SHAIRA Kanina pa ako nakaupo at hindi gumagalaw habang lutang na nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na at durog na durog ang puso ko sa kaalaman na nagsisinungaling talaga pala sa akin si Liam. Base dito sa report at ebidensya na nakuha ni Jordan, pumasok si Reign sa kumpang pinapasukan ko sa dalawang taon na ang nakaka-lipas. Ilang buwan lang ang itinagal nito dahil na bunyag sa kumpanya at kumalat ang tsismis na may lihim na relasyon siya kay Liam dahilan para mapaalis at matanggal siya sa trabaho. Sa panahong iyon nagbunga ang relasyon nila at hindi 'yon pinanagutan ni Liam dahil nga sa pinagtabuyan nito ni Reign paalis sa kumpanya matapos akusahan ito na nagsisinungaling at pagpapakalat ng maling balita. May tistimonya ang isang katrabaho ni Reign at kasabay

