumang apartment. Nang makabayad siya sa tricycle driver ay kinuha ni Khara ang kanyang sling bag na may laman ng ilang piraso niyang damit. May bitbit din siya na maliit na ecobag na pinaglagyan niya ng niluto niyang sinigang na pata at kanin. Alam kasi niya na tamad magluto ang kanyang kapatid. Kung may isang tao siyang dapat na takbuhan sa kanyang pinagdadaanan na pagsubok ay walang iba kun'di ang kanyang nakababatang kapatid na si Katarina. Sa may tindahan sa ibaba ng apartment ay nakita niya si Levi. Nang mamukhaan

