Ramdam ko ang tensyon sa loob ng classroom namin. Last subject na namin this day pero nagkataong may group project kaming aasikasuhin, project namin ito sa major subject namin pero nakakaloko yata itong professor namin kasi sinama sina Cashel at Akihiro sa amin ni Francheska at kaklase naming si Miguel - matalino si Miguel kaya maaasahan namin siya, typical na nerd sa isang classroom. "Saan nating gagawin itong project natin? Hopefully we can do it this Friday, because the varsity has practice this Saturday and Sunday." suhestiyon ni Cashel sa amin. Nagkatinginan kami ni Francheska at maging si Miguel ay tinignan namin. Mabait naman itong si Miguel iyon nga lang ayaw sa kanya ng iba naming classmates, nerd nga kasi siya and iniisip niya lagi ang grades niya sa bawat subject namin. "Ay