SHAIRA Maghapon kaming naging abala ni Liam sa paulit-ulit na rescue operation sa site. Personal naming tinutukan na nahukay ang anim pa na nawawala at naiwan. Laking pasasalamat ko na umulan kagabi dahil naging malaking tulong iyon sa tatlong magkakasamang natabunan para makaligtas at nahukay ng buhay. Perwisyo man ito sa akin ang hatid ng malakas na buhos ng ulan ay malaking tulong naman ito sa iba. Nakakatuwa na makitang masayang sinalubong sila ng kanilang mahal sa buhay na matiyagang naghihintay kasama namin na masaya hindi gaya ng iba na luhaan dahil meron din na ilan ang tuluyang nagbuwis ng buhay. Heto kami ngayon sa ospital kausap ang mga kapamilya ng huling isinugod dito matapos na personal na sumama si Liam sa mga taong nagdala sa mga tauhang na hukay kasama ako. Kita ko kun

