LIAM Naging abala ako sa loob ng tatlong araw na lumipas pero namimiss ko ng sobra si Shai. Hindi kasi ito pumasok noong Friday dahil sinunod nito ang sinabi ko na magpahinga. Alam ko na pagod talaga siya lalo na at recently ay halos hating gabi na kami pareho kung matulog. Active din ang s*x life namin dahil gabi-gabi rin akong hindi makapag-pigil lalo na at katabi ko ang babaeng mahal ko. Amoy pa lang ng katawan niya nahuhumaling na ako. Dumagdag pa dito ang pagiging sweet niya recently. Gusto niyang lagi akong niyayakap bagay na gustong-gusto ko naman kaya nga pa lihim ako nagpa-plano ng proposal sa kan'ya dahil gusto ko na siyang makasama sa isang bahay. Kahit magkaharap lang kasi ang bahay namin at malaya ko siyang napuntahan anytime na gustuhin ko ay iba pa rin iyong kasama ko

