"Fran, Kumusta?" masayang bati ko kay Francheska. Kumaway pa ako rito ng makita ko siya sa canteen. Galing kasi ako sa classroom namin at nagtanong ako sa isa naming kaklase ko dumating na ba sila Francheska, sabi nu'ng classmate namin si Francheska lang daw ang nakita niyang dumating at wala iyong dalawa. Sinabi niya rin sa akin na pumunta raw sa canteen si Fran kaya sumunod ako sa kanya, maaga pa naman, e. Hindi siguro sumabay si Fran kay Akihiro. May tampo pa rin siguro siya sa pinsan niya. Nakita kong sumilay ang ngiti niya sa kanyang labi pero alam kong peke ang ngiti niya. "Okay lang ako, Fran! How are you? I'm jealous you're on vacation." simangot niyang sabi sa akin at pinag-krus pa ang kanyang mga kamay sa harap ng dibdib niya. "Swerte mo sa boyfriend mo, Bella..." ramdam