66 - SPG

1740 Words

Pagkadaong pa lang ng yate-ng sinasakyan namin, binuhat na ako ni Kori habang nasa likuran namin si Kyro. Para kaming mga tanga kasi na tumatakbong papunta sa hotel ng beach resort itong si Kori habang si Kyro naman ay mabilis ang paglalakad niyang nakasunod sa likuran namin. Sa hotel room nila ako dinala, mas malaki kasi ang room nila kaysa sa kinuha ko. King size rin ang kama nila kumpara sa hotel suit ko na Queen size. Akala ko didiretso kami sa k'warto nila pero tinapon ako ni Kori sa sofa na nandito. Sumaboy ang aking buhok sa buong mukha ko. Siraulo talaga ang isang ito. Inayos ko ang aking sarili, umupo ako at eksaktong kapapasok lang ni Kyro sa hotel suit nila. Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang makitang nag-aapoy na sa pagnanasa ang dalawang lalaki sa harapan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD