LIAM Kinakailangan kong iwan sa bahay niya si Shaira matapos ko siyang ihatid kahit pa labag sa kalooban ko. Alam ko kasi na hahanapin ako ng pamilya ko at hindi pwedeng tumakas ako lalo na at narito si Arianne na mas matindi pa sa pusa ang pang-amoy. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng pabagsak na sinarado nito ang pintuan. Alam ko at ramdam ko kung paano kami nag-init at hirap pigilan ang tagpong pareho na kaming nadadarang pero kailangan. Ayaw kong maging dahilan kasi ito ng pag-iba ng pagtingin sa kan'ya ng pamilya ko. Hindi ko sisirain ang magandang reputasyon at pangalan ng babaeng nagpapasaya sa akin dahil lamang sa naging mapusok ako at alam ko na inakit ko si Shaira hanggang sa natangay ito. "Tagal mo ah," naka-ngisi na tapik sa akin ni Lyndon ng buma

