SHAIRA Dahil wala naman akong ibang option ay heto ako hinintay ko na lang na lumabas si Liam para makagamit na rin ako ng banyo. Sa totoo lang ay hindi ko kayang matulog ng hindi naliligo lalo na at may make up pa akong nakadikit sa balat ko. Nangangati na kasi ang mukha ko dala na rin ng maghapong trabaho pero heto mahigit kalahating oras na akong naghihintay at dilat ang mata pero mukhang wala yatang balak lumabas si Liam at mukhang doon na niya gusto pa na matutulog. Nakakainis, talo pa niya ang babaeng may ritwal sa tagal maligo. Kung ako nga natatapos sa loob ng limang minuto kapag madalian lalo na at ganitong madaling araw na. Hindi ako nakatiis at kinatok ko na ito. Sobrang pagod na ng pakiramdam ko at gusto ko na talagang matulog. "Liam, baka pwedeng bilisan mo na d'yan!"

