SHAIRA Mabilis na lumipas ang tatlong araw pero hindi pa rin tapos ang problema dito sa construction site matapos na gamitin ng ilan sa human rights advocate ang ilang kapamilya ng mga namatay para humingi at makakuha ng mas malaking danyos perwisyo pero nanindigan ang kumpanya na tama at wala kaming nilabag na batas. Matindi ang tensyon lalo na at may banta ng kaguluhan sa panig ng mga nasawing tauhan na hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob para mag-alsa at sirain ang ilang mahalagang kagamitan sa construction site. May narinig kasi ako kay Liam na parte umano ito ng paghihiganti sa kanila ng dating kasamahan ng kan'yang Daddy na siya rin palang dahilan ng kamatayan ng asawa ni Leo. Sa narinig ay na takot ako para sa kaligtasan ko lalo na at kalat sa Manila ang tsismis na k

