"Ang ganda, Kyro! Tignan mo! Ang daming fish!" mangha kong bulalas ng dumugin kami ng maliliit na isda. Kasalukuyan kami nag-i-snorkeling, buti nga pumayag silang tatlo. Saka kung hindi sila papayag, okay lang. Ako naman may gusto nito pero pumayag silang dalawa siguro bumabawi sa ginawa nilang kasalanan sa akin. Nasa magkabilang gilid ko sina Kyro at Kori na parehong nakahawak sa mga kamay ko, baka raw kasi mahiwalay ako sa kanilang dalawa pero paano ako mahihiwalay nasa dagat kaya kami tapos may kasama pa kaming expert sa snorkeling. Para-paraan lang din ang dalawa, e. Lumangoy kaming tatlo, napahinto kami ng may makita ako sa isang coral reef na malapit kay Kori. "Kori, si Nemo!" ani ko sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung naririnig nila ako dahil sa mga suot namin. Tinuro ko