SHAIRA Hating gabi na ng makarating kami ni Liam sa Subic. Hindi ko akalain na dito pala kami pupunta dahil napakalayo nito sa Maynila. Naiinis man ako kung bakit hindi niya sinabi na malayo pala ang pupuntahan namin dahilan para ni hindi ko nagawa na nagpaalam kay mama ay na tahimik ako ng makita ko ang kalunos-lunos na nangyari sa lugar. "Hala, anong nangyari dito?" bulalas na tanong ko ng tumigil kami mismo sa site kung saan tinatayo ang ilang palapag ng gumuhong hotel. "Sir, mabuti po at nakarating kayo," bati ng isang may edad na lalaki. "Kumusta ang sitwasyon dito?" agad na tanong dito ni Liam sa lalaking sumalubong sa amin. Sa kilos at pananalita nito ay halata ang awtoridad sa boses at hindi maikakaila na mataas ang estado sa buhay. Siya ang uri ng tao na tingnan pa lang ay

